LANDian
Eto ung lupain ng mga naglalandian
Tipong kakikilala mo lang pero baby na agad ang tawagan
Eto ung lupain kung saan tatanong mo lang kung tagasan
Tapos bigla hihirit na gusto na siyang ligawan
Eto ung lupain na puno ng banat na kakikiligan
Mabubulaklak na hirit ay nakakalat sa daan
Dto makikita ang mga taong paasa at mahilig umasa
Dito mo makikita ang mga loser at poser
Dito mo makikita ang mga taong mang-iiwan at iniwan
Dito mo makikita ang mga taong nantitrip at pinagtitripan
Sa lugar na to matatagpuan ang mga gago at mga bobo
Mga taong manloloko at nagpapaloko
Sa lugar na to matatagpuan ang mga d sineryoso at pinaiyak
Sa lugar na to matatagpuan ang mga relasyong label ay di tiyak
Sa lugar na to matatagpuan ang mga taong mabilis mahulog
Sa lugar ba to matatagpuan ang mga taong naglalabas ng libog
Iba't ibang uri ng tao ang nagsisitambayan
Narito dahil sa iisang dahilan
Ito ay makaramdam ng kaligayahan
Nais pagtakpan ang bumabalot na kalungkutan
Tama o mali man ang kaparaanan
Maaring may ilang makahanap ng partner na panghabambuhay
Ngunit di parin maiiwasang sa huli mahanap sa sakit at lumbay
Ang ilan sa tuwa ay sasayaw
Ngunit may ilan pa din sa sakit ay sisigaw
Makatanggap man ng saya ay d pangmatagalan
Dahil ang lugar ng LANDian ay isang malaking pasugalan
Ang nakuha mo sa maling paraan
Mawawala sayo ng biglaan
YOU ARE READING
A Poet on a Trip
PoetryMga simpleng tula na kapupulutan ng aral. Mga simpleng tula na pampamulat at pampakilig
