NATAWA nang malakas si Zeph habang walang tigil ang pag-iling ni Narciso na nakaupo sa unahan ng kanyang taxi. He was willing to bet the money earned that day he had never been inside a cab before.
Mukhang hindi natutuwa ang kaibigan niya. Hindi man lamang mapangiti ito. Tinawagan siya nito kanina at sinabing magkita naman daw sila at magkumustahan. Alam niyang walang ideya ito na nauwi na siya sa ganoon. Ang totoo ay naisip na niya ang posibilidad na hindi na bawiin ng kanyang mga magulang ang kapasyahan ng mga ito. Kung ganoon ang mangyayari ay wala naman siyang balak na habang-buhay magmaneho ng taxi.
The truth was, he had already thought about things. Binigyan niya ng anim na buwang ultimatum ang mga magulang niya. Sa loob ng panahong iyon at hindi pa ibinabalik ng mga ito sa kanya ang lahat ay hindi na siya lalapit pa sa mga ito upang ipamukhang ang mga bagay na iyon ay pinagpaguran din naman niya.
Simple lamang ang gagawin niya, lalapit siya kay Narciso at magsisimula ng isang bagong negosyo. He was going to use their connections. He knew he wouldn't be as wealthy as he used to be, but wealthy enough for his future kids and family to live comfortably all their lives.
Sa ngayon, naroon na siya sa sitwasyon na iyon at mayroon pa siyang anim na buwan bago magdesisyon ng susunod na hakbang.
"This is your first time in a taxicab?" natatawang tanong niya.
"This is not funny, Zeph!" Bakas sa mukha nito ang matinding iritasyon. Patungo sila sa The Fort. Nagyaya kasi itong kumain. "Look at yourself! Will you look at yourself, dammit, Zeph? Dammit!"
"Hey, relax. I'm still me, only billion bucks poorer." Natawa na naman siya.
"Man, what are you doing with yourself? 'Tang ina, pare, have you completely lost your marbles? For God's sake, man."
"How are you?"
"I'm okay. And you are pathetic." Napailing na naman ito nang marahas. "How much do you fucking need? C'mon, let me help you out. Jeez, I can't even fucking look at you, for God's sake!"
"Have you talked with my folks?"
"Yes. And I don't care what they told me. I'm gonna help you out. We could start a business together. As a matter of fact, the island I bought in Puerto Princesa has been operational for about a month now. We can—"
"No, thanks. I'm okay."
"I understand you want to prove something to your parents although I don't know what that is, but for God's sake, Zeph, this is insane."
"You mentioned talking with my folks, what did they say?"
"Your mom said if you ask for help, maybe it's better if I don't give it. But I don't care. She's not my friend, you are. I don't know what's going on between you and her, but I can't stand seeing you like this, man." Napabuntong-hininga pa ito.
"We'll get there, man. All I need is time."
Nakarating na sila sa The Red Kimono. They had dinner there. Wala pa rin itong sinabi kundi tutulungan siya. Hanggang sa ipaliwanag niya ritong kailangan niyang gawin iyon para kay Flor. Noon ito natigilan.
"All this for her, huh?"
"And for myself, as well. And you know what, man? Honestly, I have never been happier my whole life. Sure, it sucks driving idiots around town but when I get home and see her there, I just smile and think I am one lucky bastard." Napangiti siya. "How's married life?"
"You're right. You're one lucky bastard." Pumanglaw ang mukha nito subalit saglit lang. Ang daming ipinabalot nitong pagkain para daw kay Flor. Nang maihatid na ito sa bahay ng mga ito ay sinulyapan niya ang metro.
"Four hundred bucks, bro, plus tip. Sorry, no free ride."
"You fuckin' idiot." Ang lakas ng tawa nito, saka inabutan siya ng ilang lilibuhin. "Keep the change."
Limandaan lang ang kinuha niya. "I'm no charity case, man. See you around."
"I KNOW I'll often stop and think of them... But in my life, I love you more..."
Nag-bow si Flor kay Zeph. Ang lakas-lakas ng palakpak nito sa kanya, habang sina Prospie at Dina ay ni hindi na siya pinansin. Kanina pa siya kanta nang kanta. Kalilipat pa lang nila ni Zeph ng bahay. Di-hamak na mas maliit iyon kompara sa pinagmulan nila subalit maayos naman at hindi magulo ang paligid.
Inimbitahan nila ang dalawang bakla, maging ang amo ng mga ito na pinsan din ni Prospie na si Molly. Kilala pala ni Zeph si Molly pero hindi raw malapit ang mga ito. Subalit sa pagkakataong iyon ay mukhang magkasundo ang mga ito.
May simpleng salu-salo sila dahil bagong lipat sila. Parang nagkasiyahan lang sila dahil pahinga silang lahat sa trabaho. Isa pa, kaninang umaga ay nakitulong sa pag-aayos doon ang dalawang bading.
"The world's best singer!" wika pa nito.
Sabay pang nagtirikan ang mga mata ng dalawang bading, sabay naman silang natawa ni Zeph. Nakayapos lang siya rito habang ang mga panauhin naman nila ang umaawit. Naging bida si Dina sa husay nitong kumanta. Nang magsawa ay nagkuwentuhan na sila.
Noon may kumatok sa pinto. Nang buksan iyon ni Zeph ay nakita niya ang isang lalaking noon pa lang niya nakita. Ang hula niya ay ito ang binabanggit ni Zeph na kaibigan nitong si Narciso.
"Welcome to our very humble abode, man. This is my fiancée Flor. Flor, this is Narciso," pakilala nito sa kanila ng kaibigan nito.
"Hello. Pasensiya ka na, maliit lang itong bahay."
Napansin kaagad niya na napako kay Molly ang paningin nito. Si Molly naman ay tila nailang. Napatingin siya kay Zeph. Naitaas lamang nito ang mga balikat. Nagpaalam si Molly na aasikasuhin lang ang pagkain sa kusina. Pinabayaan na niya ito. Mabait ang babae. Sosyal subalit cowboy naman.
Nagpaalam si Narciso na pupunta sa banyo. Itinuro nila kung nasaan iyon. Nagkakatinginan ang dalawang bading. Mukhang hindi na nakatiis si Zeph.
"What is going on?" tanong nito sa dalawa.
Nag-unahan sa pagkibit-balikat ang mga ito, saka nag-unahan sa pagsasalang ng panibagong bala ng videoke na ang mga ito rin ang may dala.
"Are you happy, Flor?" bulong sa kanya ni Zeph.
"Oo naman. Ikaw?"
"Very." Inubo ito. Kinapa kaagad niya ang likod nito. Bahagyang pawis iyon. Lalagyan sana niya ng bimpo iyon nang pigilan siya nito. "'Wag naman. Nakakahiya kay Narciso."
"Kaysa magtuluy-tuloy 'yan. Ilang araw ka nang may ubo."
"Bumili ka na ng gamot, 'di ba?"
"Hindi mo naman iniinom."
"I feel drowsy and I drive. Pero iinom ako mamaya."
"Ngayon na." Tumayo na siya at nagtungo sa kusina. Natigil siya sa paglapit doon nang makitang naghahalikan sina Narciso at Molly. Nagbalik kaagad siya sa sala. "Mamaya ka na uminom ng gamot."
"What's the matter?"
"M-may kissing scene sa kusina."
Kumunot ang noo nito, mayamaya ay napatango. "Now, I get it. So, she's the one."
"Anong 'she's the one'?"
"Tsismosa."
Napahagikgik siya. "Ikuwento mo sa akin mamaya, ha? Pero alam mo, nakakainggit sila."
"Humanda ka kapag wala nang bisita."
"Ang mga bakla kasing ito, ayaw pang lumayas."
Ang lakas ng tawa nito.
___
You may say thanks for the free reads by liking these pages:
www.facebook.com/vanessachubby
www.facebook.com/theromancetribe
BINABASA MO ANG
Ang Lalaking Nagmahal sa Akin (COMPLETED)
Roman d'amourPublished many years ago. This story won novel of the year. It has been turned into a TV show on ABS-CBN, starring Toni Gonzaga and Derek Ramsay. I think it's still on Youtube.