Part Two

129 10 5
                                    

"ATE" INSTINCTS
BY EMILY



Nang nakalabas na ako ng kwarto at dala-dala ang backpack ko, bumungad sa akin ang nakababatang kong kapatid na si Josh.


"Ate, ate tulungan mo akong lagyan ng bimpo ang likuran ko." Paki-usap nito kasi hindi nya abot likod nya.BTinanggap ko ang bimpo at inilagay ito sa kanyang likuran.



"Salamat ate." Sabi nito at pumasok sa kwarto niyang nakabukas ang pinto at kitang-kita ang kalat ng mga gamit at laruan ng kapatid niya.



Hindi ko nalang siya pinagsabihan kasi makalat rin ang kwarto ko. He-he-he.

"Mama!" Rinig kong iyak ng babae kong kapatid mula sa kabilang kwarto. I hurriedly went there to check on her.



It was my four-year old sister Elisse crying on her bed who's already dressed up for daycare.


I picked her up so we all can avoid another crying catastrophe from our newborn baby who's currently sleeping in her crib next to Elisse's bed.

"Tahan na Elisse, please!" I begged.


Kinuha ko ang isang maliit na teddy bear na nasa ibabaw ng cabinet at binigay ni Elisse para tumahan ito, mabuti nalang at humina naman ang iyak niya.


"Josh! Sinuot mo na naman ba ang basketball jersey ko?" Rinig kong may sumisigaw na naman sa labas ng kwarto.


"Kapag nagising na naman si baby Erika lagot talaga itong dalawa sa akin!" Naiinis kong bulong sa sarili dahilan para lumabas na ako ng kwarto dala-dala ang umiiyak na si Erika.


"Bakit ba ako ang palagi mong binibintangan sa lahat ng nawawala mong gamit, Jeff! Ang gulo-gulo kaya ng mga gamit-." Natigilan si Joshua sa pag sermon sa kapatid nang tinawag ko sila.

"Hoy!" I felt like was seeing doubles the moment they both faced my direction.

"Hinaan ninyo ang mga boses ninyo! Nahihirapan na akong patahanin itong si Elisse baka magising si baby Erika, kayo talaga pababantayin ko kapag umiyak iyon!" Napipikon kong banta sa kambal.

Napakamot nalang ng ulo si Jefferson at napayuko naman si Joshua sa realisasyong iyon.

Imagine we're five siblings in total and I'm the eldest, then all of them suddenly goes out of control.

Mahina ang kalaban ninyo, bes! Ako lang ito oh, ate ninyo! #AteInstincts24/7

"Sorry ate" Sabay sabi ng kambal na may halong pabebe sa boses nila. Para tuloy akong na guilty na muntikan ko silang pagtaasan ng boses.

Inayos ko ang tindig ko habang buhat si Elisse. "Ano ba kasi ang problema?" Tanong ko kay Jeff.

"Maglalaro kasi kami ng mga kaibigan ko mamaya ng basketball pagkatapos ng klase, ate kaso hindi ko mahanap yung jersey ko."


"Tinignan mo na ba sa pulang basket ng mga bagong linabhan kung nandoon ba ang jersey mo? Mukhang naligpit ko kasi iyon doon kahapon."

THE UNIVERSE THAT MISSED US (1st look)Where stories live. Discover now