Sana Gusto Mo Din Ako

6 0 0
                                        


Bakit ba ng makilala ka di na makatulog?
Sa bawat saglit ay iniisip ka
Di mapigil ang sarili na hindi ka nakikita
Anong meron ka? Meron ka bang gayuma?
....
Akoy tinamaan puso'y tinamaan
Sadyang ikaw lang ang tanging dahilan
Walang iniisip wlang nalalaman kung di ikaw lang pagkat ikaw ang mahal
Tunay na lahat ay hahamakin pag iyong nararamdaman
🎧🎵🎶🎸

Ang ganda no? Parang ikaw ❤yieee😂
Feeling relate ako, yan kasi ung mga linyang gusto kong sabhin sayo
Naalala mo pa ba nung una tayong magkakilala?
Ako dko malilimutan ang una nating pagkikita
Kasi nung oras na nakita kita bumilis ung ikot ng mundo ko. Nakakahilo. Masakit sa ulo. Nakakapanghina. Nakakapanlata. Nanlalambot ako. Parang babagsak ung katawan ko at mapo-fall ako sayo ❤ yieee.😂

De, seryoso at wlang halong charot
Di ko ginawa to para lang mangharot
Gusto ko lang ipaalam na ikaw ang sagot
Sa sakit at lungkot ng pag-iisa ikaw ang gamot

Puso kong bato binuhay mo't pinasayaw
Sa saliw ng damdamin masigla ang galaw
Sa madilim kong buhay ikaw ang nagsilbi kong araw
Ngunit sa mga oras na to'y ikaw at ako ay di pa rin malinaw

Di ko maiwasang sayo ay magnakaw ng sulyap
Minsan kailangan kong pagmasdan ang larawan ng pangarap
Upang magkaroon ako ng lakas ng loob na ika'y abutin
Suntok man sa buwan, mapapasakamay ko din pinapangap kong bituin

Sana ikaw ay magsilbing salamin
Kung ano ang ipakita ko sayo ipapakita mo rin
Kung ano ang damdamin ko sayo ay damdamin ding ibabalik mo sa'kin
Kaya pag sinabi konggusto kita , sana'y sasabhin mong "Ika'y gusto ko din".

A Poet on a TripStories to obsess over. Discover now