KABANATA 4 - BANGUNGOT

6.3K 255 1
                                    

Kabanata 4 - Bangungot

Masyado nang gabi ng makauwi si Francine. Hinatid lamang sya ni Randall at pagkatapos ay umalis muli ang binata. Hindi nya alam kung saan pa ito pupunta, hindi na nya ito tinanong pa. Dahil baka isipin nito ay namamakialam pa sya. Halos mag-umaga na rin, pero gising na gising parin si Francine. Nakatingin lamang sya sa kisame ng silid nila habang nakahiga sa higaan nya. Tumingin sya sa nanay nya na natutulog na. Pumikit sya at pinilit matulog, ngunit hindi sya madalaw-dalaw ng antok. Tuwing pipikit sya ay mukha ni Randall ang kanyang nakikita.

Hindi nya alam kung bakit rumerehistro ang mukha nito sa kanyang isipan. Nagkamot sya ng ulo at naupo mula sa pagkakahiga. Naiinis lang sya sa nangyayari sa kanya. Kasalanan ito ni Randall. Kung hindi ito lumapit-lapit sa kanya ay hindi sya maaapektuhan.

Maingat sya na bumaba mula sa higaan upang hindi magising ang kanya nanay. Alam nya na marami itong ginawa, kaya maaga itong nakatulog. Sana, hindi na sana sya kinuha bilang alalay ni Randall para sya na ang gumawa ng mabibigat na bagay para hindi agad napapagod ang kanya ina.

Lumabas sya ng silid nila. Gusto nya muna na magpahangin, baka sakaling makatulog sya pag nakapahinga ang isip nya.

Madilim ang paligid paglabas nya. Tanging sulo lamang sa bawat pader ang tanging liwanag na nagbibigay sa kanya para makakita ng kaunti.

Napayakap sya sa sarili dahil sa lamig ng hangin. Hindi naman buwan ng tag-lamig para lumamig ang klima. Wala din namang bagyo para humangin. Sabagay, paiba-iba na ang klima sa panahon ngayon.

Nagtungo sya sa Hardin kung saan ay may duyan na nakasabit. Nakita nya iyon nung oras na magtatapon sana sya ng basura. Tago ang duyan na pinaglalagyan nito kaya naisip nya na maaari sya doon. At tiyak na hindi sya makikita kung sakali mang may isa sa may-ari ang lumabas.

Humawak sya sa duyan ng makalapit sya. Naupo sya agad pagkalapit doon. Hiniga nya ang katawan at sinimulang i-ugoy ang duyan ng mahina.

Tumingin sya sa langit at natuwa sya nang makakita ng bituwin. Napakagandang pagmasdan ang mga ito. Lalo't bawat isa nito ay may tinatagong kinang. Napamaang at napamulat sya nung humugis ang mga bituwin nang isang mukha. Mukha ng senyorito nya. Kinusot nya ang mata at tumingin muli sa kalangitan. Napabuga sya ng hangin nang malaman na nag-iilusyon lang pala sya. Napasabunot sya ng buhok dahil pati bituwin ay nakikita nya ang mukha ng binata. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ganito nalang ang nararamdaman nya?

"Aist! Nakakainis na!" impit nyang asik sa sarili. Huminga sya ng malalim at inugoy ang duyan ng medyo malakas para mawala ang iniisip nya. Kumanta sya ng isang kanta na laging kinakanta tatay nya.

Sa kanyang pag kanta-kanta ay hindi nya namalayan na dinadalaw na sya ng antok. Pumikit-pikit ang mata nya hanggang sa tuluyan ng hatakin ng antok.

-

Nagising si Francine sa isang kwarto. Inilibot nya ang tingin sa paligid at napansin na nasa isa syang kwarto na walang kagamitan. Tanging yung kama lang na hinihigaan nya ang tangi nyang nakikita. Kinilabutan sya, dahil hindi sya pamilyar sa kwarto. Bukod doon, halos pula ang ilaw na tumatanglaw sa paligid. Balak sana nya na maupo at bumaba, nang hindi sya makatayo. Dahil nakatali ang kanyang mga kamay at paa sa kama. Lalo syang natakot sa sitwasyon nya nang mapansin na iba na ang suot nyang damit. Isang telang manipis na parang manipis na pantulog na bestida pero napakaikli at tila kita na ang kaluluwa nya. Naramdaman din nya na wala syang suot na bra at tanging panty lang na parang manipis at walang tela sa likod.

Nagpupumiglas sya, baka sakali matanggal ang tali. Pero sino ba ang niloko nya. Lalo lamang humigpit ang pagkakabuhol no'n. Napatigil sya sa paggalaw ng bumukas ang pinto. Nilukuban sya ng takot at malakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Napatingin sya sa lalaking pumasok. Ngunit hindi nya makita ang mukha nito, malabo ang mukha nito.

"S-Sino ka, ha? Anong kailangan mo sa akin at tinali mo ako? Hayop ka! Pakawalan mo ako!" galit na sabi niya at nagpatuloy sa pagpupumiglas. Lumapit ang lalaki na walang suot na pang-itaas. Tanging pantalon lamang ang suot nito. Pero kahit anong aninag nya sa mukha nito ay malabo parin, kaya hindi nya makilala.

"W-Wag kang lalapit! Please! Pakawalan mo ako!!" nagmamakaawa nyang sabi. Baka sakali na maawa ito at pakawalan sya.

Hindi nagsalita ang lalaki. Lumapit lang ito at naupo sa kanyang gilid. Hinawi nito ang buhok nya at hinaplos ang kanyang mukha.

"Beautiful!" bulong nito. Hindi nya alam pero parang narinig na nya ang tinig na iyon. Pero hindi muna nya iniisip iyon. Ang kailangan nyang gawin ay makaalis sa pagkakatali. Umilag lang sya sa paghaplos nito at pilit na ginagalaw ang mga kamay. Tila nagalit ito sa kanyang pag-ilag, kaya hinawakan sya nito sa panga at pinaharap sa mukha niti na hindi nya makita, malabo. Madiin at masakit ang pagkakahawak nito. Matalim ang mga kuko nito na bumabaon sa mukha nya.

"Wag mong subukang umilag dahil wala ka nang kawala sa akin." malalim na boses na sabi nito. Yumuko ito at pilit na hinahalikan sya sa labi, ngunit pursigido sya sa pag-ilag. Kinagat nito ang labi nya na kinasinghap nya dahil sa sakit. Sinamantala ito ng mysteryosong lalaki. Marahas ang pagkakahalik nito at naramdaman nya ang dila nito. Parang may kakaiba sa dila nito. Parang hinihigop nito ang kanya katinuan. Nauubusan sya ng hininga at napapaungol sa ginawa nitong paghalik. Napadiin ang pagkuyom ng kamay nya at napapaangat ang katawan nya dahil sa sensasyon na hatid nito.

Napabagsak sya ng higa at napahugot ng malalim nang bitiwan na nito ang labi nya at nagpunta sa leeg nya ang labi nito. Sinipsip nito ang leeg nya sa kaliwa at para bang anestisya ito sa kanyang pakiramdam, dahil tila namanhid ang kanya leeg doon. Hindi nya nahulaan ang ginawa nito, basta ang alam nalang nya ay kagat na nito ang leeg nya, gamit ang matalas nitong pangil. Nauubusan sya ng hininga at parang umiikot ang pakiramdam nya. Idiniin nito ang pagkagat na bumaon sa ugat nya. Napasigaw sya sa sobrang sakit.

"AHHHHHH" Sigaw nya at napaupo.

Hinihingal at nilibot nya ang tingin sa paligid. Nasa duyan parin pala sya. Napahawak sya sa leeg nya pero wala naman syang nararamdaman na sakit. Ibig sabihin, isa lamang panaginip iyon? Isang masamang panaginip.

Nagpapasalamat sya na hindi totoo ang lahat ng iyon. Nag-sign of the cross sya at napabuga ng hangin bago hinagod ang buhok dahil sa pagkabalisa. Hindi nya alam kung bakit ganun ang napanaginipan nya. Pero parang feeling nya totoo ang lahat ng iyon. Na parang nararamdaman nya parin ang pagkagat nito.

Tumayo sya sa duyan at naisipan na pumasok na lamang. Hindi nakakabuti na manatili sya roon. Ang akala nya ay giginhawa ang pakiramdam nya pero hindi pala, mukhang napasama pa.

-

Samantala...

Mula sa tuktok ng bubong, may isang dalagang nanlilisik ang mata. Nakasunod ito ng tingin kay francine na papasok sa loob ng mansyon. Kitang-kita nya ang nangyari. Ang pagmarka sa leeg ng mortal. Hindi maaari na isang mortal lang ang makakaagaw nya sa pinakamamahal nya na si Randall. Hindi!

Kung kailangan nyang makipaglapit dito ay gagawin nya. Para sya na mismo ang papaslang sa mortal. Sa kanya lamang si Randall. Dahil mula pagkabata nila ay ninais nya na maging kabiyak ito. Hindi nya hahayaan na mabalewala ang pagsasakripisyo nya. Hindi. Pumikit sya at biglang naglaho. Babalik sya, iyon ang pangako nya..

Copyright 2019 © MinieMendz

Blood Book 1 (Unedited) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon