KABANATA 6 - BUNYAG NA LIHIM

6.5K 270 2
                                    

Kabanata 6 - Bunyag na Lihim

Sa mahabang lamesa ay nasa gawing kanan ang pamilyang Agustin, Habang nasa gitna ang ama ni Randall. Sa kaliwang panig naman ay naroon ang isang kalahi nila na mula din sa mataas na antas bilang bampira. Ito ay ang pamilyang Oreca. Naguguluhan man si Randall kung bakit naroon ang pamilyang Oreca ay sinawalang bahala na lamang nya. Panay kasi ang linga ng kanya ulo upang hanapin si Francine. Pagkatapos kasi ng mga ito ihanda ang kanilang kakainin ay umalis ang mga ito gaya ng utos ng kanya Ama.

"May problema ba, Randall?" mapanghinala pukaw sa kanya ng kanyang ama. Tumingin sya rito at umiling. "Mabuti." sabi nito bago binalingan ng tingin ang kanilang bisita. "Nasaan na nga pala ang iyong anak, Ginoo at Ginang Oreca?"

Nag-pokus si Randall at pinagana nya ang kanya kapangyarihan sa isip. Gusto nyang makita kung nasaan si Francine. Pumikit sya at pilit binabasa ang isip. Ngunit napadilat sya ng hindi gumana ang kanyang kapangyarihan. Hindi nya mahanap kung nasaan ang dalaga. May ibang kapangyarihan na gumagamit upang hindi nya magamit ang kanya. At nakakasiguro sya na isang malakas na bampira lamang ang naisip nya ang may kayang gumawa no'n.

Tumingin sya sa kanyang Ama na nakikipag-usap parin sa mga bisita. Napansin siguro nito ang kanyang titig kaya tumingin ito sa gawi nya. Ngumiti ito at tumingin sa gawing pinto.

"Siya ang aking anak, mahal na Emprero. Si Danika." sabi ng ginang na kanilang bisita. Tumingin sya sa tinitignan ng mga ito. Isang dalaga na may aking ganda at kaputian. Isang Vampres. Nagtama ang kanilang mata ng babae pagkaraan ay ngumiti ito ng matamis sa kanya. Pero wala syang nararamdaman espesyal rito. Walang mahalamuyak na amoy na gaya ni Francine. Walang papantay sa aking ganda ng dalaga kanyang kinababaliwan. Napapaisip sya kung para saan ang ginawang pagpupulong na ito? Wala syang maisip na dahilan.

"Napakaganda nga pala ng inyong anak, Ginoo at Ginang Oreca. Hindi ba't nababagay sila ng aking anak na si Randall, ang susunod sa aking yapak." matalim ang binigay nya na tingin sa kanya Ama dahil sa sinabi nito. Sabi na nga ba at hindi basta-basta nag-iimbita ang kanya Ama ng ibang kalahing bampira kung walang dahilan. Napatayo sya at ambang aaalis nang hawakan sya ni Rapha sa kamay upang pigilan. Ngunit hinawi lamang nya iyon at itinuloy ang pag-alis.

"Maupo ka, Randall. Igalang mo ang ating bisita. Hindi mo naman siguro gugustuhin na gumalaw ako." makahulugang wika ng kanyang Ama na kinatigil nya. Kumuyom ang kamao nya at nanggagaliiti sa galit na hinarap ang Ama.

"Para saan ito? Hindi naman siguro ako kailangan dito ngayon?" mariin nyang sambit. Humalakhak ito habang inaalog-alog ang kopika na hawak.

"Anak! Anak! Mahalagang naririto ka, dahil tungkol sayo talaga ang pagpupulong na ito. Maupo ka at makinig." mapanukso nitong wika.

"Sabihin nyo na! Dahil marami pa akong gagawin." nanlilisik na mata sabi nya.

"Kung ganun.. Dahil narito naman na ang lahat, gusto ko lang sabihin ang napag-usapan namin ni Ginoong Oreca. Dahil nalalapit na ang pagluklok sayo sa trono, Anak. Kailangan mo ng katuwang sa pamamalakad. Kaya bilang iyong Ama ay naisip ko na ipakasal ka sa isang mataas na antas na bampira. Si Danika. Sya ang mapapangasawa mo."

Parang sasabog sya sa galit ngayon dahil sa sinabi ng kanyang ama.

"Hindi! Hindi ako makakapayag sa gusto nyo, Ama. Kung sa magiging katuwang ko ay ako lamang ang makakapili no'n, Ama. Hindi ikaw o sino man, ako lang! Kaya..." bumaling sya sa mag-anak na Oreca at maging kay Danika. "Walang pagpupulong na nangyari. Patawad, pero hindi ako sang-ayon." pagkasabi nya no'n ay agaran syang lumisan.

Tumakbo sya at hinanap si Francine. Kailangan nyang isama ang dalaga sa kanyang pagtakas. Dahil nakakatiyak sya na ang dalaga ang pagbabalingan ng Ama. Hindi sya makakapayag na mailayo nila ang dalaga sa kanya. Hindi.

Blood Book 1 (Unedited) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon