CHAPTER 10

47 2 0
                                    


Van's POV

Akmang ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng may naramdaman akong mga titig na kanina pa naka-titig sakin.

Tiningnan ko ang bandag gilid ko kong saan ko naramdaman ang presenya niya.

Halos lumuwa ang kaluluwa ko mg nakita siyang perting naka-upo sa isang silya na para talaga siyang hari.

Ang titig niya. Ang titig na nakakatunaw.

"Anong ginawa ko rito? Akala ko ba umalis kana?"deritso kong tanong. Pagod ako ngayong sitahim siya. Ayokong mapagod nakasasama sa bata.

"Binabantayan ka"sagot niya at tumayo galing sa kaka-upo at nag-lakad patungo sa'kin.

Napa-upo naman ako sa aking higaan at dahan-dahang umatras na siya namang paglapit niya sa aking higaan. Hanggang umupo siya rito.

Di ko alam kong bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Dahil ba ito sa kaba o sa presensiya niya?

"Lu-lumayo ka nga ng kunti."suway ko sa kanya ng akmang inilapit niya ang mukha niya sa'kin.

"Parang may na iba sayo" salitang nagpa-pako sa aking kina-uupuan. Hala ka!

"Ano-anong ib-big mong sa-sabihin?"kahit kinabahan ako nagawa ko paring magtanong sa kanya.

"Hmmm?"yan lang sagot niya at dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa'kin. Di ko na magawang umatras dahil pader na ang nasa likod ko.

"Ka-kamahalan" pabulong kong sita sa kanya. Di ko na kilala ang sarili kong boses.

"Kahit ngayon lang Vanessa, hayaan ko kong bantayan ka at samahan ka"sabi niya at tumitig sa mga mata ko. Inasahan ko na ito ngunit hindi sa ganitong posisyon. Tinulak ko siya ngunit di parin siya nakalayo sa'kin.

Tiningnan ko lang siya at inaabangan ang susunod niyang sabihin. Ngunit nanatili siyang tahimik at tumayo upang lumilat ng puwesto. Tumabi siya sa'kin sabay hila ng kamay ko at pinatong ito sa kanyang hita.

Tumingin ako sa kamay kong hawak niya. Sobrang higpit ng pagkahawak niya at para bang ayaw na niya itong bitawan.

"Di ko parin lubos na-isip na nagawa ni Amang ilayo ka sa'kin. Siya na kasi mismo nag-sabi na ako mismo ang pipili ng aking mapapangasawa."kwento niya sa'kin.

Paano niya nalaman na ang mahal na hari ang dahilan?

Tumingin ako sa kanya, pero di pala siya naka-tingin sa'kin nandon parin ang atensyon niya sa mga kamay naming mag-kahawak.

Di ko alam kong ano ang sasabihin ko. Alam kong masama ang loob niya ngayon.

Hindi ko alam kong ano ang pumasok sa utak ko na bigla ko nalang siyang niyakap. Nagulat naman siya sa ginawa ko, ngunit gumanti din naman siya ng yakap ko.

"Mahal kita kahit ano mang-yari."bulong ko sa tenga niya. Siguro hanggang pagmamahal nalang ang kaya kong ibigay sayo Xion hindi ang pang-habang buhay na makasa ako.

Una siyang bumitaw sa mga yakap ko at iniharap niya ako sa kanya. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa'kin kaya pumikit ako hanggang sa naramdaman ko ang malambot niyang labi. Ang matamis at malambot niyang labi na kay tagal kong hinintay na lumapat muli sa akin.

Marahan at maingat ang bawat pag-galaw niya. Umabot ng ilang segundo ang halik namin bago siya bumitaw. Hinalikan muna niya ako sa aking noo at niyakap ulit ng mahigpit.

"Kaya kong mawala ang lahat sa'kin Vanessa wag lang ikaw."huling salitang narinig ko.sa kanya bago ako hinila ng kadiliman.

HALOS MAG-GABI nang nagising ako. Wala akong katabi pero hanggang ngagon ramdam ko pari na binabantayan niya parin ako. Hanggang di pa lumaki ang tiyan ko di ko muna siya pag-tabuyan.

Makasarili man pero wala nakong ibang magagawa. Alam ko sa sarili ko na matatalo at matatalo ako sa labang ako mismo ang unang sumugod.

Ayoko din namang mabuhay siya ng malayo sa nakasanayan niyang buhay di ko kayanin ng konsensiya iyon.

Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako sa aking silid nadatnan ko si Inay na naka-upo sa sala habang naka-tingin sa malayo, ang lalim ng inisip niya.

"Ina"tawag ko sa kanya mukhang natauhan naman siya. Ningitian niya ako at inayang umupo sa tabi niya.

"Kamusta pakiramdam mo, anak?"tanong niya sa'kin. Hanggang ngayon ang kalagayan ko parin ang lagi niyang ini-isip. Bilib din ako sa kanya.

Ganyan naman talaga ang gawain ng mga nanay, kaya nga kapag naisilang kuna ang anak ko, gagawin ko talaga ang makakaya ko mabigyan lang siya ng magandang hinaharap.

"Nandon pala ang kamahalan sa iyong silid kanina"naka-ngiti niyang sabi. Nagulat naman ako. Teka pano niya nalaman?

"Dahil diyan sa lumabas galing sa silid mo. Papasok sana ako ng kusina, kaya lang nakita ko siya."mukhang nabasa niya anh nasa isip ko.

"Ganuon po ba."tanging nasabi ko lang sakanya.

"Anak. Ang tanging mapapayo ko lang sayo na kahit ano mangyari susundin at susundin mo ang sinisigaw ng puso mo, kahit gaano man yan ka komplikado. Ayoko lang na maranasan mo ang sakit at pag-sisisi sa huli anak."sabi niya pa at iniwan nako.

Pumasok nako sa kusina, di kasi ako makapag-isip ng maayos kong gutom ako. Tiningnan ko ang naka-hain sa lamesa, itlog na may halong kamatis. Bigla akong natakam.

Halos naubos kuna ang kanin namin sa dami ng aking nakain mabuti nga't sinayaw agad ako ni Inay dahil di paraw sila kumain ni Ama. Natawa tuloy ako sa sarili ko grabe.

Lumabas ako ng bahay kahit gabi at doon hinintay si Ama na dumating. Gusto kong magpapakuha sa kanya ng mangga bukas. Gusto ko kasing kumain non.

Ng dumating na si Ama agad ko siyang niyakap ng mahigpit at sabay sabi ng gusto ko, pumayag naman siya.

Patakbo akong pumasok sa aking silid ng may na alala ako. Kanina bago ako natapos kumain sinabi ni Inay na may iniwan daw'ng sulat si Xion sa silid ko.

Pag-pasok ko at saktong may nakita akong sobre sa aking mesa. Nilapitan ko ito at dinampot bago binuksan.

'Vanessa Aragon-Valdez'

Pangalan ko agad ang bumungad at kadugtong pa talaga ang kanyang apelyido.

'Mahal kita at wala ng iba, una't huli kong iibigin hanggang sa dulo ng aking hininga.'

Unang estanza na nag-papangiti sa'kin.

'Di ko alam kong kailan ko ito simulan pero isa lang ang tangi kong isakatuparan ngayon, hihintayin mo ako at ika'y aking babalikan. Sa buhay ko Vanessa ikaw lang ang babaeng nagawa akong paamohin at paibigin sa unang kita palang, siguro nga ikaw na talaga ang tinatakdang babae na nararapat sa'kin. Patawad narin kong minsan makulit ako dahil sa ngayon lang ako nakaramdam ng pagmamahal na ako lang, yung walang kahati sa iyong atenston na kailan man di ko naramdaman sa iba. Vanessa alam ko sobrang hirap at komplekado ng ating sitwasyon pero pwede pa akong humiling kahit isa lang? Mahalin ko lang ako tulad ng pagmamahal ko sayo, iyan ay sapat na sa'kin. Babalikan kita hindi man sa ngayon pero alam ko na babalik ako, at yun ay kong handa kang hintayin ako.

Nagmamahal,
Prinsepe Xion Valdez'

Bigla nalang nanikip ang aking dibdib ng nabasa ang huli niyang sinulat.

"Di ko alam kong mahihintay pa kita."bulong ko sa hangin.

Alam kong masasaktan kita kapag iiwan na naman kita ng walang pasabi kaya kong darating man ang araw na aalis ako at lalayo sayo sisiguraduhin kong naka-pagpaalam ako sayo ng maayos.

Tinago ko ang sulat niya sa isang banga para kahit papaano papahalagahan ko ano man basta't ng galing sa kanya.

Naka-ramdam ako ng hilo kaya umupo ako sa kama at hinilot ang aking sentido.

Maya-maya nakaramdam ako ng pagsusuka, dali-dali akong tumakbo papunta sa banyo at doon sumuka.

Halos di na'ko naka hinga ng maayos dahil sinabayan ng aking luha ang aking pag-suka.

Nilinis ko muna ito bago pumunta sa kama at humiga. Nilamon naman agad ako ng kadiliman.

Pregnant by the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon