Kabanata 13 - Pagtutuos
Sa palasyo ng mga lobo ay nagdatingan na ang mga inaasahang bisita. Madaming dumalo na iba't-ibang lahi ng nilalang. Kasama na ang mga pambato ng Sitirian at ang nasa una ay ang bagong hari ng Sitirian na si Randall. Katabi nya ang ipinakasal sa kanya na si Danika na wala naman syang pakialam. Kapangyarihan lang ang hinangad nya upang makuha si Francine. Nasa tabi din nya ama, ina at kapatid nya na si Rapha.
Sinalubong sila ng pinuno ng mga lobo na si Harrison. Nagbigay sila ng alay para sa mamayang seremonya.
Hindi nila alam na sabay din nilang dumating ang mga Hikaros. Sa pamumuno ni Uriko at katabi nito ang mag-ina nya, si Gaina at Francine.
At sa tabi ni Francine ay si Cyrus..
Nagtagpo ang dalawang angkan at nabigla si Francine na si Randall pala iyon. Nakasuot ito ng pormal na kasuotan ng tao ngunit gaya ng sa ama nya ay makikita rin sa binata ang pagkahari sa awra nito. Napatingin sya sa babaeng katabi ni Randall na tingin nya ay ito ang napangasawa nito. Maganda at tila mahinhin. Ito yung babae na bisita noon ng Agustin na pinagluto pa nila. Humawak ito sa braso ni Randall kaya nag-iwas sya ng tingin.
Habang si Randall naman ay agad na tinignan ang mga Hikaros. Una nyang tinignan ang lalaki sa gitna na tila hari ng Hikaros. Seryoso ang mukha nito at makikita mo ang pagkaawtoridad sa awra nito. Ito na siguro ang sinasabing ama ni Francine. Tumingin sya sa kanan nito na Ina ni Francine na may galit sa mukha na nakatingin sa kanila. Hinanap nya si Francine ngunit ang nakita nya ay yung lalaking laging nakadikit kay Francine. Napakuyom sya ng kamao sa pagnanais na mapaslang ito pero kinontrol nya ang emosyon at tumingin sa katabi nito na tingin nya ay isang babae, base sa postura nito. Nakasuot ito ng itim na kamiseta at buong katawan ay balot at pati ang mukha nito ay may telang nakatakip para takpan ang ilang bahagi ng mukha nito. Ang tanging kita lamang ay ang mga mata nito na kilalang-kilala nya.
Humakbang sya ngunit pinigilan sya ng kanyang ama.
"Wag mo ituloy, Anak. May asawa ka na." pagpigil at pag-aalalanan nito sa kanya. Hinawi nya ang kamay nito at seryoso nya itong tinignan.
"Wala akong pakialam. Ako na ang hari dito at gagawin ko kung anong gusto ko." mariin nyang sabi.
"Tingin mo ay hahayaan ka nilang makalapit sa anak nila. Nagkakamali ka. Dahil malaki ang alitan ng ating lahi sa lahi nila, kaya hindi nila hahayaan makalapit ka. Lalo na dahil anak pala ni Uriko ang babaeng iyon. Tiyak na mas ninanais nila matungo ang anak nila sa kapwa nila Hikaros."
Lalong nagalit ang loob ni Randall dahil sa sinabi ng kanyang ama. Napatingin sya kay Francine at nagdilim ang mukha nya ng makita ang paghawak ng lalaking katabi nito sa dalaga. Hindi sya nakatiis kaya lumapit sya sa mga ito. Dinig nya ang pagtawag sa kanya ng ama nya at ni Danika pero hindi nya pinakinggan.
Agad namang kumilos ang mga Hikaros upang harangan si Randall. Nagulat si Francine sa bigla paglapit ng binata. Inilagay sya ni Cyrus sa likod nito upang protektahan laban kay Randall.
"Anong dahilan mo at naglakas loob kang lumapit, hari ng Sitirian." sarkastikong sabi ni Uriko.
Hindi nagpatinag si Randall at tumingin kay Cyrus ng masama bago nya balingan ang babaeng mahal nya na nagtatago sa likod nito.
"Hindi ko gustong makipag-away sayo. Nais ko lang makita ang anak nyo." sabi nya.
"Wala sya dito, kaya umalis ka sa harapin namin." seryosong sabi ni Uriko sa lalaking alam nyang may pagsinta sa kanyang anak.
"Alam ko sya ito. Kahit magtakip pa sya ng mukha, alam ko." nakangisi nyang sabi.
"Wala kaming pakialam sa sinasabi mo. Dahil kahit kailan hindi namin nais mapunta sa isang Sitirian ang aming anak." singit ni Gaina. Kumukulo na ang dugo nya sa kaalaman na isa itong Sitirian at hari na pala. Sila ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang magulang.
![](https://img.wattpad.com/cover/207733137-288-k424474.jpg)
BINABASA MO ANG
Blood Book 1 (Unedited) ✓
VampirPag-ibig na nagsimula lamang sa ordinaryong pangyayari. Napadpad si Francine kasama ng kanyang Ina sa mansyon ng mga Agustin upang mamasukan bilang kasambahay. Hindi nya alam na may lihim palang tinatago ang pamilya na kanilang pinagsisilbihan. Nagi...