Chapter 27: Frozen Town

11.6K 473 16
                                    

( Miyuri Pov )

Isang araw na din ang aming naging paglalakbay at ngayon ay tinitingnan ko ang bawat bulaklak na nababalutan ng bawat yelo na aming nadadaanan. Simula ng malagpasan namin ang tulay dito sa kagubatan ay nagkaroon na ng mga iilang halaman at bato na nababalutan ng yelo. Hindi ko naman maiwasan na titigan ang bawat isa

Habang patagal ng patagal ay mas lalong dumadami ang mga halaman at bato na nababalutan ng yelo. Meroon na din akong nakikita na mga hayop na nabalutan ng yelo

"What happened here?" Kayden ask ng makita ang isang puno na parang yelo na

Walang sumagot sa kanyang tanong ngunit napatigil ako ng may isang daan ang nakapukaw ng aking atensyon

Hindi ako nagdalawang isip na takbuhin iyon kahit pa man nababalot na ng yelo ang aking tinatahak

"MIYURI!" i heard them shouted ngunit hindi ko na sila pinakinggan pa hanggang sa nabalot na lamang ako ng fog

( Monique Pov )

Lahat kami ay napatigil sa pagsunod kay Miyuri dahil sa biglaan nitong pagkawala

Inilibot namin ang aming tingin sa buong paligid ngunit ang tanging nakikita lamang namin ay lahat nababalot sa yelo

Ang mga halaman, lupa, hayop, at ang iba't ibang klase na naglalakihang puno ay nababalot ng yelo

"Where is she?" Zero said

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad hanggang sa parte ng meroong fog ngunit napatigil ako agad ng may hangin ang biglang dumaan sa aking batok

Tiningnan ko si Ethan na ngayon ay nakapamulsa habang na sa aking katabi bago nagsalita

"Do your thing Ethan"

Napalingon muna ito sa akin at para bang binabasa ang aking isipan ngunit tinanguan ko na lamang ito

Napabuntong hininga na lamang siya bago ibinuka ang kanyang kamay kasabay ng pagkawala ng hangin sa iba't ibang parte ng kagubatan

Nawala ang mga fog dahilan para makita ko kung ano ang bagay na nasa aking harapan

It was the arc of a town habang nakaukit ang pangalan na Frolzien Town

Muli kaming naglakad ni Ethan papasok sa town habang hindi makapaniwala na nakatitig sa bawat parte nito

It was like a frozen ghost town. Lahat ay nababalot lamang ng yelo. Meroon akong nakikita na mga hayop at tao na para bang yelo na lamang

Napakalamig at napakatahimik ng buong lugar. Walang maririnig kundi ang aming paghinga ni Ethan

"MONIQUE! ETHAN!"

Sabay kaming napalingon ni Ethan sa tumawag sa amin only to see our friend and the Royalties coming to our direction

Humihingal sila ng makaabot sa aming pwesto ng bigla naman akong tinanong ni Tine

"Nahanap ba ninyo si Miyuri?" tanong nito na kaagad kong inilingan

"Paano na iyan? Wala pa naman na sense of direction ang babae na iyon" nagaalala na saad ni Agatha

"Bakit ba kasi siya tatakbo papaalis sa atin knowing she doesn't have any sense of direction? Is she crazy?" nakataas na kilay na wika ni Dominique

"Napakatino mo naman" sarkastiko na ani ko naman kay Dominique

Binigyan naman ako nito ng masama na tingin ngunit pinaikot ko lamang ang aking mata bago binalingan si Serafhina

"Do you know this place?" Kiyan ask Serafhina

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Serafhina bago kami tiningnan ng matamlay

"This place is a Frozen Town. Hindi naman talaga nababalot ng yelo ang lugar na ito ngunit simula ng pinagawa nila ang arko at binigyan ito ng pangalan nagsimulang mabalot ang lugar na ito ng yelo sa hindi malaman na kadahilanan"

"Ang akala ng mga tao dito ay dahil ito sa diwata na nakatira sa may ilog ngunit ang iba naman ay ang unknown ang may pakana ng lahat. Napakatagal na ng mabalot ang lugar na ito simula pa noong bago ako makulong ngunit hindi ko akalain na nandito parin ito hanggang ngayon at nababalot parin ng yelo" mahabang paliwanag ni Serafhina

"Some people also believe na maari kang makapasok sa isang ilusyon na bumabalot sa lugar na ito if the person heart is stained by hatred, fear, fragile, and full of anger"

Inalis ko ang aking tingin kay Serafhina dahil sa kanyang sinabi at napatitig na lamang sa buong kapaligiran na nababalot ng yelo

( Miyuri Pov )

Tiningnan ko ang aking mga magulang na seryoso na nakatitig sa akin. Their face are full of disappointment habang ako ay napakagat na lamang ng aking labi

"Iyon na lamang ba ang kaya mo?" tanong ng aking ina

"Napakahina mo Miyuri" seryoso na ani naman ng aking ina

"I never expected that you will give us this kind of disappointment" wika ng aking ina habang umiiling iling

"Hindi ka namin pinalaki para maging mahina Miyuri. Tinatak namin sa iyong isipan na dapat malakas ka. Dapat hindi ka umiiyak, dapat hindi ka mahina, dapat ikaw ang nasusunod, dapat ikaw ang pinakamalakas sa oras ng laban" napayuko ako habang kumuyom naman ang aking mga kamao

This scene, hindi ako pwedeng magkamali. Katulad ito ng mga sinabi sa akin ng aking mga magulang ng na sa Mortal World pa ako

Kailangan ba talaga na ipaalala sa akin ang lahat? Kailangan ba talaga ipaalala sa akin ang mga panahon kung saan luhaan lamang ako? Kailangan ba talaga na ipaalala sa akin ang mga panahon na kung saan napaka misirable ko?

Napapikit na lamang ako lalo na ng iba't ibang mga salita na ang aking naririnig sa aking isipan

"Hindi kailangan ang kahinaan pagdating sa laban"

"Sa tingin mo ba magiging masaya kami sa ganitong resulta?"

"Too weak"

"Stop" wika ko sabay takip sa aking tenga

"Kill it Miyuri"

"Stab it"

"Lakasan mo pa"

"Hanggang diyan na lamang ba ang kaya mo?"

Sa tingin mo ba napakasaya tingnan ang resulta na ito?"

"MIYURI! Ganyan ka ba talaga kahina?"

"Walang kwenta"

"Walang silbi ang ginawa mo na iyan"

"Are you even our daughter"

"Dapat gayahin mo siya. Malakas at walang inuurungan"

"Ganyan ba ang ipapakita mo sa kanila? Masyadong mahina. You're not a worthy-"

"ENOUGH!" sigaw ko

Para bang isang salamin na biglang nabasag bigla ang scenario na aking nakikita

Ang aking mata ay biglang umilaw habang ramdam ko ang lamig na nabubuo sa aking buong katawan

My hand started to tremble habang nakikita ko ang paglabas ng malamig na usok sa aking kamay

Sinubukan kong kumalma ngunit mas lalo lamang lumala ang aking nararamdaman when i suddenly feel someone hug me from behind while a voice suddenly speak inside my head

"It's time to let go your past"

The Awakening Of The Unknown [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon