Chapter 42: Flashback Of Past

10.7K 505 40
                                    

Warning: Death

_

Ang nakikita namin ngayon na imahe ay malinaw na ang lahat. Nakaharap kami sa isang batang babae na bagong silang. Umilaw bigla ang mata nito ng violet habang may nagsasalita na isang boses ng babae

"Nabuhay ako sa mundong ito ng may kakaibang katangian. Tinitingala nila ako dahil isa daw akong regalo sa mundong ito dahil taglay ko ang kakaibang kapangyarihan"

Lumipat naman ang larawan sa batang babae na unti unti ng lumalaki. Masaya itong nakikipag usap sa isang babae

"Pinalaki nila ako bilang isang babae na mamumuno sa buong Xaurus. Sinabi nila sa akin na dapat ko daw pamunuan ang Xaurus sa daan na makakatulong sa lahat ng tao"

"Sa akin daw magsisimula ang kabutihan ng loob at dapat daw akong maging halimbawa ng isang magaling na pinuno. Wala naman akong nagawa kundi itatak iyon sa aking isipan"

Ang larawan naman ay lumipat sa batang babae na nagsusulat sa papel. Kita ko ang iba't ibang emosyon na nababalot sa mukha nito

"Sa murang edad nag aral ako bilang maging mabuting pinuno. Hindi ako kagaya ng mga batang naglalaro at may simpleng buhay lamang. Araw araw ay pag aaral ang ginagawa ko dahil hindi ako pwedeng umalis sa aming palasyo. Wala akong kalaro o kahit libangan man lamang tanging pag aaral ang naging buhay ko"

"Ang tanging nakakasalamuha ko ay ang mga council na nagsisilbing pansamantala na nagiging pinuno ng ibang lugar na hindi kinakaya ng aking magulang na pinamumunuan habang hindi pa ako ang hinirang na pinuno"

"Ngunit katulad ng isang bata. Hinahangad ko din na makapaglaro at magsaya"

Muling nagbago ang imahe at napunta kami sa isang dalaga na babae na kinokoronahan. She look just like Miyuri

Malawak ng kanyang ngiti at puno ng kasiyahan ng kanyang mukha maging ang mga tao na nakatingin sa kanya

"Dumating ang araw na inilipat na sa akin ang korona. Napakasaya ko noon dahil may magagawa na akong tulong para sa aking mga pinamumunuan. Para sa akin iyon ang pinakamasaya na regalo na natanggap ko"

Napatingin naman ako bigla sa imaheng nalipat sa babaeng si Miyuri na nakatingin sa isang lupain

"Pero hindi ko akalain na hindi muna ako pinayagan ng aking magulang na magsilbi sa Xaurus. Nakoronahan lamang ako pero hindi pa daw iyon ang tamang oras para gumawa ako ng hakbang marami pa daw akong dapat na matutunan"

"Binalewala ko iyon at hinayaan na lamang sila pero napapansin ko na habang tumatagal ay kinaiinisan ako ng mga tao. Nakakarinig ako ng masasamang balita na tungkol sa akin. Kumakalat ang balita na ako daw ang may pakana na pinapapatay ko ang iilang mga tao na hindi sumusunod sa patakaran"

Nagbago muli ang imahe sa babaeng si Miyuri na nakasilip sa isang bukas na pintuan at para bang may pinapakinggan

"Lumipas ang ilang buwan na dumadagdag ang mga masasamang balita sa akin at dahil sa pagtataka ay pinili ko na kausapin ang council ngunit hindi ko akalain na maririnig ko ang sekreto na tinatago nila"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla naman kami nakarinig ng iba't ibang boses

"Papatayin pa rin natin si Serafhina?"

"Masyadong hadlang ang babae na iyon. Kailangan siyang mawala sa landas natin lalo na't ngayon na napapasaatin na ang tiwala ng mga tao"

"Oo nga naman. Kinaiinisan na nila si Majesty"

"Iyon ay dahil siya ang pinanakip butas natin"

Napunta naman ang imahe sa babaeng si Miyuri na tumatakbo sa kakahuyan at hinahabol si Serafhina

Puno ng pawis ang leeg ng babaeng si Miyuri at hinihingal siya ngunit patuloy niyang hinahabol si Serafhina hanggang sa matali niya ito

"Dahil sa aking nalaman ay kaagad kong hinanap ang lugar ni Serafhina. Dinakip ko siya at ikinulong sa lugar na kung saan ako lamang ang nakakaalam hanggang sa malaman ko na may kapatid siya"

Lumipat na muli ang imahe sa mortal world na ipinapakita si Anathasia na naglalakad habang may hawak na libro

"Pumunta ako sa mortal na mundo upang kausapin si Anathasia, ang kapatid ni Serafhina. Kinausap ko sa kanya at sinubukan ko siyang paliwanagan ngunit hindi ko akalain na sa akin niya isinisi ang lahat. Sinubukan ko man na linawin ang lahat pero hindi niya ako pinaniwalaan"

"Wala naman akong nagawa kundi ang bumalik sa Xaurus ngunit sa aking pagbabalik ay nalaman ng council ang aking ginawa"

Ang imahe ay napunta sa babaeng si Miyuri na biglang ikinulong sa isang kwarto. Tanging higaan at bintana lamang ang makikita sa kwarto

Umiiyak si Miyuri habang sinusuntok ang pintuan ng madilim na kwarto. Puno ng pag mamakaawa ang kanyang mga salita

"Ikinulong nila ako dahil ako daw ang hadlang sa plano nila. Maging ang aking mga magulang ay ikinulong nila upang hindi daw ako matulungan. Hindi naman ako makahingi ng tulong sa aking mga disipolo dahil baka maging sila ay galit sa akin"

"Kinaiinisan ko ang sarili ko sa araw na iyon. Napakahina ko. Wala man lamang akong nagawang mabuti"

Ang imahe naman ay biglang nagbago sa labas ng palasyo na napakaraming tao ang sumasalakay sa kastilyo

Pinipigilan ng mga kabalyero ang mga tao na tuluyan makapasok sa kastilyo ngunit naagaw ang pansin ko ng isang babaeng may pakpak na walang hirap na nakapasok sa kastilyo

"Buwan muli ang dumaan ng malaman ko na lahat ng tao ay galit na sa akin. Inaatake na nila ang aming kastilyo dahil gusto na nila akong patayin hanggang sa isang araw nakapasok ang isang babae na nagngangalang Crastine Angela"

"Nakapasok siya sa aking selda at kaagad niya akong sinakal. Galit na galit siya sa akin habang ako naman ay sinusubukan na ipaliwanag sa kanya ang lahat"

The image change again sa kwarto na kung saan na ang babaeng si Miyuri lamang ang makikita at si Crastine Angela

Seryoso ang mukha ni Crastine Angela habang nakayuko naman si Miyuri

"Sinabi ko kay Crastine Angela ang lahat lahat na nalalaman ko. Nagpapasalamat na lamang ako na pinaniwalaan niya ako at naging isa ko pa siyang disipolo"

"Sinabi naman niya ang kanyang nakita sa hinaharap at ipinakita sa akin ang libro na ginawa niya. Bago siya umalis ay sinabi niyang ililibing niya ang libro niya at wala daw siyang balak na baguhin ang hinaharap"

Nawala sa imahe si Crastine Angela at naiwan ang babaeng si Miyuri na para bang nawalan na ng buhay

"Pinag isipan ko ang lahat ng sinabi ni Crastine Angela sa hinaharap. Marami daw na tao ang mamatay at kami daw na dalawa ang magiging dahilan lalo na't masisira ang isla nila na Zanvier"

"Gumawa ako ng libro na may sariling mahika na isusulat ang aking naging buhay at inilagay ko ito sa chamber ng aking trono bago ginawa ang plano ko"

Nakita na lamang namin na tumatakbo ang babaeng si Miyuri papunta sa Zanvier na nagkakaroon ng malaking sunog

Umiilaw din ang kanyang mata habang seryoso lamang ang kanyang tingin sa harapan

"Paulit ulit na pumasok sa aking isipan na ako ang dahilan ng lahat ng ito. Dahil sa nabuhay ako kaya naging sakim silang lahat sa kapangyarihan. Dahil sa pangalan ko kaya sila naghirap na lahat"

"Ako ang simula ng lahat kaya ako ang tatapos"

Muling nagbago ang imahe sa babaeng si Miyuri habang nakaluhod siya kay Crastine Angela

Hawak nilang dalawa ang espada habang nakaturok iyon sa puso ni Miyuri

"Pinatay ko ang sarili ko. Pinatay ko ang sarili ko para sa kanilang lahat. Baka kapag namatay na ako ay maayos na ang lahat"

Bumagsak ang katawan ni Miyuri habang nakita naman namin si Crastine Angela na tumatakbo sa may kakahuyan habang unti unting nababalot si Crastine Angela ng crystal

"Sa huli kong hininga ay ikinulong ko si Crastine Angela para sa kapakanan niya at ng lahat"

"Sa araw at oras na iyon ay pumikit na ang aking mga mata ngunit parang kisap mata lamang na muli akong nagising bilang isa muling sanggol"

The Awakening Of The Unknown [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon