BIG PLANS
BY EMILY
Pinagtagpo namin ang mga arm chairs namin ni Austin at Malcom para sabay-sabay na kaming mag-tanghalian.
Nilapag na din ang mga Tupperware namin dito. Actually, takip lang ng Tupperware at tinidor ko ang sandata ni Austin kapag nagtatanghalian na kami.
Wala talaga siyang lunchbox o Tupperware na dala-dala.
Hindi naman sa hindi siya inaasikaso ng mommy niya tuwing umaga, sadyang nakakalimutan lang talaga nitong bestfriend ko na dalhin ang baon niya.
Ganyan kakapal mukha niya at nakikisalo sa baon ko araw-araw.
Minsan pinapagalitan ko siya dahil sa pagiging tanga nito sa mga gamit niya. Ang palusot niya lang sa akin ay nakakalimutan niya ilabas ang Tupperware niya kapag nakauwi na cya sa bahay.
Na minsan narin ay umabot pa ng one week ito na nakatambay sa loob ng backpack niya na walang hugas hanggang sa umamoy ito.
It was so gross.
Kaya naman automatic ko na sinobrahan nalang ang paglagay nga kanin at ulam sa Tupperware ko kasi nakakahiya sa magaling kong best friend.
Baka kasi mamatay ito sa gutom habang nakikinig sa teacher.
Ayoko namang sisihin ako ni mi'tit at da'tit sa pagkamatay niya noh! Mahirap na din.
I sat down on my arm chair and opened my Tupperware. Rice and chicken nuggets was on today's menu.
I made sure that the nuggets were equally divided. Alam ko kasi kung gaano ka takaw tong kaibigan ko na halos siya na ang umuubos sa pagkain ko.
"Kanina pang wala si Amethyst ah, hindi pa ba iyon babalik dito?" Tanong ni Malcom sa akin habang pinupwesto narin ang arm chair ni Amethyst sa harap namin.
"Susunod nalang daw si Amethyst, may huddle daw kasi ang Sirens saglit." Sagot ko sa kanya nang nasubo ko na ang unang chicken nugget sa bibig ko. "Of course as one of the team captains ng Sirens, you know that Amethyst's presence is very much needed. Bakit ba?" I asked Malcom.
"Ahh, wala may pag-uusapan sana kaming dalawa." Bahagyang napayuko ito sa hiya at napakamot pa ng ulo.
In suspicion, I pouted as my gaze narrowed into a squint. "Don't look at me like that Em, it's just about business." He cleared his throat.
"I'm not saying anything. What are you defending?" I whispered while chewing my nuggets.
He scoffed and shook his head. "Ewan ko sa iyo." Umupo narin ito sa arm chair niya.
YOU ARE READING
THE UNIVERSE THAT MISSED US (1st look)
RomanceA promise we needed to keep at a wrong time, in the wrong place with the wrong kind of people. Was it us or was it the Universe? All I know is you and I never missed. [ LOVE-LORE / 1st Release ] All rights reserved © 2019 *** Date Published: Aug...