Kabanata 11 - Katotohanan
Hawak ni Randall ang kanyang kamay. Meron silang tinatakbuhan. Nasa kagubatan sila ng harangin sila ng kakaibang nilalang. Kanina pa sya tanong ng tanong kay Randall kung ano ang mga iyon ngunit lagi lamang nito sinasabi na mga masasamang nilalang daw iyon na namamahay sa kagubatan.
Natakot sya dahil baka abutan sila at kainin.
"Randall, bumalik na lang tayo kela Aling Josie. Marami ata kakaibang nilalang sa gubat na ito." sabi nya sa binata.
Hindi ito nagsalita. Hinatak sya nito palapit sa bahay nila. Pagpasok nila ay agad nitong nilock ang pinto.
"Dito lang tayo. Hindi na tayo matutunton pa ng mga nilalang na iyon." hinihingal nitong sabi.
"Pero bakit ba tayo hinahabol ng mga iyon?" naguguluhan nyang tanong.
Humarap ito sa kanya at lumapit. Hinawakan nito ang kanyang mukha at pinakatitigan.
"Wag mo na silang isipin, Mahal ko. Hindi ko sila hahayaan na kunin ka sa akin." makahulugan nitong sabi. Tumango sya kahit na naguguluhan sya sa mga nangyayari. Niyakap sya nito ng mahigpit kaya sinuklian nya.
-
Gabi na ng lumabas ng bahay si Randall. Tulog na ang dalaga ng lumabas sya ng bahay. Kailangan nyang harapin ang mga tauhan na pinadala ng kanyang ama. Hindi nya akalain na matutunton sila nito pero hindi nya hahayaan na kunin sa kanya ang kaligayahan nya. Kahit pa ama nya at mga kalahi nya ang makaharap nya.
"Lumabas kayo! Alam ko nandyan parin kayo!" galit nyang sigaw.
May narinig syang kaluskos hanggang sa humangin na. Pinakiramdaman nya ang hangin at humarap sya kung saan lumitaw ang mga Sitirian na kawal.
"Mahal na Empre, umuwi na daw kayo, mali ang iyong landas na tatawirin." wika ng pinakapinuno ng kawal ng sitirian na Rigo.
"Pag hindi nyo ako nilubayan mapipilitan akong saktan kayo." mariin nyang banta.
"Mahal na Empre, hindi kami ang kalaban nyo, meron ding ibang nakapasok na Hikaros dito."
Naguguluhan sya sa sinabi nito.
"Hikaros? At anong kailangan nila para guluhin kami?" nagtatagis ang bagang nyang tanong.
"Dahil galit na ang hari ng Hikaros dahil sa pagkuha mo sa kanilang anak. At sa mga oras na ito ay tiyak na nakuha na nila ang anak nila."
Dahil sa sinabi nito ay nilukuban sya ng takot. Humarap sya kung saan ang direksyon pauwi kay Francine. Ngunit sumalubong sa kanya ang ilang daan na kawal ng Hikaros.
Pinalibutan sila ng mga ito pero wala na syang oras na makipaglaban sa mga ito. Tama nga si Rigo, mga hikaros ito.
Hindi nya akalain na isang anak ng Hikaros si Francine. Pero hindi sya makakapayag na kunin sa kanya ang dalaga. Sinugod nya ang mga ito para makalagpas sya. Kailangan nyang magmadali kundi baka tuluyan nang makuha sa kanya ang dalaga.
Hinihingal sya na nilibot ang tingin. Puro bagsak na ang hikaros kaya tumakbo na sya ng mabilis sa abot ng makakaya nya.
Lumabas ang pangil nya at maging ang ugat sa kanyang katawan ay lumabas dahil sa tensyon na nangyayari sa katawan nya.
Pagdating nya sa bahay ay agad syang pumasok. Tinungo nya ang kwarto nila kung saan nya iniwanan si Francine. Nakita nya na gulong higaan ang naabutan nya. Para syang masisiraan ng ulo na inilibot ang buong kabahayan. Ngunit wala syang Francine na naabutan.
Nagsisigaw sya habang walang humpay na pinagsusuntok ang pader. Nagkalamat ang pader dahil sa tindi ng pwersa ng pagsuntok nya.
Huminto sya at pumikit. Tumulo ang dugo sa kanyang kamay pero sandali lang din iyon at agad ding naghilom.

BINABASA MO ANG
Blood Book 1 (Unedited) ✓
VampirgeschichtenPag-ibig na nagsimula lamang sa ordinaryong pangyayari. Napadpad si Francine kasama ng kanyang Ina sa mansyon ng mga Agustin upang mamasukan bilang kasambahay. Hindi nya alam na may lihim palang tinatago ang pamilya na kanilang pinagsisilbihan. Nagi...