Mahal ano na?
Sinabi mo sken na magbabago ka na?
Sinabi mong hindi ka na iinom ng wlang paalam
Pero ginagawa mo padn naglalasing kahit dko alamMahal ano na?
Sinabi mo sken na magbabago ka na?
Na kapag sinnabi mong nasa bahay ka lang nasa bahay ka lang tlaga
Pero minsan nakasalubong kayo, ikaw kasama ang iyong mga barkadaMahal ano na?
Sinabi mo sken na magbabago ka na?
Na kapag may date tayo darating ka na ng maaga
Pero bakit ilang beses ka ng inaabutan ng paradaMahal ano na?
Sinabi mo sken na magbabago ka na?
Na kapag may lumalandi sayo ay iiwas ka na
Pero nakita kita nakita mo ko sakin umiwas ang iyong mga mataWag mo ng itaas yang kanang kamay mo
Panibagong pangako na naman ang alay mo
Nangangako kang walang ibang babae ang hahadlang
Dahil sa sinabing mong "pangako ikaw lang"
Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot
Dahil sa tuwing nangangako ka naiiba ang ikotLaging Ginagawa ung kabaligtaran
Kaya naman tumayo na ko't natauhan
Nung sinabi mong "Nag-iisa ka lang saking buhay"
Dahil baka marami kaming pinagsasabay!Lahat ng pangako napako sus.
Mabuti pa si Papa Jesus
Bukod tanging si Hesus lang ang paniniwalaan ko
Siya lang ang pangako na napako...dahil mahal niya ko
YOU ARE READING
A Poet on a Trip
PoetryMga simpleng tula na kapupulutan ng aral. Mga simpleng tula na pampamulat at pampakilig