Chapter 4: Return

18K 660 53
                                    

Nakatingin ako sa aking kapatid na nakikipagdaldalan na sa mga royalties. Kapag tumawa pa ito ay kita ang gilagid

Sabay na napailing na lamang kami na mga babae. Linapag ko ang plato na mayroong sandwich sa kanilang harapan bago umupo sa katabi ni Rage at kuya

"So Miyuri, babalik na ba kayo sa Academy?"

Napatigil ako sa pagkuha ng juice sa tanong ni Chad maging ang iba ay napatigil sa kanilang ginagawa

"Before my sister answer that, i have a question"

Lahat naman kami ay napabaling sa aking kapatid na ngayon ay kampante na nakaupo at nakangiti sa kanila habang pinapaikot ikot ang baso na may juice

"Will there still be a reason for them to go back?"

Napatahimik ang lahat dahil sa tanong ni kuya Tyron. Tiningnan ko naman ng mabuti ang aking kapatid na ngayon ay napakalawak ng ngiti

"She doesn't need any reason since before she left she already promised to go back" seryoso ani ni Zero

Napaderetso ang tingin ni kuya Tyron sa kanyang narinig ng magsalita naman si Rage

"Even if she won't go back i'll take her with me"

Walang nagabala na magsalita habang ako naman ay tiningnan si Clara na ngayon ay nakatingin sa akin. Binigyan ko siya ng isang ngiti ng magsalita naman si kuya

"So you went here to bring them back" kumpirmado na ani ni kuya

Inayos ko naman ang aking upo at napangiti sa kanila. I look at Tine and the other ng magsalita ang mga ito

"Nakakabagot na din naman dito. Gusto ko ng makita si Hm Tanya"-Tine

"Yeah, i would love to get another mission from her"-Nova

"Aghh...mapupunta ulit tayo sa opisina niya"-Ethan

Napatawa ako sa aking narinig bago binalingan silang lahat ng may ngiti sa aking

"I guess i don't need to answer chad's question kayo na muna ang mauuna pagbalik"

Nagtataka na binalingan nila ako ng tingin habang ako naman ay uminom sa juice

"Why?" tanong ni Alisia na sinagot ni Enzo

"May kailangan pa kaming asikasuhin"

Ayaw pa sana nila noong una ngunit wala silang nagawa sa huli

..Next Day..

( Alisia Pov )

Nakatingin ako sa papalayong pigura ng Nefhomia. Pabalik kami ngayon sa akademya, dapat next week pa ang balik namin ngunit pinatawag na kami ni Hm Tanya dahil nandoon daw ang aming mga magulang na naman

Lahat kami ay napasimangot sa aming narinig. Dalawa lang naman kasi ang rason kung bakit sila pumupunta sa akademya

Una, kung may misyon silang ibibigay. Pangalawa, kung papagalitan nila kami

Sa buong byahe namin ang isip ko ay lumilipad lamang sa aming mga magulang at kina Miyuri

( Miyuri Pov )

Nakatingin ako sa aking bintana habang seryoso lamang. Si Monique ay tahimik na nakaupo sa sofa habang ang iba ay may inaasikaso

Pinagmasdan ko ang hourglass ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito bago tiningnan ang nakalagay

From: Kuya Tyron

We have to go back to the academy now. Tita's order

Napahampas ako sa aking lamesa na mukhang ikinagulat ni Monique ngunit hindi ko ito pinansin. Babalik lang naman pala kami sa akademya ngayon, dapat kanina pa siya nagsabi ang magaling na tita na iyan para nakasabay na kami sa royalties

"Ready the others. We're coming back to the academy"

I look at my cellphone only to see her message pop out

From: Hana

Everything is clear. What's the next move?

I ignored it bago umupo sa aking silya. Hinilot ko ang aking noo bago nagpakawala ng buntong hininga

( Agatha Pov )

Nakatingin kami ngayong lahat kay Kiyan at Clara na senesermonan ng kanilang magulang. Walang reaksyon si Kiyan habang si Clara ay nakayuko lamang

"Break the engagement. Ayoko sa nangyayaring ito sa inyo" ani ni tita sa dalawa

"Wala pa nga kayong nakukuha na basbas sa amin sinabi na ninyo agad sa buong akademya" galit din na ani ni tito

Tiningnan ko si Elien, Six, at Chad na humahagikhik sa isang gilid habang si Hm Tanya ay umiiling iling na nakatingin sa dalawa na senesermonan

"Buti nga sa kanila" dinig kong ani ni Elien

"Ayoko din muna kay Clara" dinig kong ani ni Chad

"I can't see the chemistry"

Nakatanggap naman sila ng tig iisang batok galing kay Zero na kanina pa nakatingin sa tatlo. Kami naman ni na Alisia, Victoria at ng ibang council ay hurado lamang sa kanila

Si Dominique ay nandoon naman sa sofa at pa easy easy lang. Parang wala itong problema sa mga nangyayari

Ito agad ang sumalubong sa amin pagkarating namin. Nagulat pa nga kami ng hinila ni tita si Kiyan gamit ang tenga papunta dito. Ang iba sa mga estudyante ay mukhang nagulat din sa kanilang nakita

Bigla kaming napatingin sa babae na lumapit kay Hm Tanya at may ibinulong. Parang hindi inaasahan ni Hm Tanya ang kanyang narinig ngunit agad itong tumakbo papalabas

Sumunod naman kami dahil maging ang ibang estudyante na dumadaan ay tumatakbo papunta sa may gate

Lahat kami ay tumakbo kung saan papunta ang mga ibang estudyante. Nakarating kami sa may gate at mayroong kumpulan ng mga estudyante

Pinilit namin na pumunta sa unahan and when we saw what they are looking, i can't help but feel happy

It was Miyuri and the other standing besides their dragon.

The Awakening Of The Unknown [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon