Kabanata 1 - Alalay
Naalimpungatan si Francine ng may kumatok sa pinto nang kanilang silid. Tumingin sya sa kanyang nanay na mahimbing na natutulog. Alam nya na pagod na pagod ito mula sa byahe. Kaya naisipan nya na wag na lamang nya itong gisingin at lumapit na sya sa pintuan na hindi parin tumitigil sa pagkatok ang taong nasa labas.
Pagbukas nya ng pinto ay bumungad si Yolly sa harap nya. Seryoso itong nakaharap sa kanya kaya naman ay nahiya sya ng konti, dahil tila naiinip ito sa tagal nyang pagbuksan ito.
"Pasensya na po at natagalan akong pagbuksan kayo. Nagkaidlip po kasi kami." nahihiya nyang ani.
"Pinapatawag kayo sa library ng Senyorito. Kaya sumunod kayo sa akin." sagot lamang ni Yolly na kinabahala niya. Nabahala sya dahil tulog pa ang nanay nya. Pero mas nabahala sya dahil haharap na sya sa magiging amo nila.
"Pwede po ba na ako muna po ang humarap sa senyorito? Nakatulog po kasi nanay, kaya hindi ko na po nagising." pakiusap nya sa ginang.
"Sige, halika na, baka naiinip na ang senyorito. Ayaw no'n ng pinaghihintay."
Nakahinga naman sya ng maluwag ng payagan sya nito. Ayos lang na sya muna ang humarap, mas gusto nya na maging maaayos ang pagtulog ng nanay nya.
Sinarado nya ang pinto ng silid nila at sumunod sya kay Yolly na nauna nang maglakad. Inayos nya ang buhok na alam nyang nagusot mula nang mahiga sya. Hindi nya alam bakit nababahala sya sa itsura nya. Wala naman syang dapat na pagandahan. Pero ayaw lamang nya na hindi komportable humarap sa magiging amo nila.
Habang patuloy sila sa paglalakad papasok ng mansyon ay inilibot nya ang tingin. Mamahalin ang mga gamit na kanyang nakikita. May mga chandellier din na nakasabit. Sa bawat haligi naman ng pader ay mga naglalakihang babasaging paso na may tanim na iba't-ibang halaman. Napadaan sila sa sala at may sofa doon na tingin nya ay napakalambot kung upuan. May salaming lamesa din na mahahaba at sa ilalim nito ay may carpet. May iba't-ibang libro at babasahing magasin din na nakalagay sa estante. Meron pa na isang napakalaking telebisyon na nakakalula sa laki. Halos lumuwa na ang mata nya sa mga kagamitan palang ng sala. Ano pa kaya ang buong bahay?
Napatingin sya sa napakahabang hagdan at halos hindi nya makita ang nasa ituktok. Tanging pulang carpet at mga paintings na nakasabit sa paligid lamang ang nakikita nya.
"Oo nga pala. Ipapaalala ko lang sayo na bawal nyong akyatin ang hagdanang iyan. Hanggang dito lamang tayo sa ibaba maaaring umapak." biglang sambit ni Yolly na kinagulat niya.
Napahawak siya sa dibdib at napabuga ng hangin. Inaamin nya na parang may kakaiba syang nararamdaman sa buong bahay. Para bang may pwersa na nakabalot dito.
"Sige po." mahina nyang tugon nang makabawi ng pagkabigla.
Huminto bigla si Yolly kaya naman nagtataka sya kung bakit huminto ito? Tinignan nya ang pinaghintuan nila. Isang malaking pinto na may nakasabit na maliit na bungo sa mismong pinto. Kinilabutan sya sa nakita. Sino ba naman kasi ang matinong tao na magsasabit ng ganun?
"Senyorito, kasama ko na po ang mag-aapply na kasambahay sa inyo." magalang na sabi ni yolly sa harap ng pinto.
"Papasukin mo! Siya lamang!" sabi ng isang baritong tinig. Hindi nya mapigilan na mapasinghap, dahil bakit alam nito na mag-isa lamang sya kasama ni manang yolly? At kinabahan sya bigla, kahit na boses pa lamang nito ang naririnig nya.
Humarap sa kanya si manang yolly at seryoso syang sinabihan.
"Ikaw na lamang ang pumasok. Ikaw lamang ang gustong makaharap ng senyorito." kaswal na sabi nito. Napalunok sya at hindi mapakali.
BINABASA MO ANG
Blood Book 1 (Unedited) ✓
VampirePag-ibig na nagsimula lamang sa ordinaryong pangyayari. Napadpad si Francine kasama ng kanyang Ina sa mansyon ng mga Agustin upang mamasukan bilang kasambahay. Hindi nya alam na may lihim palang tinatago ang pamilya na kanilang pinagsisilbihan. Nagi...