Chapter One
Krane Point Of View
Napamulat agad ako at napabangon mula sa aking Pagkakahiga, Hinihingal akong napatingin sa paligid.
Napapikit ako ng Mariin at napahilot sa sintido ko. Dammit . Nightmare again. Bumuntong hininga na lamang ako at umalis na sa kama. Tumingin muna ako sa may tabi nang aking kama kung saan nandoon ang Study table ko at kung saan nakalagay sa ibabaw noon ang Cellphone ko. Lumapit ako roon at kinuha ang Cellphone ko para tignan kong anong oras.
6:52 am
Ibinaba ko na ulit ang Cellphone na hawak ko at tahimik na lumabas mula sa aking kwarto at paglabas ko ay bumungad sa akin ang ilang boarders na nagkakagulo at kanya kanya ng ginagawa.
"Gising kana pala Krane, Kumain kana, Male-late kana sa trabaho mo." Sabi sa akin nang aming land lady. Oo nga pala, nangungupahan lang ako.
"Hindi pa naman po ako male-late mamaya pang 8 ako papasok." I said at inunat unat ko ang mga kamay ko.
"Teka bakit nga po pala nagkakagulo ang mga yan?" Tanong ko sa landlady namin at itinuro ang mga boarders na nagkakagulo pa rin hang gang ngayon."Ah! Yan ba? Nag shot kagabi, ayan na lasing tapos nalate nang gising, aligaga sila dahil male-late na sila sa kani-kanilang trabaho."Natatawang sabi nya kaya napangisi ako. Buti nalang hindi ako napasama sa kanila kagabi.
"Sige tita, kakain lang po ako." Paalam ko sa kanya kaya tumango sya. Pumunta na ako sa may kusina kung saan nandoon ang ilang boarders na pa chill chill lang pero magulo kumain.
"Palagi na lang kayong magulo." Sabi ko sa kanila, kaya napatuon ang tingin nila sa akin.
"Oh? Gising kana pala, Hahaha. Daig mo pa ang mga lasenggerong boarders diyan sa sala ah, ikaw yung hindi lasing, pero laging late nang gising."Sabi ni Daniel. Isa sa mga boarders. Tumawa pa ito kaya Tumawa na rin ang iba pang boarders.
"Well, Araw araw namang ganun." Sabi ko at umupo na rin para kumain.
"Mamaya pa ba ang pasok mo?" Tanong sa akin nang isa pang boarders. Si Lance.
"Yes, 8 am, Bakit?" Balik Tanong ko sa kanya at sumubo ulit nang kanin.
"Yayayain ka sana namin Pumunta kina Dean." Sabi nya.
"Pass muna ako, sa isang linggo na lang ako sasama." I said at tumayo na dahil tapos na ako kumain.
Nagpaalam muna ako sa kanila at dumiretso na ako sa akin kwarto para kumuha nang tuwalya. Liligo na ako.
------------------
"Krane, Pinapatawag ka ni boss." Napatigil ako sa pagtipa sa may laptop ko at tumingin sa may gilid ko,kung saan nandoon si Lazarus, ka office mate ko.
"Bakit daw?" Tanong ko sa kanya at inayos na ang laptop ko at ang iba ko pang gamit.
"Ewan ko dun. Bigla kana lang pinatawag sa akin eh!"Sabi nya kaya tumango ako.
"Sige, alis muna ako" Paalam ko sa kanya kaya tumango sya. Tumayo na ako at lumabas na sa office namin. Baka naman aalisin na ako ni boss sa trabaho? Darn it!
Tahimik lamang akong naglalakad sa mahabang pasilyo patungo sa office ni boss. Nag-iisip ako ng malalim nang may nakabanggan ako,at ang taong nakabungguan ko ay natumba. Damn cliche.
"Miss, are you okay?" Agad kong Tanong sa babaeng nakabungguan ko. Napatingin ako sa mukha nya at ilang minuto akong natulala. She's like a goddess. Deym. Ilang saglit lamang ay nabalik na ulit ako sa ulirat at Napatingin sa mata nang babae. Her eyes are color blue, parang hinihipnotismo ako ng mga asul nyang mata.
"Pwede mo ba akong tulungang tumayo?" Tanong nya sa akin kaya agad kong kinutusan ang sarili ko at tinulungang makatayo ang babae.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ah yeah! Sorry, hindi ko kase makita ang dinadaanan ko eh."Mahinang sabi nya kaya napakunot ang noo ko. Hindi daw nya makita? Teka? Is she blind?
"Ah--"
"Yes, I'm blind" Mabilis nyang Sabi na ikinatigil ko. Alam na agad nya ang itatanong ko.
"Saan ka ba pupunta? Gusto mo bang samahan kita?" Tanong ko sa kanya. Syempre baka ma aksidente sya, Edi kargo de konsensya ko pa.
"Pupunta kase ako sa office ni Mr. Morgan, Alam mo ba kung saan?" Tanong nya sa akin kaya napakamot ako sa may batok ko.
"Your going in a wrong way miss?" Sabi ko sa kanya at iniharap ko sya patungo sa direksyon ng office ni Boss.
"Ah, I thought Mali ang direksyon ko kanina, kaya bumalik ako. By the way, you can call me Kei." Nahihiyang sabi nya at tumawa nang mahina.
"I'm Krane Slyvestre, Anyways ano bang gagawin mo sa office ni boss?" Tanong ko sa kanya at inalalayan na sya patungo sa office ni Boss.
"Magpapaalam lang sana ako sa kanya." Sabi nya kaya napamulagat ako. Anak kaya 'to ni boss? Well, obviously speaking.
"Ah! Nandito na pala tayo." Magtatanong pa sana ako. Hinawakan ko sya sa kanyang palapulsuhan at kumatok ng talong beses.
"Come in."
Nang marinig ko yun ay pumasok na ako kasama si Kei. Nang saktong pagsara ko ng pinto ay sya namang Biglang magsalita si Val.
"Dad." Anak nga sya ni boss.
Napatingin naman ako kay Boss na Bigla na lamang napatayo sa kanyang pagkakaupo at gulat na tumingin kay Kei. "K-kei, What are you doing here?" Gulat na Tanong nya.
"Dad, don't be exaggerate. I'm here just hear your approval, pupunta akong France eh." Sabi ni Kei na nakangiti. Si boss naman ay parang lantang gulay na umupo pabalik sa kanyang swivel chair.
"Anak,Umuwi kana lang muna. Papapuntahin ko dito si Yaya Adele para sunduin ka dito" Sabi ni Boss.
"Pero Dad, pupunta pa ako sa france. I want to visit Landon." Pagkukulit nito sa daddy nya, habang si boss ay tahimik lamang kaya tumikhim na ako para naman mapansin nya na Nandito ako.
"Oh?! Krane, na d'yan ka pala" Sabi nya at ngumiti sa akin. "Have a seat!" dugong nyang sabi at iginaya ako Paupo sa may harap nya.
"Dad naman eh!" Parehas kaming Napatingin ni Boss kay Kei nang magmaktol ito.
"Shut your mouth, Kei. Mamaya na tayo mag usap, Umupo kana muna dyan sa sofa, diyan sa may gilid mo." Sabi ni boss at binalingan ulit ako ng tingin.
"Sorry about my daughter." Paghingi nya sa akin nang maumanhin kaya ngumiti lamang ako at tumango.
"Bakit nyo nga pala ako pinatawag?" Tanong ko sa kanya.
"Tungkol d'yan, May iooffer lang sana akong trabaho" Sabi nya sa akin kaya Napatigil ako. Trabaho? Tatanggalin nya na ba ako?
"Tatanggalin nyo na po ba ako Boss?" kinakabahang Tanong ko sa kanya.
"No."
"Ano po bang trabaho ang iooffer nyo sa akin?" Tanong ko kay boss.
"Yun ba? Babantayan mo lang ang anak ko 24/7, Don't worry One month lang naman kase ooperahan na sya sa susunod na buwan, at wag kana mag alala sa sweldo mo, One month, 100 thousand pesos." Sabi nya na ikinalunok ko. 100 thousands? Damn. Sweldo ko na yan ng 3 months eh.
"Dad, ayaw ko nang bantay!" Singit nang isang tinig. At si Kei iyon.
"Pero, Boss Hindi ko sya mababantayn nang 24/7"Sabi ko sa kanya.
"Ah yun lang ba? Don't worry sa bahay ka naman muna tutuloy eh" Sabi ni boss kaya Napangiwi ako. Seriously?
"Sige Sir, I'm In" Kabadong sabi ko at lumunok pa."Pero Boss, Bakit nga po pala sya nabulag?" Tanong ko na ikinatahimik nang paligid.
![](https://img.wattpad.com/cover/207286378-288-k705072.jpg)
YOU ARE READING
Sweetest Lie (COMPLETED )
Short StoryKrane Slyvestre is an average agent in Agents Association. Kaya nyang gawin ang lahat, at kaya nyang mapasunod ang mga naka bababa ayon sa kanyang kagustuhan Until one day isang napakalaking pagkakamali ang nagawa niya sa misyon nila na nagdulot sa...