Nay Celia's POV
"Nakahanda na po ang agahan Mahal na prinsepe."nakayuko kong sabi rito. Isang linggo na ang nakalipas simula no'ng umalis si Vanessa dito sa palasyo. At sa loob ng isang linggo tela walang buhay ang prinsepe. Lubos talaga siyang nasasaktan.
"Wala akong gana" di'na ako magulat sa sagot niya. Di na siya kumain ng sabay sa hari't reyna simula no'ng maynangyari.
"Sige po" sabi ko at yumukod bago lumabas sa kanyang silid.
Naaawa na'ko sa prinsepe ngunit napaka-mali naman kong ipipilit ko ito, mas lalong gugulo lang ang lahat.
Hapon na ng kumatok ako sa silid ng prinsepe ngunit walang sumagot. Ilang ulit pa'kong kumatok ngunit wala talaga. Kaya dahan-dahan akong pumasok at wala rito ang prinsepe.
Mukhang alam ko na kong saan ito nagtungo. Isang linggo palihim ko itong sinusundan at natuklasan ko na palihim rin pala itong hinanap si Vanessa na hanggang ngayon di parin niya natukoy kong saan. Sana maayos lang ang kalagayan mo Vanessa. Juskong pag-ibig ito.
Pag-baba ko sumalubog sa'kin ang prinsepe na dali-daling umakyat at di nga ako napansin nito
dahil sa pagmamadali nito. Anong meron.?
Dali-dali akong lumabas at nakita ko ang isang alagad ng prinsepe, nilapitan ko agad ito at tinanong.
"Anong nangyari?"tanong ko rito kita ko namang nagulat siya sa tanong ko. Bigla tuloy akong kinabahan sa posibleng sagot nito. Ngunit imposible ang naiisip ko.
"Wala naman pong nangyari"nagalang nitong sabi at tumitig sa mata ko. Nakahinga naman ako mg maluwag.
"Halika na, Harold"sabi ng prinsepe, naka-dating na pala ito. Tumabi nalang ako at kita ko ang pagmamadali talaga nila. Ano ba talaga ang nangyayari?
Pumasok nalang ako sa loob at nagumpisa ng mag trabaho.
Kinagabihan nakita kong dumating na ang prinsepe at bakas sa mukha nito ang kasiyahan at kita ko pa ang pag-tawa nito kasama si Harold. Mukhang may tinatago sila.
"Nandito na pala kayo kamahalan nakahanda na pala ang inyong hapunan"salubong ko sa kanya nakita ko ang pagkawala mg ngiti niya ng nakita ako. Mukhang sa'kin niya sinisisi ang pagkawala ni Vanessa.
"Susunod na'ko" nagulat ako sa sagot niya, o siguro nasanay na'ko na parati siyang tumatanggi sa pag-aaya ko ng kainan. Maganda ang modo ng prinsepe.
'Sana magpatuloy ito. Para naman matuluyan na niyang makalimutan si Vanessa.'
Kailangan ko pala siyang bibisitahin. Bukas pupuntahan ko siya.
Kinabukasan na udyot ang plano kong pupunta
kila Vanessa dahil kailangan ako ng mahal na Reyna.
"Mag-handa ka ng marami at sosyal na pagkain dahil dadayo ang mga kumare ko"maarteng utos ng Reyna sa'kin. Kahit kailan di'ko talaga gusto ang Reyna napakasama naman kasi ng ugali nito at daig pa pinaglihi ng sama ng loob.
Buong araw abala ako sa pag-aasikaso ng mga bisita at ngayon tudo ang putal ng reyna dahil di nahanap ang prinsepe. Irereto na naman kasi niya ito sa anak ng kumare niya na patay na patay kay prinsepe Xion. Mukhang iniiwasan ito ng Prinsepe.
"NASAAN NA ANG ANAK KO? HANAPIN NIYO!! MGA WALANG SILBI..WALANG KW*NTA..TANG*NA.!!"
Lahat ng mga gwardiya at pati na ang mga katulog ay sumali na sa paghahanap. Dumaan na ang alas Diyes ng gabi ngunit wala parin ang Prinsepe, lubos na ang iyak ng Reyna na tinatahan ngayon ng hari.
Sino ba kasi ang matinong ina na irereto ang anak kahit alam naman niyang di nito gusto.
"Anak ko.huhuhu" paulit-ulit na bigkas ng reyna. Maawa na sana ako ngunit mas naawa ako kay Prinsepe Xion na walang ibang gusto kundi ang maging malaya at masayang pumili ng kanyang mamahalin at maging isang dibdib niya.
'Kung nasan kaman mahal na prinsepe sana nasa maayos ka nakalagayan'
"WALA parin ba siya, mahal?"madaling araw na ngunit di parin kami natutulog. Kinabahan narin ako, ngayon ko lang ito natuklasan ang pag-wala ng prinsepe, noon kasi pag-umalis ito uuwi din naman. Ngayon lang ito.
"Maria."tawag ko sa isang taga silbi na pumalit kay Vanessa. Agad naman itong lumapit sa'kin. Siya sana ang taga silbi ng prinsepe ngunit umayaw ito.
"Ano ho iyon, Nay Celia?"tanong niya.
"Aalis ako may pupuntahan lang ikaw muna ang bahala rito."sabi ko sa kanya. Ngayon ang alis ko patungo kela Vanessa. Tumango naman siya kaya umalis na'ko sa kusina.
"Agad akong nag-impake ng gamit at lumabas ng palasyo, isang araw akong mawawala at alam ng hari iyon na bibisitahin ko si Vanessa. Ako lang din ang nakaka-alam sa lihim ng hari, ang pasekrito nitong pinabantayan ang kalagayan ng mag-inang Vanessa at ang ina nito.
Umabot ng isang oras bago ako nakahanap ng masasakyan. Masyado talagang malayo ang lugar na kinaruruonan nila Vanessa dahil masyado lang ang mga karwaheng hahatid sayo don.
Nilibut ko ang aking paningin at lubos akong nanibago sa paligid, kay tagal ko ngang hindi nakalabas ng palasyo.
Huli kong labas ay noong pinagamot ako ng hari dahil nagkaroon ako ng sakit at duon ko nakilala si Vanessa na anak pala ng matalik kong kaibigan. At duon ko din nalaman na nagka-anak pala ito matapos paalisin ng palasyo. Lubos din akong nasasaktan sa sinapit ng aking kaibigan ngunit wala akong magawa dahil mismong hari na ang nagpapaalis sa kanya. At ngayon anak na nito ang dumugtong sa nasawi nilang pagmamahalan.
UMABOT ng apat na oras bago ako nakarating sa bayan kong saan naninirahan si Vanessa. Dahil di ko alam kong saan talaga ang tirahan nito ay nagpahatid ako sa pagamotan kong saan ko nakitang nagtatrabaho si Vanessa noon bago siya naging tagasilbi ng palasyo.
"Ito na ang bayad." Sabi ko sa kutsero sabay abot ng kunting pilak pangbayad.
"Salamat"
Pumasok nako sa pagamutan at nakita kong kaunti lang ang may sakit ngayong araw kadalasan ay mga bata. Nilibot ko ang aking paningin at may nakita akong isang babae siya yung tumawag kay Vanessa noon na tulungan siya.
Lumapit ako dito.
"Magandang Umaga..!" Agaw ko sa kanyang atensyon. Lumingon naman ito at ngumiti.
"Ano po ba ang atin?"tanong niya.
"Nandito ba si Vanessa yung dating manggagamot dito?"
Nag-isip pa ito bago sumagot." Matagal na siyang wala rito, ang huli kong balita sa kanya ay pumasok siya bilang tagasilbi ng palasyo."
"Ganuon ba? Alam ko ba kong saan bahay niya? At maari mo bang ituro sa'kin"tanong ko. Hanggang ngayon ba di parin alam nito na umuwi na si Vanessa.
"Ay Oo naman. Halika."sumunod naman ako sa kanya palabas ng pagamutan.
"Nakita mo yang malaking puno ng mangga? D'yan nakatira ang mga magulang ni Vanessa"sabi niya. Malapit lang pala at mula rito tanaw ko ang tahanan nilang gawa sa kahoy pero kita ko din ang napakaganda ang disenyo.
"Salamat"sabi ko nalang at nagpaalam na. Iniwan ko na siya duon at nagtungo sa bahay na kanyang tinukoy.
BINABASA MO ANG
Pregnant by the Prince
Teen FictionVanessa Aragon,isang sempleng babae na ang tanging hiling lang sa buhay ay maihaon sa hirap ang kanyang pamilya. Hindi man siya naka pag-aral dahil sa kahirapan, at para sa kanya ang tanging makapag-aral lang ay yo'ng galing sa matataas na angkan. P...