KABANATA 15 -ANG SINASABI NG PROPESIYA

5.3K 181 2
                                    

Kabanata 15 - Ang sinasabi ng propesiya

Nakatayo habang nakatingin si Francine sa kabilugan ng buwan. Tatlong araw na ang lumipas ng manatili lamang sila ni Randall sa isang tore na hindi naman nya alam kung saan iyon nakatayo. Basta mula doon ay kitang-kita ang buong lupain ng kaharian ng Sitirian at Hikaros.

Napaidtad sya ng yumakap sa kanya mula sa likod si Randall. Dala nito ang kumot na nakayakap sa katawan nito. At dahil nakayakap ito ay napayakap din sa kanya ang kumot. Nakahubad ito kaya ramdam nya ang init ng katawan nito. Lalo't isang manipis na bestida lang ang suot nya.

"Anong iniisip mo, mahal ko?" bulong na tanong nito.

Napahinga sya ng malalim at napahawak sa braso nito na nakapalibot sa bewang nya. "Tingin ko ay mali ang ginawa natin. May napanaginipan ako na isang nakakatakot na pangyayari." nababahala nyang sabi.

"Masyado ka lang nag-iisip. Walang mali sa ginawa natin dahil mag-asawa na tayo. At oras na makabalik tayo sa palasyo ko ay puputulin ko na ang bisa ng kasal namin ni Danika." sabi ni Randall at inamoy-amoy ang leeg ni Francine.

Napahinga  ng malalim si Francine dahil talagang nababahala sya. Hindi nya alam kung anong ibig sabihin ng sanggol na may kakaibang mata na nakita nya. Basta bigla syang natakot sa mata nito na parang hinuhukay ang kaluluwa nya.

Hinarap sya ni Randall paharap rito. Kaya humawak sya sa leeg nito habang ito ay nakahawak sa bewang nya. Pinatakan sya ng halik sa labi ni Randall habang nakatitigan sila ng kanilang mata.

"Wag ka ng mag-isip ng mag-isip, mahal." sabi ni Randall habang gumagapang ang halik nito sa panga ni Francine. "Tila kailangan ko ulit na pagurin ka para hindi ka nag-iisip ng iba. Habang naririto tayo ay dapat na ako lamang ang iniisip mo, mahal ko," mapanuksong sabi ni Randall at binuhat si Francine na kinatili nito.

Hindi naman napigilan ni Francine ang lalake dahil napakabilis nito. Natagpuan nalang ang sarili na nadadarang sa binibigay nitong ligaya sa katawan nya.

-

Habang sa isang bahagi naman ng kagubatan ay lumuluha si Danika. Hindi nya matanggap na kakasal palang nila ni Randall ay may pinalit na agad ito sa kanya.

"Ang asawa ng hari na umiiyak dahil agad-agad na pinalitan. Kung ako sayo ay gagawa ako ng paraan upang mapatay ang babaeng iyon, Danika," sabi ni Mori na nasa likod na ni Danika.

Napatayo si Danika mula sa pagkakaupo sa isang matandang puno. Hinarap nya si Mori na ngayon lamang nya nakita.

"Sino ka? At ano bang pinagsasabi mo? At bakit mo ako kilala?" garalgal na boses na tanong ni Danika kay Mori na ngumingisi na tila may binabalak.

"Hindi mo na kailangan pang malaman. Gusto ko lang sabihin sayo na wag kang papayag na dalawa kayong maging reyna ni Randall. Dahil ikakasakit lalo ng damdamin mo kung makikita mo na mas higit na reyna ang turing ni Randall sa babaeng iyon kesa sayo."

Napaisip si Danika sa sinabi nito. Tama ito. Kung hahayaan nya ang babaeng iyon na alam nya na may pagtingin ang kanyang hari rito ay sya lamang ang magiging kawawa. Nag-angat sya ng tingin upang magpasalamat ngunit wala na pala ang babaeng bigla nalang sumulpot at bigla nalang ding nawala.

-

Puno ng kaba ang dibdib ni Francine habang nakatingin sa bungad ng kaharian ng Sitirian. Hawak ni Randall ang kanyang kamay na pinisil-pisil nito kaya napatingin sya rito.

"Wag kang mag-alala, mahal. Dahil hindi ko hahayaan na mapahamak ka sa sarili kong kaharian." pagpapagaang nito sa kabang nadarama nya. Tumango sya at tumingin muli sa napakalaking palasyo. Naglaho sila dahil na rin sa kapangyarihang taglay ni Randall. Hindi nya alam kung meron din kaya syang ganung kapangyarihan. Dahil hindi pa nya nasusubukan ang epekto ng pagmamarka ni Randall sa kanya.

Blood Book 1 (Unedited) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon