Maging Matatag sa Paglakad

5 0 0
                                    

Wag kang matakot na lumakad mag-isa
Ihakbang mo ang iyong mga paa
Dito sa mundong ang single ay kakaiba
Dito sa mundong nababalot ng magkapareha

Wag mong isipin na dito ay di ka kabilang
Itatak sayong isipan na ikaw ay matapang
Na kaya mong mabuhay nang wlang kaatang
Gawin ang lahat sa pagabante palakad o pagapang

Wag mong pansinin ang dikta ng paligid
Di mo mapipilit ang mga isipang makitid
Hindi naman laging masaya ang hatid
Minsan itoy masakit, sakit na tinapos ng lubid

Sa mundong puno ng mga taong may dadaming marupok
Wag buksan ang puso sa lahat ng maririnig na katok
Sa init ng damdamin ay nakakabulag ang inilalabas na usok
Hindi dapat kainin lahat ng putaheng masarap kung ialok

Maganda ang pinapakita ngunit pangit ang intensyon
Dadalin ka sa maling daan upang ilayo sa tamang destinasyon
May mga taong idadagdag ka sa koleksyon
Itigil mo na ang malaprinsesang imahinasyon

Gamitin mo ang lakas ng iyong utak
Gawin mo itong matalas na pansibak
Hasain mo ito na parang itak
Iwasan mo ang ang puso ay mabiyak

Maging matalino ka at matatag
Sa lugar na puno ng pain at bitag
Huwag maging biktima ng mga pusong lagalag
Dahil ang mga manloloko ay iiwan kang basag

A Poet on a TripWhere stories live. Discover now