Chapter 15: White Witch

13K 479 34
                                    

( Third Person )


Pinagtulungan ng mga commander na maipasok ang demonyo sa selda na hinihila lamang ng mga kabayo. Nahirapan pa sila dahil sa lakas nito

Marami din ang nasugatan at may ibang namatay dahil lamang sa demonyo na iniligaya nila sa selda. Nagpunas ng pawis ang commander sa north dahil sa puno ng pawis at pagod nito

Napaupo pa ito sa may malaking bato at tiningnan ng mabuti ang demonyo na namumula pa ang mata habang galit na nagwawala sa selda

"Ano na ang balak mo?" tanong ng commander sa west ng lumapit sa commander sa north

"Ano pa ba? Kailangan na natin ibalik siya sa kanayang selda at bahala na ang emperatris" seryoso na wika ng commander

Napabuntong hininga na lamang ang commander sa west at balak na sanang umalis ng bigla magbago ang kulay ng kalangitan

Ang kanina na madilim na ulap dahil sa ulan ay nagkaroon ng kulay na violet. Maging ang kulay ng kanilang kapaligiran ay dumilim at naging violet

Lahat sila na nandoon ay biglang nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso sa kaba. Maging ang demonyo na kanina pa nagwawala ay napatingin sa kalangitan

"Anong nangyayari?" tanong ng commander sa east

Walang sumagot sa tanong ng commander ngunit ng demonyo na natahimik ay tiningnan sila ng may takot

"Parating na siya! Parating na siya" pauliy ulit na wika nito na ipinagtaka nila

Hinugot ng commander sa south ang kanyang espada at itinutok iyon sa leeg ng demonyo bago nagtanong

"Sino ang parating?" seryoso na tanong ng commander

"Ang babae na may kagagawan nitong lahat"

Sa sinabi ng demonyo bigla na lamang may tumama na malaking bola na kulay violet sa tuktok ng selda ng demonyo

Gumawa iyon ng malakas na impact dahilan para mapatilapon silang lahat. Ang demonyo naman ay takot na napatingin sa bola na tumama sa kanyang selda ng magsimula na iyon pumorma na isang pigura ng tao

Ang bola na tumama sa selda ng demonyo ay kumurba ng isang pigura ng babae hanggang sa nakita nila ang isang naka cloak na babae. Hindi nila makita ang mukha nito dahil sa takip sadyang labi lamang nito ang makikita

Agad nagsipagtayuan ang mga kawal at commander bago itinutok sa babae ang kanilang mga armas

"Sino ka?" tanong ng commander sa south

Ngumiti lamang ang babae at inilibot ang tingin sa kapaligiran. Para bang tinatantya niya ang bawat sulok

"I came to get this wicked thing" wika nito at tiningnan ang demonyo na ngayon ay puno ng takot

Dahil sa narinig at takot agad na sumugod ang iba na mga kawal sa babae. Ang mga commander ay nagulat dahil sa ginawa ng kanilang mga tauhan ngunit ang commander ng north ay seryoso na napatingin sa babae ng biglang sumilay ang kakaibang ngiti sa labi nito

Tumingin ang babae sa apat na commander bago nagsalita ng nanatili ang ngiti sa labi

"Call me the unknown. Let's meet again"

Sa huling sinabi nito ay ang pagbalot ng violet na ilaw sa dereksyon ng babae while light struck to the sky making the clouds move circle apart

Ang mga dalawa sa commander ay napatingin sa selda ng demonyo ngunit wala na doon ang babae at ang demonyo

Wala silang nagawa kundi ang mapaupo na lamang sa lupa habang puno ng pawis

"She took the demon"

The Awakening Of The Unknown [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon