TELESKOPYO

13 1 0
                                    

Sa iyong ganda lagi na lang kong natutulala
Ung tipong pagnakikita kita ang unang naiisip ko sana maging akin ka.
Marami na kong nakitang magaganda at sexing babae pero sakin iba ung dating mo. Ung tipong kapag nanjan ka lumiliwanag ung mundo. Napapagaan mo ung bigat na dinadala ko . Nakakaramdam ako ng kakaibang ligaya. Pinapalakas mo ang nanghihina kong katawan. Sinabi ko sa sarili ko na kapag hawak na kita d kna makakawala pa.

Ngunit mukhang imposible ang layo kasi ng ating pagitan
Nandito ko at nanjan ka sa kalangitan
Araw-araw pinagmamasdan kita sa malayo
Sana dumating ung panahon na makapagusap muli tayo
Kasi hanggang ngayon sa malayo ko lang nasasabi sayo ang nararamdaman ko
Binubulong sa hangin kung gano kita kagusto. Kung ano ang aking mha plano pag mag-asawa na tayo.

Lagi kitang tinitingala ikaw ang nagsisilbing inpirasyon ko
Ikaw ang sagot at gamot sa mga depresyon ko.
Sa maraming bagay nagugulo ang isipan
Pero ikaw, ang imahe mo sa utak ko ang sya kong kapahingahan.

Wala akong lakas ng loob na magtapat sayo kasi may nauna na.
Ayokong makagulo sa relasyon kung san alam kong masaya ka.
Batid sayong mukha ang ligaya na kanyang dala. May ngiti mo'y d sana mawala.

Sana d kaniya lokohin at paikutin
Wag ka sanang paniwalain at paasahin sa maling damdamin na kanyang inaamin. Sanay tunay at malinis ang hangarin. Sa oras na ikaw ay paiyakin darating akot ikay aking aagawin.

A Poet on a TripWhere stories live. Discover now