Chapter 22: As The Crystal Break

11.6K 425 30
                                    

( Hana Pov )

Lumabas ako sa aking pinagtataguan at tiningnan ang lake na kung saan tumalon si na Miyuri

Muntik na din kaming mahuli ni Miyuri kanina mabuti na lamang dahil agad akong lumayo

Hindi ko alam kung para saan ito ngunit kailangan kong malaman ang lahat ng bagay na itinatago nila

Sino ba ang babaeng parati nilang kasama na nagngangalang Clara?

Hindi ko gusto ang babae na iyon lalo na't panay ang tingin kay Emperor Kiyan na fiancè ni Empress Miyuri

Kung may gusto siya kay Emperor Kiyan aba't hindi iyon pwede dahil ayaw ko sila para sa isa't isa. Dapat si Empress Miyuri lamang ang para kay Emperor Kiyan

"So? What should we do now?" bigla naman na tanong ng babaeng kasama ko

"Susundan natin sila" determinado na wika ko

"What?! No way?" ani nito

Binigyan ko ito ng masama na tingin dahil sa lakas ng kanyang boses. Sasama sama tapos ang arte arte. Bakit ko nga ba sinama ang isang ito? Dapat iniwan ko na lang siya kasama ni Ynna

"Susundan natin sila, Mich" seryoso ko na wika

Napasimangot na lamang ito at walang nagawa habang ako naman ay tumapat sa lake kung saan tumalon si na Miyuri

Huminga muna ako ng malalim bago hinila si Mich at tumalon sa lake

Sorry Miyuri, but i have to do this.

( Third Person Pov )

Apat na lalaki ang naglalakad sa graveyard forest upang puntahan ang ibinigay na misyon sa kanila ng kanilang reyna

Tahimik lamang ito habang hinahanap ang bagay na nakalagay sa litrato na hawak nila

Ngunit hindi nagtagal napatigil sila ng makita ang umiilaw sa hindi kalayuan. Dali dali silang tumakbo papunta doon at halos mapatalon sila sa kasayahan ng makita ang kanilang hinahanap

Puno ng mga crystal ang mga lupa habang sa pinakagitna nito ay ang isang napakalaking crystal na kung saan meroong babae ang na sa loob

Meroon itong malaking pakpak habang ang buhok naman ng babae ay kulay puti

Lumapit ang mga lalaki ng dahan dahan sa crystal at napalawak ang ngiti. Hinaplos iyon ng dalawang lalaki habang ang dalawa naman ay nanatili na nakatitig sa babae sa loob

"Pwede kaya tayong kumuha dito?" tanong ng lalaki na nakasuot ng kulay green na damit

"Pwede ata, malaki ang makukuha nating pera sa crystal na ito" nakangiting wika naman ng lalaking naka brown na damit

"Sige tara" wika naman ng lalaki na nakaputi

Hindi sila nagdalawang isip na kumuha ng crystal na nasa lupa na. Hinugot nila iyon sa lupa dahil nakabaon iyon ngunit sa kanilang paghugot ay ang dahilan ng biglang pagyanig ng lupa

Biglang bumukas ng mata ng babae at ang malaking crystal naman kung saan nakapaloob ang babae ay nagkaroon ng crack hanggang sa lumaki iyon ng lumaki

Sa malaking crack na iyon ay biglang umilaw dahilan para masilaw ang apat. Kasabay ng pag ilaw ng crystal ay ang biglang pagsabog nito dahilan para mapatilapon ang tatlo na nasa pinakamalapit

Ang tatlong lalaki ay nawalan ng malay habang ang natitirang lalaki ay agad na nakagawa ng barrier

Agad na itinaas ng lalaki ang kanyang paningin dahilan para makita ang babaeng nakalutang sa ere

Nakatingin ito sa kanya habang seryoso lamang ang mukha. Nakakatakot ito lalo na kung pagmamasdan ang mata nitong kulay pula. Ang malalaki nitong pakpak naman ay nakakamangha

Ang puti nitong buhok ay sumabay sa alon ng hangin. Mararamdaman ang malakas nitong aura sa buong kapaligiran

Bigla itong napatingin sa lalaki na ngayon ay puno ng takot na nakatitig sa kanya. Pinagmasdan niya lamang ito habang ang lalaki naman ay kahit man nanghihina ay pinilit na tumakbo

Ang babae naman ay hindi umalis sa kanyang pwesto at nanatili lamang na nakatingin sa lugar kung saan tumakbo ang lalaki

( Someone Pov )

Pinagmasdan ko ang lugar kung saan tumakbo ang lalaki bago dahan dahan na lumapag sa lupa

Pumunta ako sa isang crystal na katamtaman ang malaki bago pinagmasdan ang aking sarili

Walang pinagbago ang aking itsura. Puti parin ang aking buhok at pumupula parin ang aking mata

Ang aking pakpak naman ay malaki parin at ang aking suot ay ang suot ko din sa araw na kung saan nakulong niya ako sa crystal

Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar bago maglakad. Nakapaa lamang ako na naglalakad habang dinig ko ang mga iba't ibang huni ng ibon

Meroon din na mga mababangis na hayop akong nakikita ngunit lahat sila ay tumatakbo agad sa tuwing makikita ako

Ganon lamang ang nangyari sa buong oras kong paglalakad hanggang sa napatigil ako ng may nakita akong barrier sa aking harapan

Tiningnan ko iyon ng mabuti bago nagpalabas ng aking kapangyarihan

Naging pula muli ang aking mata kasabay ng paglabas ng aking pulang kapangyarihan. Hindi ako nagdalawang isip na itapon iyon sa barrier dahilan para sumabog iyon ngunit wala man lamang na epekto sa akin

Agad akong nagpatuloy sa paglalakad at sa aking paglabas sa kagubatan na iyon ay ang dahilan para makita ko muli ang dati kong tahanan

Zanvier.

Napangiti ako ngunit hindi ko mapigilan na makaramdam ng lungkot dahil marami ng nagbago

Ang buong isla din ay napapalibutan ng barrier niya. Napailing na lamang ako bago dumapo ang aking tingin sa Zanvier Mountain

Habang nakatitig sa lugar na iyon isa lamang na pangalan ang na sa aking isipan

Majesty.

( Majesty Pov )

Bigla akong napahawak sa aking puso ng sumakit iyon. Ang aking mata ay bigla din naging violet mabuti na lamang dahil hindi iyon napansin ng aking mga kasama dahil baka magaalala pa sila

Napahawak ako kay Que dahil sa biglang pagilaw din ng aking kwintas. Ramdam ko ang pagkawala ng kaunting aura sa akin mabuti na lamang dahil agad ko iyon napigilan

"Okay ka lang?" napatingin ako bigla kay Que ng bigla ako nitong tanungin

Tiningnan ko din si Frost na katabi niyang nakatitig din sa akin bago napakagat ng labi

Tiningnan ko ang buong Xaurus na pinamumunuan ko bago napatingin sa isla ng Zanvier na napapalibutan ng barrier ko kung saan siya nakatira at kung saan ko din siya kinulong bago nagsalita

"Crastine Angela is back"

The Awakening Of The Unknown [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon