Title:
Hidden Controller• • •
Malinaw pa sa tubig ang alala na pilit ko ng tinatakasan. Ang araw na kung saan nagpabago sa amin at ang araw na kung saan nasira ang lahat
Naniwala kami sa kanila ng lubusan dahil nangako silang ililigtas nila kaming lahat sa paghihirap ngunit sila pa pala mismo ang magiging dahilan ng aming pagkasira
Sinunod namin ang lahat ng kanilang kagustuhan at ibinigay ang aming tiwala. Sa kanila kami umasa na maibabalik nila ang matiwasay na pamumuhay ngunit kabaliktaran ang lahat na ginawa nila
Parang kahapon lamang ang nangyari sa araw na iyon dahil hanggan ngayon hinahabol pa din ako ng alala na iyon na naging dahilan ng aking pagkamuhi sa kanila
Sa araw na iyon namatay ang nag aking magulang at ang pinakaayaw kong regalo
Iyak
Sigaw
Dugo
Patay
Ilan lamang iyan sa aking mga nakikita. Ang mga kalansing ng espada ay dumadagdag sa kaba na nasa aking puso habang pinipigilan na mapahagulhol
Takbo lamang ang ginagawa namin na magpinsan upang maiwasan at makalayos sa lugar na magiging dahilan ng aming pagkamatay
Tumutulo ang aking luha sa aking mga nakikita. Ang mga walang awa na pagpaslang sa aming lahi ay hindi ko kayang tingnan man lamang ngunit kailangan namin makalayo
Nakita ko ang aming ina na linalabanan ang isang lalaki ngunit napako ako sa aking kinatatayuan ng makita ko na meroong babae na nakangisi ng malawak at sinaksak ng patalim ang likod ng aking ina
Hindi ko napigilan ang aking sarili na bumitaw sa aking pinsan at pumunta sa dereksyon ng aking ina
"INA!" tawag ko dito pagkalapit ko
Kahit nahihirapan inabot nito ang aking kamay at binigyan ako ng isang ngiti
"Tumakas ka at huwag ng babalik" wika nito sa akin na inilingan ko
"Ayaw ko Ina, ayaw kitang iwan" saad ko na ikinangiti lamang nito
"Tumakas ka at ipangako mo sa akin na mabubuhay ka hangga't hindi nabibigyan ng hustisya ang mundo na ito"
"Ina"
Sa huling pagkakataon kahit nanghihina hinawakan nito ang aking kamay na puno na ng dugo
"Leave! And avenge our clan. Give us justice"
Sa tuwing naala ko ang mga bagay na iyan napapakuyom na lamang ang aking kamay at pilit na kinalilimutan ang lahat
Tinitigan ko ang buong syudad na kung saan kami nabubuhay. Ang mapayapa nitong kinabuhayan ay ang kabaliktaran naman ng ugali ng aming pinuno
Ang mga nakangiting mukha ng mga mamayanan ay ang kinalungkot naman sa kanilang kalob looban, ang mga bata na naglalaro sa kalye ay naghihirap upang makakain lamang
Ang mga matatanda na nakaupo at nakikipagusap sa kagaya nila ay linalaban ang kanilang buhay upang manatili pa dito ng matagal. Ang mga kagaya ko na kabataan ay naghihirap na makapag aral at makatrabaho mabuhay lamang sa mundo na ito
Payapa kung titingnan ngunit kapag tinitigan makikita mo ang tunay na paghihirap at nararamdaman ng bawat isa
Walang nakakaalam ng salitang kalayaan o tunay na kasiyahan. Nakakalungkot isipin na ang dating mundo na puno ng mga nagagandahang bagay ay kaawa awa na ngayon
Tinitigan ko ang aking kwintas na ibinigay sa aking ina bago ibinalikang tingin sa syudad
Ngunit ipinapangako ko na magdudusa silang lahat katulad ng pagdudusa ko at sisiguraduhin ko na magbabayad sila ng triple pang beses sa ginawa nila sa amin....sa akin
Ako si Jay Villaros Cy isang simpleng mamayanan sa Cratidier at ito ang aking kwento...
![](https://img.wattpad.com/cover/198897853-288-k360123.jpg)
BINABASA MO ANG
The Awakening Of The Unknown [Revising]
Fantasy"Don't be foolish. No matter where you run and hide, i can still find you." _ In a world you are living within, don't ever think you already knew everything because you don't and never will. The world is massive, you will never see every corner of i...