CHAPTER 5

33 0 0
                                    


Hapon na nang nakarating na'ko sa tirahan ko at unang bumungad sakin si Inay na bakas sa mukha niya ang gulat.


"Anak ko!" sigaw niya at tumakbo papunta sakin, agad niya akong sinalubong ng mainit na yakap.

"Bakit narito kana? Na walan kaba nang trabaho? Nag-kasala ba ikaw?" agad niyang tanong. Tumulo naman ang luha ko sa sobrang sakit, sakit na makita silang masaya sa trabaho ko du'on sa palasyo.Oo, Inay sobrang laki ng kasalanan ko. At yun ang umibig sa Dugong maharlika.

"Inaay.." maluluha ko paring tawag sa kanya, patawad ina..

"Mabuti pa't pumasok ka muna, Anak" sabi niya at inaalayan akong pumasok sa bahay. Nakaramdam ako ng kunting saya, at sa wakas naka-uwi na'ko.

"Mag-pahinga ka muna at gigisingin nalang kita kapag nand'yan na Ama mo" sabi niya pa. Tumango ako at pumasok sa aking silid. Inayos ko muna ang aking mga kagamitan bago humiga at natulog.

Nagising ako dahil sa ingay na aking naririnig, minulat ko ang aking mata at bumungad sa akin si Ama at Inay na masayang nag-uusap sa aking paahan.

"Oh gising na pala Anak natin." sabi ni Ama at nilapitan ako, niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ako sakanya. Bigla nalang akong umiyak di'ko na alam kong ano nangyari sakin, dahil siguro ito sa pangulila ko sa kanila.

"Bakit ka ngumiyak, anak? May masakit ba sa'yo?" tarantang tanong ni Ama , umiling lang ako at tumingin kay Inay. Tinawag ko siya at lumapit naman siya agad sakin. Ilang minuto kaming magyakapan, akala mo ilang taon akong nawalay sa kanila ganyan sila kalambing sa'kin. Napinag-malaki ko talaga nang lubusan.

"Nga pala anak, pwede mo bang ikwento sa'kin kong bakit nawalan ka ng trabaho duon sa palasyo?" tanong ni Inay, nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig jo bago sumagot.

"Nakagawa po ako nang isang napakalaking kasalanan, Inay" sagot ko, di ako tumingin sa mga mata niya dahil tiyak na tatanungin pa niya ako. Di pa'ko handang magsalita sa ngayon.

Kamusta na kaya siya du'on? Ayos lang kaya siya? Pumayag kaya siya sa kasalan? Bigla tuloy sumakit ang dibdib ko dahil sa huli kong tanong. Alam ko. Alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako, ano ba ako? isang taga silbi lamang ako, at siya ay may dugong maharlika. Talagang di kami nababagay.

"Anak ano ba ang nakain mo at mag-iisang linggo ka ng sumuka" nag-alalang dabi ni Inay, bahang hinahagod ang aking likod. Alam ko ang nangyayari sa'kin ay isang bunga ng aking nagawang kamalian. Di ko ito inakala na mag-bunga iyon. Napabuntong hininga nalang ako habang nililinis ang dumi.

"Okey lang po ako Inay, masama lang siguro ang pakiramdam ko."sagot ko. Kita ko sa mga mata ni Inay ang pag-dadalawang isip na paniniwalaan ako. Patawad Inay, di talaga ako nag-iisip bago pumasok dito. Di ibig sabihin na ginusto ko ito ngunit hindi rin naman ako nagsisisi dahil nangyari na. Buntis ako at paninindigan ko ito.

Aalagaan ko ang batang dinadala ko. Di ibig sabihin na bunga ito ng kamalian ay di ko ito tatanggalin isa parin itong gantimpala para sa akin.

"Sigurado ka, anak. Tawagin ko nalang tatay mo pag maykailangan ka dahil ako'y aalis."sabi niya at lumabas na sa aking silid. Napahawak ako sa aking sikmura, nakaramdam ako ng kunting saya. Maging nanay na'ko at sa mura kong edad.

"OH ANAK may kailangan ka?"bungan ni Itay ng lumabas ako. Nadannat ko siyang nagbabasa ng libro.

"Wala naman po itay, nagugutom kasi ako" sabi ko at pumasok na sa munti naming kusina. May nakita akong pagkain duon at tinabunan lang. Nang binuksan ko ito, napa-ngiwi agad ako. Pritong isda. Gustong kumain ng prutas, yung matamis kaya pumunta ako sa labas ng bahay para tumingin sa aming mangga kong mayrupn ba itong bunga at meron nga.

Dali-dali akong pumasok sa bahay at nilapitan si tatay.

"Itay, gusto kong kumain ng mangga"sabi ko. Kita ko na nagulat siya pati rin naman ako nagulat dahil di naman talaga ako kumain ng mangga noon.

"Pero di ba ayaw mo ng mangga dahil maasim?"takang tanong niya. Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng lungkot gusto kong umiyak. Ganito ba talaga ang buntis?

"pe-pero itay. Gusto ko." naiiyak kong sabi sa kanya. Nataranga naman siyang lumabas ng bahay at nag tungo sa puno ng mangga. Napa-ngiti tuloy ako sa saya.

"Ito na, juskkong bata ka. Para kang buntis naglilihi."sabi niya pa at umiling. Napalunok naman ako, buntis naman talaga ako.

Kumain akong mag-isa. Sobrang tamis niya di'ko inasahan ang ganitong lasa ng tamis. Naubos ko ang limang manggang kinuhani itay sakin kanina.

Nang maghalon na ay tsaka nako lumabas ng bahay para mag-pahangin dito ko marin hihintayin si Inay sa kanyang pagdating galing sa trabaho.

Umupo ako sa may duyan at tinanaw ang nag-aagaw na liwanag at dilim. Napakaganda ito sa aking paningin. Napa-isip tuloy ako, kamusta na kaya siya? okey lang ba siya? kinasal na kaya siya? Ang daming tanong sa aking isil ngunit di ko kayang sagutin dahil narito ako sa amin malayo sa kanya. Siguro naman masayana siya dun. Sana naman. Ayokong matulad siya sakin ngayon na nagluluksa sa pag-alis ko at pag layo sa kanya.

" Anak.." tinig iyon ni inay. Napa-angat ako ng tingin at nakita ko siyang palapit sakin.

"Inay."tawag ko rito. Lumapit naman siya sakin at nag-mano ako. Kita kong nimanmanan niya ang bawat kilos ko.

"Sabi ng tatay mo kumain ka raw ng mangga?"tanong niya. Tumango naman ako. Tinitigan lang niya ako, kaya nakaramdam ako ng takot. Di kaya naghinala na sila sakin.

"hmm. Siguro naman anak sapat na ang dalawang linggo, pwede ka ng magsalita." ramdam ko ang diin sa kanyang boses. Nanginginig naman ang aking tuhod. Nang init din ang gilid ng aking mga mata.

"Buntis kaba?" tanong niya pero nandun parin ang pag-pipigil niya ng galit. Di ko alam kong bakit ang bilis niyang nahulaan, ganun naba talaga ako ka halata?

" In-nayy.."di kayang magsalita ngayong ramdam ko ang galit niya sakin.

"Sabihin mo! Buntis kaba kaya ka umalis sa palasyo? Anong ginawa mo? hah?! Sagutin mo ko Vanessa!!" ngayon sumigaw na siya. Walang salita ang lumabas sa aking bibig kundi ang hikbi ko lang. Gusto kong magsalita ngunit kay bigat ng aking naramdaman ngayon. Galit si Inay.

"Ma.."tawag ni itay kay inay at nilapitan ako para yakapin.

"Gusto ko lang namang malaman na buntis ba talaga yang anak natin, pa" malumnay na sabi ni inay. Duon na talaga ako tuluyang umiyak.

"Patawarin niyo po ako nay, at tay. Oo buntis pud ako.huhu"sabi ko at umiyak. Ramdam ko ang paghiglit ng yakap ni Itay sakin.

"Sino ang ama?" tanong ni Inay. Kita ko ang panginginig ng kanyang kamay. Sasabihin ko ba? Natakot ako baka, ipadala nila ako duon at ipilit nilang ipakasal ako sa prinsepe di ko hayaang mangyari yun dahil masaya na siya ngayon. Pero pano? Di ko rin kayang magsinungaling sa kanila.

"ahm- si..--ano" di ko mabigkas ang mismong pangalan niya dahil sa takot. Nanginginig narin ang aking tuhod dahil sa kaba.

"Sabihin mona anak"malambing na sabi ni Itay. Huminga naman ako ng malalim bago nag salita agad.

"Ang prinsepe po." di nako nauutal ng binigkas ko, kong sino. Nanigas naman sa kinatatuan si Inay bahang si Itay naman ay natigilan din. Alam kong magulat talaga sila, pero iyon ang totoo.

"Pumasok kana at mag-usap lang kami ng tatay mo"malamig na sabi ni Inay. Bumigaw naman si tatay at tumayo nako.

"sige po" sabi ko at naglakad na papasok ng bahay. Dumeritso agad ako sa kusina dahil tumutunog na ang aking sikmura. Gutom na ang anak ko. Umulo ako at simylang kumain ng hapunan.

Pregnant by the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon