Kabanata 9 - Senyales
"Francine! Francine!"
Tinigil nya ang pagwawalis sa harap ng bahay nila dahil sa pagtawag ni Ditas. Kasunod nito sila Yeyeng, Pilar at Marie. Naging kaibigan na rin nya ang mga ito kaya nga hindi sya masyadong naiinip pag nasa bahay lang dahil na rin sa apat na ito. Ngumiti sya at hinintay na makalapit ang mga ito.
"Oh, anong sadya nyo?" tanong nya at itinabi ang walis tingting na hawak dahil tapos na rin naman sya. Naupo sya sa upuang kawayan sa labas ng bahay nila.
"May handaan kasi na gaganapin sa bahay ng anak ni Aling Chonchin. Itatanong sana namin kung gusto mo rin na tumulong sa pagluluto, kung wala ka naman ginagawa?" sabi nito.
Napaisip naman sya sa sinabi nito. Hindi naman kasi nya alam kung marunong nga ba sya? Nakakalungkot tuloy isipin na pati ang ganung bagay ay hindi nya alam kung kaya ba nyang gawin. Pero bahala na baka marunong naman sya kung susubukan nya, 'di ba?
"Sige, sandali lang at magpapalit lang ako. Nakakahiya naman kung nakaduster lang ako." sabi nya sa mga ito. Tumango naman ang mga ito kaya tumayo na sya. Nagsiupo naman ang mga ito sa upuan na inupuan nya kanina.
-
"Oo nga pala, Francine. Alam mo ba kung saan nagtatrabaho ang asawa mo?" bigla tanong ni Pilar. Kaya napatingin sila dito habang naglalakad sila patungo sa bahay ng anak ni Aling Chonchin. Medyo malayo lang konti pero ayos lang para naman makalayo naman sya ng kaunti na napuntahang bahay.
"Hindi ko alam, hindi ko kasi naitatanong sa kanya. Nahihiya din naman ako." wika nya.
"Dapat inaalam mo iyon dahil asawa mo naman sya. Malay mo iba pala pinagkakaabalahan no'n, sige ka." babala nito sa kanya.
"Ano ka ba, Pilar! Pag-aawayin mo pa ang mag-asawa. Naku, wag kang makinig dito kay Pilar. Etchuserang chismosa lang yan." sita ni Ditas kay Pilar na kinatawa ni April at Marie. Napangiti naman sya dahil sa pagbabangayan ng dalawa pero napaisip din sya sa sinabi ni pilar. Maging sya ay nahihiwagahan kung ano ba ang trabaho ni Randall?
"Naku, sinasabi ko lang ang mga posibleng mangyari. Lalo na doon kay Tricia na malanding babae na iyon. Sa pangit ng asawa ko nagawa pang pumatol, ang landi talaga. Kaya dapat wag mong hahayaang lumapit doon ang asawa mo. Gwapo at makisig pa naman baka matangay ng malandi iyon." inis na lintaya ni Pilar na alam mong galit na galit. Inaamin nya na nakaramdam sya ng pangamba pero umiling sya.
"Kung maakit man si Randall doon ay bahala sya. Tutal, hindi ko rin naman alam ang tunay kong nararamdaman sa kanya." komento nya. Napatanga na nakatingin sa kanya ang apat.
"Bakit wala ka bang nararamdaman sa kanya? Ano yun, nagpakasal ka na hindi mo mahal ang tao?" naguguluhang ani ni Ditas.
"Nawalan kasi ako ng alaala kaya hindi ko alam kung totoo bang mag-asawa kami. Kasi parang hindi ako sanay na may asawa ako." nahihirap nyang tugon at parang may kumirot sa puso nya dahil sa sinabi nya.
"Ay, Gaga! Iuntog kaya kita para bumalik ang alaala mo? Syempre malay mo nagsasabi ng totoo iyon tapos hahayaan mo kapitan ng lintang Tricia'ng iyon. Sige ka baka magsisi ka." pangaral sa kanya ni Pilar.
"Bahala na." yun na lang ang nasabi nya. Napailing naman ang apat sa kanya at lumakad na.
-
Maraming kababaihan din ang katulong nila sa pagluluto. Naghihiwa na lamang sya ng gulay dahil ayaw na nyang makialam pa. Baka mamaya masayang lang pag nagluto sya.
"Aw, ang sakit! Peste, nahiwa pa ako." napatingin sya kay April na nahiwa ata ang daliri. Nakita nya na umaagos nitong dugo. Para naman biglang naglaway ang panga nya. Parang nanginginig din sya dahil parang gusto nyang ubusin ang dugo nito. Nabitawan nya ang kutsilyo dahil sa panginginig ng kamay nya. Binaba nya sa ilalim ng lamesa ang pareho nyang kamay at inipit nya sa pagitan ng hita nya. Hindi nya makontrol ang sarili, parang may gustong lumabas sa katawan nya. Pinagpapawisan na rin sya at parang nagkulay pula ang paningin nya. Puro dugo na lalong nagpatakam sa kanya.

BINABASA MO ANG
Blood Book 1 (Unedited) ✓
VampirPag-ibig na nagsimula lamang sa ordinaryong pangyayari. Napadpad si Francine kasama ng kanyang Ina sa mansyon ng mga Agustin upang mamasukan bilang kasambahay. Hindi nya alam na may lihim palang tinatago ang pamilya na kanilang pinagsisilbihan. Nagi...