Chapter Two
"Pero boss, bakit nga po pala sya nabulag?" Tanong ko na ikinatahimik nang paligid. Shit! Did i question it wrong?
"Curious, eh?" Napatingin ako kay Kei ng Basagin nya ang katahimikan na lumulukob sa amin.
"I'm Just cur----" she cut me off. "It's none of your business." She coldly said at may biglang kumatok sa may pintuan. Kahit hindi pa nagsasalita si Boss ay bumukas na ito at pumasok ang isang matandang babae.
"Sir, Nandito na po ako para sunduin si Keizara." Bungad nito kaya tumango na lamang si boss. Pumunta ang matandang babae kay Kei at inalalayan itong tumayo.
"Don't be so curious, Krane." Huling sabi ni Kei at lumabas na sila sa office.
"Pasensya kana sa Anak ko." Sabi ni Boss at umiling iling pa.
"Okay lang, pero pwedeng matanong kung bakit sya nabulag?" Kiming Tanong ko kay boss.
"Ah! That? Don't mind it. Just work for her." Aniya na nakapagpatango sa akin. Damn. Me and my mouth.
---------------
"Aalis kana ba Talaga Krane?"Malungkot na tanong sa akin ng aming landlady, habang nakatingin sa Malaking bag na hawak ko.
"Hindi naman po, One month lang ako dun mamamalagi sa bahay ni boss, then babalik din ako. Wag nyo munang paupahan ang kwarto ko ah?" Nakangiti kong sabi sa aming landlady.
"Sige ba! Teka bakit ka nga ba duon mamamalagi?" Tanong nya sa akin kaya napa-sigh ako.
"Kailangan ko po kasing bantayan yung anak nya." Sabi ko. "Sige Tita Aalis na po ako." I bid a goodbye at her at tumalikod na para Pumunta sa sakayan nang jeep.
Tahimik akong naglalakad at minsan ay napabuntong hininga. Tama ba ang desisyon ko? Darn. It's giving me a hard time. Pero Napatigil rin ako sa paglalakad ng may biglang tumigil na isang magarang sasakyan sa harapan ko. Isang Red Ferrari.
Napatanga ako nang ilang minuto,at ilang saglit lamang ay may isang lalaking bumaba. Mukha syang isang butler.
"Sir Krane, Pinapasundo po kayo ni Sir Anthony para madali kayong makarating sa Morgan's Palace." Magalang na sabi nito sa akin at yumuko pa. "Don't bow, hindi ako sanay." Kiming sabi ko at sumakay na lamang sa Mamahaling sasakyan. Ilang segundo lamang ay sumunod na rin ang Butler at nagmaneho na.
"Hey! " Tawag pansin ko sa butler kaya tumingin ito saglit sa akin at tumingin ulit sa daanan. "Ano po iyon Sir?" Tanong nito sa akin.
"Bakit ba nabulag si Kei?" Well? Hindi ko kayang manahimik na lang. Isa akong chismoso eh.
"Bawal po ako magsabi ng magsabi ng mga personal na bagay." Ani ng butler na ikinakamot ko sa pisngi. Damn! Asa pa naman ako na sasagutin nya ang tanong ko. Nanahimik na lamang ako at tumingin sa gilid ko. Heavy tinted pala ang Windshield nito.
Hindi ko na namalayan ang oras at saka ko lang napansin na malapit na kami sa Mansyon nina boss. Medyo malayo palang kami ay kita na agad ang kalakihan nang mansion nila. Para na iyong palasyo eh.
Nang malapit na kami at tumigil ang sasakyan sa harapan nang Gate at ilang segundo lamang ay automatic na nag bukas ang Gate. My mouth form into 'O' when we finally reach the front of mansion. Damn this is amazing. Nasa labas pa lamang ay sobrang ganda na. May malawak fishpond sa may gilid at May malaking statue na nakatayo sa gitna nito. Isang babaeng may hawak nabulaklak.
Namangha pa ako sa iba kong nakita at bigla na lamang nagsalit ang butler. "Sir, sunod na lang po kayo sa akin." Magalang na sabi nang butler kaya sumunod na lamang ako. At sa pag bukas nang front door ay sya naman ikinanganga ko. Damn this is heaven. Bumungad sa akin ang malawak na sala. May magara akong nakita ng sofa at isang napakalaking flat screen TV, At makikita rin ang iba pang mga mamahaling gamit na naka display sa paligid,ang sahig nila ay nakikinganang mga marmol. Damn. At makikita mo sa taas ang naglalakihang chandelier.
"Mansyon lang ba talaga 'to?" Nakangiwing Tanong ko sa butler. Damn. Mukhang hindi 'to Mansyon eh.
" It's a Palace sir." Magalang na tugon na nang butler, kaya lalo akong napanganga. Oo nga pala sabi nya kanina palasyo 'to.
"Oh! Nandito kana pala Krane." Napatigil ako sa pagtingin sa paligid nang mabosesan ko si Boss.
"Ah opo! Kararating ko lang." Nakangiting sabi ko at tumindig ng pormal.
"Ganun ba! Ipapahatid na lang muna kita sa magiging kwarto mo tapos mamaya nalang tayo mag usap tungkol sa pagbabantay mo kay Kei." Nakangiting sabi ni Boss, at inutusan ang butler na dalhin ako sa magiging kwarto ko.
"This way Sir." Iginaya ako ng butler patungo sa taas at syempre hindi pa rin mawawala ang pagkamangha ko dahil sa mga nadadaanan namin. Puno nang mga makikinang na bagay at mga mamahaling dekorasyon. May nadaanan din kaming napakamalaking painting kung saan nandon si Boss na Nakangiti at May katabi syang magandang babae, at sa harap naman nila ay ang dalawang bata. Isang babae at isang lalaki. Sigiro si Kei yung batang babae, kahawig nya eh. Sino kaya yung batang lalaki?
"Sir, Nandito na po tayo." Napatigil ako sa pagiisip nang Big lang magsalita ang butler. "Ha?" Maang na Tanong ko. "Nandito na po tayo." Ulit nito kaya tumingin ako sa may pinto. Kulay pilak.
"Sigurado ka na dito ang kwarto ko?" nagsisiguradong Tanong ko sa butler. "Yes, Sir Pasok na po kayo." Nakangiting sabi nito at pinagbuksan ako nang pinto.
Tahimik lamang akong pumasok at nang masarado ko na ang pinto ay humarap na ako.
Namangha ulit ako nang makita ko ang napakalawak na kwarto. Ang aliwalas dito. Kulay blue ang dingding at may king sized bed sa may gitna. May malaking flat screen TV rin at may mini ref, meron ding sofa at may napakalaking CR. Wow? As in wow. Dito Talaga ako matutulog? Para na akong hari pag dito Talaga.
Dahan Dahan na akong lumapit sa kama at inilagay ang bag ko sa may sahig. Nakakahiya naman baka madumihan ko yung kama pag nilagay ko yung mumurahin Kong bag sa ibabaw. Kahit nahihiya ay umupo ako sa kama at pinagmasdang maigi ang paligid. Ngayon ko lang napansin bakit may mga nakasabit na picture frame sa dingding? Lumapit ako doon at tinignan maigi ang larawan.
"Isang babae at lalaki?" Nasabi ko nalang nang makita ko na naman ang picture nang dalawang bata.
"May tao ba d'yan?" Agad kong nabitawan ang frame at tumingin sa may bandang likuran ko. Bukas ang pinto at nandon si Kei
"K-kei? Anong ginagawa mo dito?"
YOU ARE READING
Sweetest Lie (COMPLETED )
Short StoryKrane Slyvestre is an average agent in Agents Association. Kaya nyang gawin ang lahat, at kaya nyang mapasunod ang mga naka bababa ayon sa kanyang kagustuhan Until one day isang napakalaking pagkakamali ang nagawa niya sa misyon nila na nagdulot sa...