Kabanata 7 - Pag-aangkin
Takot na takot si Francine habang hindi makapaniwala na nakatingin kay Randall na bigla na lamang itong nag-ibang anyo. Hindi nya alam kung namamalik-mata lang sya pero hindi maaari na magkamali sya. Kitang-kita nya kung paano nito pinatay ang isang kakaibang nilalang na nakapasok sa bahay. Akala nya kasi si Randall iyon dahil nagsalita ito at kahawig ng boses ni Randall. Kaso hindi nya inaasahan na sa kanyang pagbukas ay hindi ang Senyorito nya ang bumungad. Parang isang halimaw na may pakpak at may pangil. Pula ang buong katawan habang may nanlilisik na mga mata. Kaya nang sugurin sya nito ay napasigaw sya sa pangalan ng binata.
Napaatras sya ng mahulaan ang paglapit sana ng binata sa kanya. Nanginginig syang umaatras habang hindi parin ma-proseso sa utak nya ang lahat-lahat.
"W-Wag kang lalapit." nauutal nyang pigil kay Randall na bumalik na sa dating anyo tao na walang mababakasan ng isang nilalang na bampira.
"Hayaan mo akong magpaliwanag, Francine. Hindi ako isang halimaw na inaakala mo--" hindi pa tapos mag explain si Randall ng biglang tumakbo ang dalaga sa pintuan. Sumeryoso sya habang tinitignan ito na pilit binubuksan ang pinto. Ginamit nya ang kapangyarihan nya upang isarado ang pintuan kaya hindi nito iyon mabuksan. Lumapit sya rito pero agaran itong tumakbo palayo sa kanya. Nagtiim-bagang sya dahil sa pag-iwas nito. Ngayon na nalaman na nito ang totoo nyang pagkatao. Mas lalong hindi nya hahayaan na lumayo nalang ito bigla sa kanya. Kailanman hindi sya nagkaroon ng pagtingin sa ibang babae. Ngunit iba si Francine. Nagawa nitong pukawin ang damdamin nya. Kaya hindi nya hahayaan na hindi nito matanggap kung ano sya. Sa ayaw at sa gusto nito ay kailangan nitong tanggapin kung sino sya.
Sinundan nya ito ng tingin ng magmadali itong umakyat sa taas. Napagtanto siguro ng dalaga na hindi sya makakalabas sa pintuang iyon. Sinundan nya ito sa itaas. Kahit ano mang iwas nito sa kanya hindi nito maitatanggi na sila lamang dalawa sa buong kabahayaan. Napangiti sya sa naisip.
Pag-akyat nya ay napatingin sya sa isang kwarto. Kung saan pumasok si Francine upang magtago. Napailing sya at ngumisi.
Tumapat sya sa pinto upang pihitin ngunit nakalock na ito. Alam na nyang gagawin iyon ng dalaga. Naglaho sya at paglitaw nya ay nasa loob na sya ng kwarto na ginagamit nya pag narito sya sa bakasyunan. Nakatalikod ang dalaga sa kanya na nakahawak sa pinto. Siguro upang tiyakin na hindi sya makakapasok.
Naupo si Randall sa kama at pinagmasdan ang dalaga.
"Nandito ako, Francine." tawag pansin nya rito. Agaran itong tumalikod upang harapin sya. Takot na humarap ito sa kanya habang pinagsisiksikan ang sarili sa pinto.
"P-Paano ka napunta d'yan?" hindi makapaniwala nitong tanong. Pagkaraan ay tumawa ito ng peke. "Oo nga pala.. Hindi ka tao.. " Nagdilim ang mukha nya na naramdaman ng dalaga. Ambang tatayo sya ng pigilan sya nito.
"Wag! W-Wag kang lalapit.. " nauutal na banta ni Francine. "L-Lumayo ka, hindi ka t-tao!" pagpapatuloy na bigkas ni Francine at pilit na umuusog sa gilid ng pinto. Malalim ang tingin habang nakangisi na kinumpay ni Randall ang kamay habang naupo sa kama. Tila naman na may pwersa na humahatak kay Francine na syang kinatakot nya. Pilit syang humahawak sa pintuan upang hindi matanggay, ngunit malakas ang pwersang humahatak sa kanya kaya napabitaw sya ng kapit sa pinto. At hindi nya namalayan na nasa tabi na sya ni Randall habang nakakandong sya rito. Nang matauhan ay agaran sana syang tatayo ngunit mahigpit na pinulupot ni Randall ang isang braso sa bewang nya habang mariin itong nakahawak sa panga nya.
"Ngayon na nalaman mo na kung ano ako. Hindi ka na maaaring umiwas muli sa akin." nakakatakot na awra wika ni Randall. Nagpupumiglas si Francine sa pagkakahawak ng binata, ngunit napasinghap sya na may kakaiba syang nararamdaman sa kanyang leeg. Unti-unti syang nanghina hanggang mawalan sya ng malay. Napadila sa labi at masuyong hinaplos ni Randall ang pisngi ng dalaga.

BINABASA MO ANG
Blood Book 1 (Unedited) ✓
VampirosPag-ibig na nagsimula lamang sa ordinaryong pangyayari. Napadpad si Francine kasama ng kanyang Ina sa mansyon ng mga Agustin upang mamasukan bilang kasambahay. Hindi nya alam na may lihim palang tinatago ang pamilya na kanilang pinagsisilbihan. Nagi...