Pinakialaman mga plano
Nagmagaling ako
Nagfeeling matalino
Na lahat ay alam ko
Flinex ang braso
Nagbanat ng buto
Inakalang lahat ay kaya ko
Lumayo ako
Namuhay malayo Sayo
Hindi umasa sa pangako Mo
Naatat ako sa buhay na pangarap ko
Lahat ay ginawa ko
Panandaliang lumaya ako
Nakasabay ako sa takbo
Nahilo sa ikot ng mundo
Imbes paabante'y umatras ako
Ang pagpapabuti'y napasama pa ko
Sa pagmamadali'y tumagal pa lalo
Dahil ito nga'y salungat sa nais Mo
Sa pagtatampo ako pa ang may gana
Mga pinatong Mo'y di ko kinaya
Hanggang lumuhod at madapa
Pilit na inaangat kaht pasa pasa
Minsan gusto ng sumukot humilata
Nais ng wakasan kaht alam kong d tama
Pagod na sa mga sugat at hiwa
Nawawala sa sarili at diwa
Gabi-gabi sa kwarto lumuluha
Tila sanggol na sa hating-gabi umu-"uha
Hindi ko na kaya! Gusto ko nang sumama
Kailangan ko ang Iyong presensya
Ako ang buto ikaw ang matabang lupa
Hindi ako magkakabunga kung wala Ka
Akoy orasan Ikaw ay baterya
Kung wala ka di ako gagana
Ako ang kotse at manibela
Ikaw ang makina't gasolina
Di ako susulong pag wala Ka
Narealize kong ako ay walang silbe pag wala Ka
Kaya Lord patawad po sa lahat ng pagkakamali
Kung nanguna ako at nagmadali
Mga plano Mo'y d na mababaliwala
Lubos na po akong magtitiwala
Salamat po sa binigay na tsansa
At sa dala Mong grasya at pag-asa
YOU ARE READING
A Poet on a Trip
PoésieMga simpleng tula na kapupulutan ng aral. Mga simpleng tula na pampamulat at pampakilig
