Kabanata 16 - Ang Lihim na Silid
Hinahaplos ni Francine ang kanyang tiyan.. Nasabi na sa kanya ni Randall na may sanggol na nga sa sinapupunan nya. Ngayon nya lang nalaman na napakabilis palang magbuntis ang kagaya nya. Ilang araw lang silang nagtalik ay may nabuo na. Iniisip nya na baka ang napanaginipan nya na sanggol ay ang kanyang magiging anak. Pero bakit naman sya sasakalin ng anak nya?
"Mahal na reyna, pinagdala namin kayo ng agahan gaya ng utos ng hari." sabi ng mga tagasilbing Sitirian. Napaayos ng upo si Francine dahil tamang-tama ay nagugutom na sya.
Nilapag sa kanyang harap ang pagkain na mga dala nito. Isang malaking tinapay, gatas, at isang uri ng karne na hindi nya alam kung anong hayop. Pero sumubo na sya dahil nagugutom talaga sya.
"Anong uri ito ng hayop? Napakasarap nya at malasa." tanong nya sa dalawang babaeng taga-silbi habang nginunguya ang karneng iyon.
"Isang tupa na nahuli sa kagubatan." sabi ng mga ito kaya tumango sya. Ang mga pagkain sa gaya nyang bampira ay mga hindi luto. Sariwa na hinahain kaya may dugo pa. Sana'y na syang kumain ng may dugo. Lalo pa't minsan ay nauuhaw sya sa dugo. Pero dahil laging si Randall ang laging nagpapasipsip upang hindi sya mauhaw. Kaya naman ay madalang na syang maghanap ng dugo.
Napatingin naman ang mga taga-silbi sa gawing pinto ng biglang pumasok si Danika.. Nagsiyukuan ang dalawa dahil ito din ay isang reyna. Sinenyasan ni Danika na umalis ang dalawa. Nag-alangan man ang dalawang taga-silbi ay napilitin silang umalis. Hindi napansin ni Francine iyon na okupado ang paningin sa kinakain. Lumakad palapit si Danika na may kakaibang ngiti sa labi. Habang ang dalawa nyang kamay ay nasa likod nya kung saan ay hawak nya ang isang matalim na panaksak.
"Tila nag-eenganyo ka sa pagiging reyna mo, mang-aagaw." napaangat ng tingin si Francine kay Danika. "Sabagay, masarap maging reyna, pero masaya bang maging reyna kung alam mong pangalawa ka lang?" nakangising sabi ni Danika at lumapit sa paanang ng kama.
"Ayoko ng gulo, Danika. Akala ko ba ay ayos lamang sayo na narito ako?" mahinahong sabi ni Francine habang napahawak sya sa kanyang tiyan.
Napatingin doon si Danika na alam na din na nagdadalang bampira ito. Kailangan nyang mapaslang si Francine at ang nasa sinapupunan nito. Dahil kung hahayaan nya na lumabas ito sa mundo ay tiyak na hindi lamang si Francine ang magiging kaagaw nya sa atensyon ni Randall kundi ang hindi katanggap-tanggap na sanggol na nasa sinapupunan nito.
"Sinabi ko lamang iyon upang hindi ipawalang bisa ni Randall ang aming kasal. At kung ayaw mo ng away ay umalis ka sa buhay ni Randall. Kung hindi--"
"Kung hindi ano, Danika?" biglang sulpot ni Randall na may malamig na boses. Kitang-kita nya ang patalim na nasa likod ni Danika. Balak pa ata nitong paslangin ang mag-ina nya.
Nahigit ni Danika ang hininga dahil sa biglang pagsulpot ni Randall. Gulat na gulat na nilingon nya ito habang nanginginig ang kamay na may hawak na patalim.
"R-Randall.." nauutal nyang sabi.
Malamig ang mukha na agad na nakalapit si Randall. Kinuha nya ang patalim sa kamay nito at sinakal nya ito. "Nais mo pang pasakitan ang mahal ko. Pinagbigyan kita sa gusto mong maging reyna ko pa pero ang pagtangkaan ang buhay ng mag-ina ko ay hindi ko hahayaan na mangyari." malalim ang boses ni Randall na nakakatakot habang bumabaon ang mga kuko sa leeg ni Danika na hirap na hirap ng makahinga. Tumutulo na rin ang dugo mula doon.
"Randall, bakit mo sya sinasaktan?" natatarantang sabi ni Francine habang tumatayo sa higaan.
"Magpahinga ka na lamang dyan, Mahal. May tuturuan lamang ako ng leksyon." pigil ni Randall kay Francine at naglaho sya kasama si Danika.

BINABASA MO ANG
Blood Book 1 (Unedited) ✓
VampirePag-ibig na nagsimula lamang sa ordinaryong pangyayari. Napadpad si Francine kasama ng kanyang Ina sa mansyon ng mga Agustin upang mamasukan bilang kasambahay. Hindi nya alam na may lihim palang tinatago ang pamilya na kanilang pinagsisilbihan. Nagi...