Kabanata 10 - Paalala
Kulog at malakas na kidlat na nanggagaling sa kalangitan ang maririnig. Madilim ang buong kalangitan na naglalakbay si Gina ang ina ni Francine. Patungo sya ng Hika upang humingi ng tulong sa hari ng mga Hikaros.
Kahit na puno ng pangamba ay naglakas loob sya dahil ito na lamang ang makakatulong sa kanya upang tulungan syang hanapin ang kanya anak.
Hindi nya inaakala na isang lahing bampira pala ang mga Agustin. Maling-mali sya na pinaubaya nya ang anak sa kinasusuklaman nyang lahi. Pero tila tadhana talaga ang naglalapit sa kanyang anak sa mga kakaibang nilalang.
Pero hindi nya maaaring hayaan na lang na malapit ang kanya anak sa lalaking hindi pa nito lubusang kilala.
"Mahal na Reyna." bati ng isang bampira nagbabantay sa bungad ng palasyo ni Uriko.
"Nasaan ang inyong hari? Gusto ko syang makausap." maawtoridas na tanong nya rito.
"Nasa kanyang balkonahe mahal na Reyna." tugon nito.
Tumuloy syang pumasok ng pagbuksan sya nito na de bakal na tarangkahan.
Marami mga Hikaros ang yumuyukod sa kanya na kinailang nya.
"Mahal na Reyna, nagbalik kayo. Tiyak na matutuwa ang mahal na Haring Uriko pag nakita kayo." bati ng isang matandang tagapaglingkod ni Uriko.
Ngumiti sya rito at hinawakan ang mga kamay nito na hindi pa kumukulubot. Pero alam mo sa itsura nya ay isa na syang matanda.
"Kinagagalak ko na makita kang muli, Salli. Ngunit kailangan ko na agad ng tulong ni Uriko. Maaari mo ba akong samahan kung nasaan sya?" pakiusap nya rito. Yuyukod sana ito na pinigil nya. "Wag na, hindi ako narito para igalang nyo, Salli. Hindi na ako Reyna dito." sabi nya rito.
Napahinga ito ng malalim at naunawaan ang kanyang sinasabi.
"Sumunod ka sa akin, Gaina." sabi nito. Gaina talaga ang tunay na pangalan nya. Iniba lang nya dahil gusto nyang wala makakilala sa kanya.
Sinundan nya ito na tumungo sa isang pasilyo. Bawat haligi ay may gasera na tumatanglaw sa kanilang dinaraanan.
Hinawi ni Salli ang isang tela humaharang sa pinto ng balkonahe.
Sa kanyang pagpasok ay naririnig na nya ang bawat tunog ng pagkikiskisan ng mga espada.
Nilibot nya ang tingin ng sila ay makapasok na. Nakita nya na marami ang nag-eensayo na mga Hikaros na mandirigma.
Meron ding ilan na nakikita nyang pinagbubuti ang kanilang pag-eensayo ng kanilang kakayahan upang ilabas ang kanilang kapangyarihan.
Nakita nya si Uriko na nakaupo sa isang gintong upuan na tanging hari lamang ang maaaring maupo. Pinapanood nito ang mga kasapi nito ngunit nababakas nya sa mata nito ang lungkot.
Lumakad sila kaya napukaw nila ang atensyon ng mga ito. Nasa likod sya ni Salli kaya tiyak na hindi pa sya nakikita ni Uriko lalo't sa haba ng puting buhok ni Salli natatakpan sya.
"Mahal na hari." bati ni Salli.
"Anong ginagawa mo rito, Salli? Bawal ang isang tulad mo sa lugar na ito." dinig nyang maawtoridad nitong boses. Inaamin nya na nangulila syang marinig ang tinig nito pero hindi nya kailangan na unahin ang dinaramdam nya.
"Paumanhin kung nangahas ako, mahal na Hari. May nais na makipag-usap sa inyo." wika at paumanhin ni Salli.
"At sino naman iyon?" tanong ni Uriko kaya lumabas sya sa likod ni Salli.
"Ako, Uriko!" seryoso nyang sabi. Kita nya ang pagtayo nito at gulat sa mukha nito habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
"Gaina? Reyna ko." sabi nito at nagmadaling bumaba sa trono nito. Akmang yayakap na ito sa kanya ay pinigil nya ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/207733137-288-k424474.jpg)
BINABASA MO ANG
Blood Book 1 (Unedited) ✓
VampirePag-ibig na nagsimula lamang sa ordinaryong pangyayari. Napadpad si Francine kasama ng kanyang Ina sa mansyon ng mga Agustin upang mamasukan bilang kasambahay. Hindi nya alam na may lihim palang tinatago ang pamilya na kanilang pinagsisilbihan. Nagi...