Sabi nila may mga taong darating sa buhay naten pero d magtatagal. Dumadating sila kasi may ituturo sila sten
Sa pamamagitan nila may nais ang tadhana na malaman naten
Mukhang ikaw ay kabilang sa mga darating pero d magtatagal
Dahil 4 na taon mula ng magkakilala at maging tayo. Ngayon ay aalis ka na. Akoy binitawan mo na. Mga yakap koy nilisan
Mga halik koy iniwan. Akoy pinabayaan.
Ano ang gusto mong matutunan ko? Ano ang rason bakit ka nagpakita? Natutunan ko na ba kaya aalis kna? Mahal hindi ko malaman. Mahal hindi ko maintindihan. Mahal ayokong maiwan. Mahal ayokong mag-isa gusto kong kasama ka.Kahit anong panalangin ko na manatili ka kung walang pahintulot galing sa Kaniya baliwala rin.
Kahit anong pilit kahit ipagsiksikan ko ang sarili ko kung hindi ito ang itinadhana ikaw mahal ay mawawala
Kahit itali kita o iposas pa para lang manatila ka kung makakalaya ka parin dahil ikaw ay nakalaan para sa iba
Kahit na umiyak akot maglupasay mawawalan ng saysay dahil hindi ikaw itinakda sa buhaySa araw araw na aking paghihinagpis mula nang lumisan ka hindi ko alam na kaya kong tumagal ng ganon
Sa araw araw na nguma ngawa ako mula ng iwan mo ko hindi ko alam na kaya kong tatagan ang kalooban ko
Sa araw araw na paglaban ko sa sakit at dusa nalaman kong kaya ko plang mag-isa
Mahirap masaklap mapait madilim pero kaya ko
Ito ba ang nais mong matutunan ko? Ang lumabang mag-isa? Na wag umasa sa kaligayahang dala ng iba
Na maari akong lumaban na walang kasama?
Na sa aking pagkadapa puro galos man na kahit subsob ang mukha babangon ako dahil kaya ko?
Na kahit pinagtatawanan ako ng iba at sinasabihang tanga itutuloy ko ang paglakad dahil kaya ko?
Kuny gayon maraming salamat sa pagdating mo. Maraming salamat sa leksyon na turo mo. Dahil sayo natutunan kong maging matatag. Dahil sayo natutunan kong itayo ang sarili ko sa putik na gawa ng ibang tao.
Kung babalik ka at may ituturo kang muli bumalik ka sa pagkakataong ito handa na ko sa hapdi at kirot na idudulot ng muling paglisan mo. Sige bumalik ka idaan mko sa pagsusulit makikita mong kaya kong lagpasan ang mga sakit at pasakit dahil magaling na ako

YOU ARE READING
A Poet on a Trip
ŞiirMga simpleng tula na kapupulutan ng aral. Mga simpleng tula na pampamulat at pampakilig