( Tine Pov )
Nandito kami sa pamilihan. Dito kami dinala ni Iries ngunit umalis muna ito dahil may kailangan daw muna siyang tingnan. Hindi namin alam kung saan na ito pumunta pero hinyaan na lamang namin ito
Napagpasyahan namin na pagmasdan na lamang muna ang lugar. Meroong iilang fairies ang lumilipad sa bawat lugar, meroon din na paru paro at iilang bulaklak na kakaiba
Kanya kanya kami ng tingin sa bawat mga store. Napagpasyahan din namin na maghiwahiwalay muna upang makapaglakad lakad
Kaming babae ang magkakasama habang ang mga lalaki naman ang magkakasama
Pumunta kami sa isang park na kung saan mayroong nakadisplay na mga pagkain
"Anong gusto niyo?" tanong sa amin ni Elien
Tiningnan ko naman ang mga pagkain na nakadisplay ngunit parang mas gusto ko lang mag ice cream
"Ice cream na lang sa akin. Gusto ko ng malamig" wika ko at lumipat sa lalaki na nagtitinda ng ice cream
Sumunod sa akin si Nova at parehas kami bumili ng ice cream magkaiba nga lang ang flavor dahil ang pinili niya ay chocolate habang sa akin ay vanilla
Agad naman kaming pumunta sa bench na kung saan nakaupo na si Elien
Hindi nagtagal ay dumating na din si na Agatha na may kanya kanyang dalang pagkain
"Ito na ata ang pinaka normal na araw natin" biglang saad ni Cyrille
"Wala nga lang si Miyuri"
Napabuntong hininga na lamang kaming lahat dahil sa sinabi ni Nova. Ano na kayang kalagayan ni Miyuri?
"Let's visit her" biglang wika naman ni Monique
Nagkatitigan naman kaming lahat bago napangiti at sumang ayon sa sinabi ni Monique
"Puntahan muna natin ang mga boys" wika naman ni Alisia na sinang ayunan din namin
( Anathasia Pov )
Dahan dahan ang ginawa kong hakbang sa hagdan papataas kung saan nakakulong si Hm Tanya
Ang bawat hakbang na ginagawa ko ay nagdudulot ng tunog dahil sa heels kong suot at dahil na din sa katahimikan ng lugar
Seryoso lamang ang aking mukha habang papalapit sa selda ni Hm Tanya
Pagkarating ko sa tuktok agad ko naman nakita ang selda ni Hm Tanya. Humakbang ako doon ng dahan dahan at napangiti na lamang ng masilayan ko si Hm Tanya na nakatayo habang nakatitig sa labas ng bintana
"Are you enjoying your stay, Hm Tanya?" biglaang tanong ko
Bigla itong napalingon sa akin dahilan para makita ko ang galit nitong ekspresyon. Ang kaliwa nitong binti ay meroong kadena at tanging ang bintana lamang ang kanyang nagsisilbing ilaw
"Anathasia" madiin na wika nito sa aking pangalan
Lumawak ang aking ngiti ng makita ang nagaalab na kanyang mata habang nakakuyom ang mga kamao
"Don't be too furious, soon enough they'll be here" nakangiti kong ani
Bigla itong naglakad papalapit sa akin ngunit agad din itong napatigil dahil sa pagpigil ng kadena
"I'm gonna kill you" ani nito
Napahalakhak naman ako sa sinabi nito ngunit aminin ko nasaktan ako sa kanyang sinabi. We're trying to save them yet they want to kill us. Ano kayang gagawin ni Master kapag nalaman niya?

BINABASA MO ANG
The Awakening Of The Unknown [Revising]
Fantasy"Don't be foolish. No matter where you run and hide, i can still find you." _ In a world you are living within, don't ever think you already knew everything because you don't and never will. The world is massive, you will never see every corner of i...