ORASAN

13 0 0
                                    

Tik..tok..tik..tok..tik...tok
Paulit ulit na bulong ng orasan
Sa araw araw wala ng bagong karanasan
Buhay ay umiikot sa bahay at trabaho
Di alam lulusutan ay paano?

Dahan dahang umiikot ang mundo
Akoy dahan dahang ding napagiiwanan nito
Sa rotasyon ng mundo ay di ako makasabay
Sa pagkakataon makawala ako ay naghihintay

Mga kamay ng orasan na kumukumpas
Mga araw ay mabilis na lumilipas
Akoy napagiiwanan ng mga pagbabago
Mga kakulangan koy dna maitatago

Mga kaibigan ay nag-uunahan sa karera ng buhay
Habang ako'y kay layo pa sa inaasam kong tagumpay
Hindi ko maiwasan inggit ay kumaway
Unti unting pag-asay nananamlay

Noon silay walang pag-asa saking tingin
Sa akademiko ay walang panama sa akin
Ngunit ngayoy malayo na ang aming pagitan
Sa bawat karera ako na ang naiwan

Kay hirap na tanggapin sa puso ay pabigat
Ang ganitong uri ng pagkamulat
Na hindi talaga lahat ng matalino
Ay may siguradong pag-asenso

Mga kasabayan ko'y mayron ng nagpapaligaya
Ngunit ako nananatiling hanap ay paglaya
Sa kinasadlakang kong basa putik at lupa
Baha ng luha sa dibdib kailan kaya huhupa?

Buhay koy orasan tumatakbo ngunit napagiiwanan
Buhay koy orasan umuusad pero napaglulumaan
Kung ako ay mananatili saking kinalalagyan
Kung maubos ang enerhiya kikitlin na lang

Bawat takbo ng oras ay takbo ko
Ngunit sa pagdaan ng nito
Maiiwan akong walang pagbabago
Mananatili ang himig sa bahay na abandonando

A Poet on a TripWhere stories live. Discover now