Chapter 01

47 0 0
                                    

CHAPTER 01


Van's POV

"Nandito kana pala Van o nessa? haha. kanina ka pa hinanap ni Nay Celia" nakangiting sabi ni Glayd isa siya sa magiging bagong taga silbi sa palasyo.

"Ganuon po ba? sige nasan na po ba siya?" tanong ko rito at ngumiti. Bigla tuloy nawala ang inis sa kalooban ko. Wag mo nang isipin ang ginoong iyon Van, hindi siya importante sayo. Hayss Oo nga.

"Halika sumunod ka sakin, duon din naman ako pupunta. Nga pala hihintayin natin ang kamahalan duon kasama ang panganay niyang anak na naghahanap daw ng taga silbi, nakakagulat nga eh, sabi kasi ni Nay Celia simula ng nagkaisip si Prinsepe Xion di na raw riyan nangangailan ng taga silbi at ngayon humanap na, naka pagtaka raw." mahabang kwento ni Ate Glayd sakin. Di bale mas matanda siya ng isang taon sakin at ang masasabi ko lang sa kanya maganda siya at napaka ingay, di mauubusan ng kwento.

"Ganuon po ba? haha nakakapag-taka nga" komento ko. Patungo na kami ngayon sa pasilyo kong saan namin makikilala ang hari at ang anak nito na lalaki, Sa aming mga bagong taga-silbi ako lang ata ang hindi pa nakilala ang prinsepe, dahil sila ay nakita na raw nila ang mukha nito ako lang ang hindi, pero makikita ko naman ito mamaya.

"Nandito na tayo." sabi niya at binuksan ang isang malaking pintuan. Pagbukas nito naagaw ang atensyon ni Nay Celia samin, duon ko lang napansin na nandito na pala ang hari kaya dali-dali kaming yumuko sa harap niya at dahang-dahang lumapit sa nagkukumpulang mga bagong taga-silbi.

"Hintayin lang natin saglit ang anak ko, siyaang pipili kong sino sa inyo ang gusto niyang maging taga silbi." sabi ng hari, nagulat ito ng nahagip niya ako. Kita ko ang paglaki ng kanyang mga mata. Dali-dali namang lumapit sa kanya si Nay Celia at may binulong ito. Nang umalis na si Nay Celia sa harap ng hari na mataan ko itong tumitig sakin, kita ko rin ang pagdaan ng lungkot? sa kanyang mga mata. Bakit malungkot ang hari ng nakita ako? Ang gulo nila.

"Nandito napo ang kamahalan, mahal na hari." sabi ng kawal. Bumukas naman ang pinto at pumasok doon ang isang napaka-gwapong nilalang, di ko akalaing ganito ka gwapo ang prinsepe. Biglang naninkit ang mata ko ng nakita ko ang isang lalaki na nakasunod sa prinsepe, naka ngiti ito na parang wala ng bukas. Siya! Siya yung walang modong ginoo kanina, Siya pala ang taga bantay ng prinsepe kaya ganun nalang kataas ang tingin niya s kanyang sarili. Nawala bigla ang ngiti niya ng nakita ako na matalim ang punukol'ng tingin sa kanya.

"Ahem. Pumili kana po kamahalan, na siyang maging taga silbi niyo" sabi ng taga bantay ng prinsepe, yung lalaking nakabunggo ko.

Nag-simula ng pumili ang kamahalan at nakaramdam ako ng kaba sa aking loob. Di pa siya naka abot sakin ay tumalikod na siya at umupo sa kanyang upuan. May binulong siya sa kanyang taga silbi. Makikita mo ang mukha ng prinsepe wala ka talagang makikitang bakas na emosyon. Kung meron man ito ay napakalamig na tingin lang ang makikita mo sa mga mata niya.

"Wala siyang napili kaya ako ang pipili" sabi ng taga bantay. Nakita ko namang saakin ito naka tingin kaya tinignan ko siya ng masama, naka hinga ako ng maluwag ng dumaan lang siya sakin at pinuntahan si Senna, kita ko ang pag laki ng ngiti ni Senna, tsk malandi.

Lumapit si Senna sa prinsepe, pero nagulat kami ng tinignan niya lang ito ng napakalamig.

"Ayoko ko sa kanya, masyadong malandi..." malamig na sabi ni Prinsepe. At nilibot ulit ang tingin sa'min.

Para akong na estatwa ng huminto ang tingin niya sakin. Nag-tagpo ang mga mata namin, napaka ganda ng kanyang mga mata para kang inaakit nito sa bawat secondong lumipas. Matagal bago siya umiwas at tumikhim. Napa yuko nalang ako sa kahihiyan ng saakin tumingin lahat ng taga silbi pate na rin ang hari na nakangiti pa talagang nakatingin sakin. Ang wierdo nila.

Pregnant by the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon