Kabanata 8 - Asawa
Napabaling-baling ang ulo ni Francine dahil sa malabong senaryo na nagpaikot-ikot sa kanyang isip. Para syang nasa isang madilim at pulang lugar na wala syang makita na kahit ano. Nanginginig ang katawan nya habang pinagpapawisan sya. Dahil hinahabol sya ng isang nilalang na walang mukha, puno ng dugo, nakakatakot, at isang kakaibang uri ng nilalang na humahabol sa kanya.
Naramdaman nya ang isang mainit na kamay na humahawak sa kanya. Hanggang sa mapaupo sya dahil sa pagyugyog nito sa kanya.
"Ayos ka lang? Nanananiginip ka?"
Napahawak sya sa ulo ng makaramdam ng sakit. Paliging ganun ang nararamdaman nya pag may biglang sumasagi sa isip nya. Napatingin sya kay Randall na ang sabi nito nung isang araw na magising sya ay asawa daw nya ito. Hindi nya nga alam kung nagsasabi ba ito ng totoo. Kada magtatanong sya tungkol sa pamilya nya ay umiiwas ito.
"Gusto mo bang dalhin kita sa bayan?" nag-aalala nitong tanong. Umiling sya at seryoso itong tinignan.
"Randall, dito ba talaga tayo nakatira?" tanong nya.
Napansin nya ang pagkabalisa ng katawan nito at paggalaw ng panga nito. Pero kalaunan ay sumeryoso ito.
"Hindi pero nagdesisyon tayo na dito sa probinsya manirahan pagkatapos ng kasal." seryoso nitong sabi, pagkaraan ay tumayo na ito. "Ihahanda ko ang kakainin mo bago ako umalis. At sana wag mong pilitin ang sarili mo para lang makaalala.." pagkasabi nito no'n ay tumalikod na ito at lumabas.
Napahinga sya ng malalim dahil wala parin syang makuha na sagot dito. Napagpasyahan nya na lumabas na rin. Paglabas nya ay nagtungo sya ng kusina at nakita nya si Randall na hinahanda ang kakainin nya. Laging gano'n ang sitwasyon. Lagi itong naghahanda ng kakainin nya bago ito umalis upang pumasok daw sa trabaho. Hindi naman nya alam kung saan ba ang sinasabi nitong trabaho? Naupo sya sa harap ng lamesa at pinanood itong magluto. Naramdaman siguro nito ang presensya nya kaya lumingon ito at ngumiti.
"Sandali lang at matatapos na ito." ani nito. Napalunok sya habang pinagsiklop ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa.
"Sorry." mahina nyang sabi. Hindi ito umimik. Pinatay lang nito ang gasul bago nito bitbitin ang ulam na niluto at pagkaraa'y nilapag nito iyon sa harap nya.
"Sorry, saan?" tanong nito. Pagkaraan ay tumalikod ulit ito at kinuha sya ng kanin.
"Dahil parang pabigat lang ako."
Lumakad itong muli at nilapag ang kanin sa harap nya. Pagkaraan lumapit ito sa kanya kaya napaatras sya. Pero hinawakan sya nito sa baba at pinatingin sa mga mata nito na seryosong nakatitig sa mga mata nya.
"Hindi ka pabigat. Dapat nga ako ang humingi sayo ng tawad." naguluhan naman sya sa sinabi nito.
"Huh? Bakit ikaw ang dapat humingin ng tawad?" Takang tanong nya ngunit gumiti lang ito.
"Wala. Basta." sabi nito at hinalikan sya sa labi na kinabigla nya. Saglit lang iyon at pagkaraan ay binitawan na nito ang labi nya. "Sige, aalis na ako. Ibibilin kita kay Aling Josie." sabi nito.
Umalis na ito pero sya natulala habang nakahawak sa labi nya. Ang bilis ng tibok ng puso nya habang ramdam parin nya ang labi nito. May nararamdaman nga kaya sya rito? Pero asawa nya ito.
"Aist!!" ginulo nya ang buhok at huminga ng malalim. Napatingin sya sa pagkain na nasa harap nya. Napagdesisyunan na lang nya na umpisahang kainin ang niluto nito kahit na wala syang gana. Sayang naman iyon kung hindi nya kakainin.
Siguro mga katanghalian na nang maisipan nyang lumabas pagkatapos nyang maglinis ng bahay. Sa katunayan ay malinis na nga iyon pero nilinis na lang nya ulit dahil wala naman syang magawa.

BINABASA MO ANG
Blood Book 1 (Unedited) ✓
VampirePag-ibig na nagsimula lamang sa ordinaryong pangyayari. Napadpad si Francine kasama ng kanyang Ina sa mansyon ng mga Agustin upang mamasukan bilang kasambahay. Hindi nya alam na may lihim palang tinatago ang pamilya na kanilang pinagsisilbihan. Nagi...