Agad kong pinayelo ang pana na papalipad sa aking direksyon bago pinalipad pabalik sa direksyon ng lalaki
Tiningnan ko naman ang lalaki na patakbong papalapit sa akin na may malaking apoy sa may kamay ngunit bago pa man siya makarating sa aking kinatatayuan agad na umilaw ang aking mata habang nakatingin sa kanya kasabay ng kanyang pagkatalsik sa isang pader
"Behind you!"
Liningon ko naman ang sa aking may likod at nakita ang lalaki na may dalang malaki na espada. Napangisi na lamang ako bago ginamit ang aking kapangyarihan na hangin at pinalipad siya sa iba pa niyang kagrupo
I remain smirking habang nakatingin sa kanila na napakasama ng tingin sa akin. I can see their anger dahil hindi man lamang nila ako masugatan
Kahit nga makalapit sa aking kinatatayuan ay hindi nila magawa. I felt bored about it
Ito ba ang maipagmamalaki nila? Hindi ko nga malaman laman kung bakit pa sila kakatakutan ng mga tao dito
"Too boring" i said mocking them na mukhang ikinainis ng kanilang leader
"I SAID KILL HER!" muling sigaw nito
Lumawak ang aking ngisi ng lahat ng kanyang tauhan ay sabay sabay na umatake sa akin
I look at them habang patakbo na papalapit sa aking direksyon dala ang kanilang mga armas at ang iba ay nagpalabas ng kanilang kapangyarihan
Lahat sila sumisigaw habang papalapit sa akin na para bang sasabak sa gyera ngunit nanatili lamang ako na nakangisi bago napabulong na lamang sa hangin
"Checkmate"
Sa sinabi ko na iyon ay ang aking pagpitik ng kamay kasabay ng paglabas ng malakas na hangin sa akin at ang pagyelo ng aming kinatatayuan
Kitang kita ko kung paano hindi sila makagalaw sa kanilang kinatatayuan dahil sa pagkayelo ng kalahati ng kanilang katawan
Nagpakawala ako ng hininga at kita ko kung paano maglabas ng usok ang aking bibig dahil sa lamig
Naglakad ako sa kanilang pinuno na ngayon ay nakatayo at hindi makapaniwala na nakatingin sa akin
"Si-Sino ka?" tanong nito ng mababakasan ng takot
Nagsimula akong maglakad papalapit sa kanya habang umukit ang ngiti sa aking labi dahil sa kanyang tanong
"I'm Miyuri Cy" simpleng wika ko
Napahakbang ito ng paatras kaya naman tumigil ako sa paglalakad ngunit bigla itong nagtatakbo
Napailing na lamang ako dahil sa kanyang pinaggagawa. Does he really think he can get away?
"Will you go after him?" Rage suddenly ask
Hindi ako nagsalita ngunit sa pagpikit lamang ng mata ay na sa harap na ako ng lalaki na pinuno
Kitang kita ko kung paano ito magulat ng makita ako ngunit bago pa man ito makatakbo muli bumulong muli ako
"Stay still"
Tumigil ang mga paa nito sa ere na balak sana na tumakbo. Ang lahat ng kanyang paggalaw ay tumigil habang ako naman ay napangiti na lamang at nagsalita ng pabulong na tanging ako lamang ang makakarinig
"It's useless to run away from the Empress of Zanvier"
¤¤ ¤¤ ¤¤
"Pakawalan ninyo ako!"
Napailing na lamang kami ni na Tine dahil sa pagpupumilit ng lalaki na ito na makawala sa pagkakahawak ni Enzo at Ethan
"Bakit naman namin iyon gagawin, aber?" mataray na wika ni Monique
BINABASA MO ANG
The Awakening Of The Unknown [Revising]
Fantasy"Don't be foolish. No matter where you run and hide, i can still find you." _ In a world you are living within, don't ever think you already knew everything because you don't and never will. The world is massive, you will never see every corner of i...