"I'M SAYING it again, Mother... Please leave Flor out of this. I've dedicated my whole life for this family, please let me do my own thing. You've always trusted me, and I'm asking you to please keep on doing that. I will never let you down."
Pinagmasdan lamang ni Trinidad McNally ang kanyang anak. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari subalit alam niyang lalong hindi magiging maganda ang sitwasyon kung kokontra siya sa sinasabi nito sa ngayon.
She looked at her husband. He nodded at her. Tumango rin siya nang tipid sa kanyang anak. "Okay."
"Thank you. Thank you so much." Zeph's face was filled with so much emotion she could not believe it.
Oh, my God. That woman had turned my son into someone I don't even recognize anymore, nanghihinang naisaisip niya. All of a sudden, the stubborn, arrogant son she had was gone. Nagpaalam na ito sa kanilang mag-asawa at umalis na rin.
Hindi na niya maalala kung kailan huling nakiusap sa kanya ang kanyang binata. Noon pa yatang isa itong batang paslit na may ibig ipabili sa kanya. Hindi na niya inaasahan na darating pa ang pagkakataong makikiusap uli ito sa kanya—at para saan? Para sa isang babaeng ni hindi nito kakilala.
Aaminin niyang masyadong na-underestimate niya ang Flor na iyon. Ang buong akala niya ay masisindak na ito sa ginawa niyang pagkausap dito. After all, she was but a housekeeper warming her son's bed at night. Sa tingin niya ay masisiyahan na itong guminhawa nang kaunti ang buhay kaya naman pumayag sa ganoong setup.
Kilala niya ang kanyang anak. Naging ugali na niyang subaybayan ang mga plano nito kahit malayo ito sa kanya. As his mother, she felt it was her duty to look after him even if she knew he was smart enough to know what he was doing. Hindi nito narating ang estadong iyon nang basta-basta lamang. Hindi dahil ito ang nag-iisang anak nilang mag-asawa kaya ito ang namamahala ng emperyong itinatag ng kanyang biyenang lalaki.
He had always been an intelligent boy. And once he set his heart and mind into something, he was sure to get it. Iyon ang ikinatatakot niya sa mga pangyayari. Noong unang mabalitaan niya ang espesyal na relasyon nito sa isang housekeeper ng hotel ay naisip niyang sumusubok lamang ito ng bago.
Nagsimula siyang maalarma nang malaman niyang bumili ng isang property ang kanyang anak para lamang sa babaeng iyon. And she was even more surprised when she found out the woman's cousin lived with her there. Hindi niya matanggap na ang babaeng iyon ay nagagawang paikutin ang ulo ng kanyang unico hijo.
At gaya ng sinabi niya sa kanyang anak ay hindi rin siya nangdi-discriminate ng tao dahil lamang sa kabuhayan nito. Nagkataon lang na mulat siya sa katotohanang napakaraming mapagsamantalang tao sa mundo. At mahirap para sa kanyang tanggapin na isang housekeeper ang nakagawa ng lahat ng iyon sa kanyang anak. Added to that was the fact that she wanted the right woman for Zeph. At hindi si Flor iyon.
Bumilib siya kay Flor nang hindi nito tanggapin ang perang iniaalok niya rito. Naisip niyang bibihirang tao ang tatanggi sa kalahating milyong piso. Kung tutuusin ay barya lamang iyon subalit alam niyang malaking bagay na iyon para dito. There was even a moment when she thought she was mistaken when she figured Flor only wanted money from her son. Subalit kahit iyon ang kanyang naisip, buo ang pasya niyang palayuin na ito. She was never going to be good enough for her boy.
For God's sake, Zeph was very gifted. He was a genius. Sa special school for the gifted ito nagtapos ng elementarya at high school. He was a double degree holder, had a master's degree, and was the CEO of Wellbeing, Incorporated! Ano ang maitutulong ng isang Flor sa buhay nito?
Ngayon niya naisip na mali siya sa pag-aakalang madaling mapaalis ang Flor na iyon sa buhay ng kanyang anak. Sinabi nito kay Zeph ang napag-usapan nila. And Zeph came to her and asked her to leave him be. Parang siya pa ang lumalabas na masama nang sabihin nitong pabayaan na niya si Flor, na walang kinalaman sa lahat ng iyon ang babae.
The audacity of that young woman!
"Relax," anang kanyang asawa. "He's a smart man. He knows what he is doing. Do you honestly believe Zeph is going to take this lady to the altar? Think again."
Paano niya maipapaliwanag sa kanyang asawa na iyon nga mismo ang kanyang ipinangangamba? Hindi pa niya nakikita ang kanyang anak na nagkaganito kailanman. She suspected he was in love with that woman. And she knew how powerful love was. She had been and was still in love with her husband. She was willing to do anything for him.
"If that happens, what do we do?"
"We take away everything we have given Zeph until she leaves him. He'll realize his mistake. Of course, I don't think it will come to that. Now, come to bed. It's late."
Napahinuhod na rin siya nito. Bago siya pumikit ay nanalangin siyang sana nga ay tama ang hinala ng kanyang asawa.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaking Nagmahal sa Akin (COMPLETED)
RomancePublished many years ago. This story won novel of the year. It has been turned into a TV show on ABS-CBN, starring Toni Gonzaga and Derek Ramsay. I think it's still on Youtube.