Chapter 38: Nowhere

10.4K 439 233
                                    

( Crastine Angela Pov )

Nagpapahangin ako ngayon sa labas ng terrace ngunit hindi ko naman akalain na nasa terrace din ng kabilang kwarto si Kiyan

Malalim ang iniisip nito habang nakakuyom ang kamao dahilan para hindi niya mapansin na nandito ako at nakatingin sa kanya

"Mukhang napkalalim ng iniisip mo"

Agad naman itong napaangat ng tingin sa akin. Napailing na lamang ako ng makita ang seryoso nitong mukha

"Iniisip mo ba si Miyuri o siya?"

Lumawak ang aking ngiti ng mukhang tumama ako. He's just too obvious, hindi na ako magtataka kapag alam na ni Miyuri ang lahat

"Did you-"

"I know, Kiyan" pagpuputol ko sa sasabihin niya. "You might be cold pero napakadali mo lamang basahin lalo na kapag nakatingin ka kay Miyuri at sa kanya"

Hindi naman ito nagsalita habang ako naman ay napatingin na lamang sa buwan, maybe Miyuri already know the truth at tinutulungan lamang siya ni Miyuri

"I can't help it" biglang usal niya. "I already did everything but she's still the one i look for"

Napangiti na lamang ako ng mapait. This world is really full of secret na parati na lamang nila tinatago habang siya ang nasasaktan

"You like her but you love someone else"

( Miyuri Pov )

Nakaupo ako habang nakatingin sa aking kwintas. Katulad ng dati ay hindi parin ito nagbabago. Umiilaw parin ito at para bang may gustong kumawala

Napabuntong hininga na lamang ako at balak na sana na humiga ng bigla na lamang may portal ang sumulpot sa aking harapan kasabay ng paglabas ng isang babae

Nagulat pa ako ng makita siya, hinihingal ito at pinagpapawisan. Mukha siyang nahihirapan at nagpipigil

"Jay!" bulalas ko. "Ano ang ginagawa mo dito?"

Napangiti ito ng makita ako. "Don't worry, hindi ako nandito para makipag laban sa iyo"

Napansin ko ang iilang pagbabago ng kanyang anyo. May dalawa din itong marka sa kanyang leeg na para bang galing sa bampira

"I'm here to ask you a favor"

Kumunot naman ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. Kailangan ba talaga niya pumunta dito? Paano niya nalaman na nandito ako?

"Ano ba iyon?" muli kong tanong

"Please save him. Ikaw lang kilala ko na kayang kaya na iligtas siya sa akin"

Lalo lamang kumunot ang noo ko ngunit nawala naman iyon dahil sa kanyang sumunod na mga sinabi at ang pagpakita niya ng larawan ng lalaki

"Save him, Miyuri"

Nabitawan ko ang aking kwintas habang nakatingin sa kanya. Mukha na siyang maiiyak habang nakatingin sa akin

"Why? Ano bang nangyayari?"

Napabuntong hininga naman siya habang nanginginig. Patuloy din na lumalandas ang mga pawis sa kanyang noo

"Four days from now mapapatay ko siya. Nawawalan ako ng control sa kapangyarihan ko katulad ng sa tournament lalo na kapag malapit ako sa kaniya"

"Dahil ba kapangyarihan niya ang kamatayan?"

Tumango naman ito habang ako naman ay napakamot na lamang sa aking ulo. Hindi ko naman pwedeng baliwalain siya. Meroon din naman kaming pinagsamahan

The Awakening Of The Unknown [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon