Ipaglaban Pa

4 0 0
                                        

Heto na naman ako nag-aabang ng bago sa istorya ko
Paulit-ulit na lang paulit-ulit na lang
Eto na naman ako tinitignan san nagkamali ang puso ko
parang wlang katapusan
Heto na namn ako
parang hindi nadadala ang puso ko
Kahit na nasusugatan aking ipaglalaban
🎵🎶🎸🎧

Oo ganyan ako magmahal na kahit sugatan patuloy kong ilalaban
Kahit na paulit-ulit puso koy hiwain duruguin pukpukin hatiin gupitin wasakin operahin ipitin kutsarahin tinidorin tiradorin sipain palayasin lokohin mananatiling mahal ikaw parin

Ipakikita ko kung gaano kita kamahal
Kahit na sa pag-ibig katangahan ay bawal
Itutuloy kong mahalin ka itoy dadaanin ko sa dasal
Alam kong wlang imposible lalo sa pag-ibig na mula sa May kapal

Kahit na paulit ulit mo kong saktan
Mahal di kita iiwan di bibitawan di susukuan di lalayasan di tatalikuran di papalitan pagkat kaligayahan koy tanging ikaw lang

Ang pagmamahal ay makapangyarihang sandata
Ito ay armas sa digmaan at giyera
Pag-ibig koy di magababago
Ipapakita kong ang pag-ibig ko sayo ang babago
Sisiguraduhin ko na mamahalin mo rin ako
Lahat ay titiisin yan ang pangako ko

Mababago ang tao gamit ang pag-ibig
Kahit na masakit ipakitang nakaalalay ang iyong mga bisig
Mapapagod ako pero di ako titigil
Dahil wlang nararating ang taong tumitigil

Gagayahin ko ang ginawa ng Hari sa krus
Lahat ng masasakit ay tatanggapin ko
Masiguro ko lamang ang kaligtasan mo
Dahil sa pag-ibig Niya'y kinaya lahat ng pagdurusa at kapaguran
Mapahamak man ako kahit dko kasalanan
Bubuhatin ko parin ikaw na aking iniingatan
Kahit pa buhay ko ang kabayaran
Babaguhin ka ng pag-ibig ko kahit kapalit ay aking kamatayan

A Poet on a TripWhere stories live. Discover now