Bagong Ikaw

3 0 0
                                    

Muling nagbubukas ang panibagong taon
Talikuran mo na ang mga kamalian noon
Harapin mo ang dala ng tadhana ngayon
Wag mo ng palagpasin ang pagkakataon

Lahat ng natutunan mo ay iyong bitbitin
Sa mga parating na pagsubok ay gamitin
Sa mga bagong matatamong sugat na iindahin
Palaging tandaan ang wlang sugat na d kayang gamutin

Panatilihin ang pag-asa sa iyong isipan
Mga problema'y kaya mong solusyunan
Isama mo ang Diyos sa iyong mga paraan
Hayaan mong Siya ang magturo ng daan

Ngayong taon ikaw ay maging matatag
Balutin mo ang sarili ng maka-langit na kalasag
Para kahit na umuwi ka ng pagod at latag
Makakatulog ka ng mahimbing at panatag

Kahit na ngayong unang araw ay di maganda ang lagay
Wag takot at lungkot ang iyong isabuhay
Maging matapang ka't hamunin ang buhay
Alalahanin mong ang Diyos ang ating gabay
Tungo sa magandang buhay at masaganang pamumuhay

A Poet on a TripWhere stories live. Discover now