Kheny's P.O.V
Andito parin ako sa bahay ni Kaye, binabantayan siya it's already 3:00Am pero di parin ako makatulog, di nalang ako papasok bukas, babantayan ko nalang si Kaye hanggang gumaling. "Unnie I want to eat jjajangmyeon" Kaye. Omygad! San ako hahanap ng jjajjangmyeon? Eh 3Am palang tsaka walang nagtitinda ng jjajangmyeon dito dahil di naman to korea, waaah eottok'e? Magluluto nalang ako may ingredients naman sila eh. "Okay! Wait lang Kaye ah magluluto lang ako." At bumaba na ako para magluto ng jjajangmyeon, nagtataka kayo kung bat ako marunong magluto pero di naman HRM kinuha ko nuh? Actually I like HRM too, gustong gusto ko mag HRM pero ayaw ni mommy gusto nya kase Business AD. Hayy. Drama ko makaluto na nga lang kumuha na ako ng ingredients, ^fresh chinese style noodles? Check √, 1 large onion check √, 1 zucchini check √, 2 large potatoes check √, 1 large button mushroom check √, 1/4 small cabbage check √, 600g diced pork check √, 1 tbsp refined rice wine check √, 5 sprinkles ground salt check √, 5 sprinkles ground black pepper check √, 1/4 tsp Ginger powder check √^ Finish okay, magluluto na ako!
*****
Pagkatapos ko magluto umakyat na ako at pinakain ko na si Kaye, haaaay antok na akooo!
"Bes, pagod kana ah alam kung di ka natulog, tulog ka muna okay na naman ako eh"kaye "sure ka? Sege tulog muna ako saglit ah, gisingin mo lang ako pag may kailangan ka" at tumabi na ako sa kanya at agad naman akong nakatulog.
Kaye's P.O.V
Nahihilo ako :'( ang sakit ng ulo kooo ano na gagawin ko? Tulog si kheny di ko siya pwedeng gisingin dahil napuyat siya dahil sakin. Waaaah kaya mo yan Kaye fighting! Dahan dahan akong tumayo papuntang banyo dahil naiihi talaga ako, huhu ang bigat ng pakiramdam koo. Ng nakatayo ako di ko na napigilan sarili ko hilong hilo talaga ako nung nakapunta na ako sa banyo di ko na alam yung nangyari bigla nalang akong napatumba, then everything went black!
Kheny's P.O.V
Nagising ako ng wala si kaye sa tabi ko ano naman yan kaye sabing gisingin moko pag may kailangan ka eh tigas talaga ng ulo ng babaeng to nasan kaya yun, huhu bat ako kinakabahan? "Kaye where are you?! Please answer me!" Sigaw lang ako ng sigaw, bumaba na ako para hanapin si kaye pumunta na akong kusina pero wala, wala rin siya sa sala, wala sa movie room, huhu kaye asan kaba, baka nasa banyo ng kwarto nya, ughhh ang tanga mo talaga kheny! Dali dali akong umakyat papuntang kwarto nya, masama talaga kutob ko eh. Pagkasok ko sa kwarto nya pumunta agad ako ng cr at nakita ko si kaye walang malay! "OMYGAD! Kaye please wake up! Kaye!" Huhu umiiyak na ako di ko alam gagawin ko, nataranta akong kunin phone ko para tawagan si keenly, pero naisip ko sh*t wala akong number ni keenly! Cellphone nalang ni kaye gagamitin ko, pagkakuha ko n cellphone nya agad kung dinial si keenly.
"Hello? Kaye bat ka ab.." di ko na siya pinatapos mag salita nanginginig na talaga ako sa takot huhu.
"Keenly, si kheny to pumunta ka sa bahay ni kaye ngayon please emergency, dalhin natin sa ospital si kaye!" Sabi ko habang umiiyak.
"ANO?! O sege papunta na ako!"
Huhu kaye please wake up kayee!
Dumating na si keenly, agad naming sinakay sa kotse si kaye, pagdating namin sa hospital binuhat siya ni keenly.
"Nurse, tulungan niyo kami!" Ako.
"Wait lang po ma'am tatawagan ko lang po yung doctor para ma inform ang pasyente"
"Tangina! Pwede asikasuhin niyo nalang siya? tatlo kayo dyan tas tatawag pa talaga kayo ng doctor?! Gago pala kayo eh!" Sorry ganito lang kase ako pag bestfriend ko na nakasalalay dito. "Kheny calm down" sabi ni keenly.
"Sorry po maam" at dinala na nila si kaye sa ewan di ko alam kung san yun at pinasok na siya dun, ako andito parin sa labas iyak ng iyak. "Kheny tahan na, gagaling din si kaye pakatatag ka lang, tawagan mo kaya mama niya" keenly. Oo nga pala di ko pa natawagan si tita.
BINABASA MO ANG
Till the last beat of my heart
FanfictionHi guys :*** first story ko po to sana magustohan niyo please vote and comment kamsahamnida :**