Chapter Eight
I crashed my lips in her lips, kaya naman para syang nanigas sa kanya kinauupaan, at ganun din ang naramdaman ko. Mabilis akong humiwalay sa kanya ng marealize ko kung ano nga ba ang ginawa ko.
"I-i'm So-sorry Kei." Nahihiya kong sabi pero sya ay tulala pa rin. "Kei?" Tawag ko sa kanya kaya ngayon lang ata sya natauhan. "No, It's okay" Nakayukong sabi nya at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagpula nang pisngi nya.
"Are you blushing?" Nakangising asar ko sa kanya kaya naman mabilis nyang tinakluban ang mukha nya. "No way, Why whould i?" Sabi nya sa akin kaya lalo ko syang tinukso.
"Sana ganito na lang tayo palagi." Biglang sabi nya na ikinatigil ko sa pagtukso sa kanya. "Ha?"
"I said sana ganito na lang tayo araw araw, walang pinoproblema." Nakangiting sabi nya kaya naoabuntong hininga ako at umayos na nang upo.
"Hindi naman araw araw lagi tayong ganito, may darating ding problema sa atin." Sabi ko at naramdaman ko na lang na ipinatong nya ang ulo nya sa balikat ko.
"Kaya nga 'sana' eh." Natatawang sabi nya kaya umismid ako. "Pag ba nanligaw ako sayo may pag asa?" Hindi ko alam pero yan na lang ang biglang lumabas sa bibig ko. "H-ha?" Maang nyang sabi kaya napabuntong hininga ako. "Sabi na eh, mahal mo lang ako pero hindi ka ma--" napatigil ako nang bigla syang sumingit. "Yes, payag na payag ako. Baka nga sagutin kaagad kita eh." Nakangiting sabi nya kaya napatingin ako sa mukha nya. Damn she have a natural beauty. Napapikit ako nang mariin. "Pag ba inaya kitang maging girlfr---" She cut me off again. "Yes, yes, yes." Excited na sabi nya kaya natawa ako. "Your so cute." Nanggigigil na saad ko at pinisil ang pisngi nya. Pero napatigil ako sa pagpisil sa pisngi nya nang may bigla akong maalala.
"How can we say this to your father? Baka hindi nya ako tanggap." Mapait na sabi ko at binaba na ang kamay ko. Isa lang naman akong mahirap na lalaki. Siguradong hindi nya ako magugustuhan para sa anak nya.
"Don't mind dad, baka nga alam na nya ngayon na sinagot na agad kita." She said kaya kumunot ang noo ko. "Paano nya malalaman? Wala tayo sa palasyo at hindi pa natin ipinaaalam." Naka kunot nuong sabi ko. "No, Alam na nya, siguradong sinabi na nang magaling nyang spy." nakaismid na sabi nya. "Spy?" takang tanong ko sa kanya. "Yes, may spy si dad na nagbabantay sa atin, kanina pa at simula pa lamang." Walang ganang sabi nito at sumandal na ulit sa balikat ko. Bakit hinire nya pa ako kung may spy naman pala?
"Baka patayin ako nang daddy mo." I said at hinawakan nang mahigpit ang kamay nya. "Tense ka ah? Hindi ka naman nun kakainin nang buhay kaya mag relax ka lang." Natatawang sabi nya at niyakap ako kahit hindi nya ako mayakap nang ayos dahil naka sideview ako.
"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ko sa kanya kaya tumango sya. Inalalayan ko na syang tumayo at pinagpagan ang suot nya.
"Gusto mo bang kumain muna tayo?" Tanong ko sa kanya habang inaalalayan syang makapunta sa kotse.
"Wag na, busog pa ako eh. Kakakain ko lang kanina." Sabi nya at humawak pa sa tiyan nya kaya napatawa ako.
"Tara na nga."
---------------
"Bakit ang tahimik ata dito sa mansyon?" Napalinga linga ako at wala pa rin talagang tao. Sobrang tahimik. "Baka naman may ginagawa sila sa taas?" Sabi ni Kei at lumakad na kaya inalalayan ko sya.
"Well, nandito na pala kayo." Napatigil kami sa paglalakad ni Kei nang may biglang magsalita sa may bandang taas kaya napatingin kami doon. Si boss. Bumaba ito na para bang sya ang nakakataas at sa bawat hakbang nito ay para syang isang hari nang palasyon ito.
"Krane, Magusap tayo." Malamig na sabi ni boss kaya Tumango na lang ako.
"Dapat kasama ako." Sabi ni Kei kaya napangiti ako, ang bait ah.
"Manahimik ka Keizara, usapan 'to nang lalaki sa lalaki." Malamig na sabi ni boss at tinawag si lola adele para dalhin na si Kei or should i say Keizara? Sa taas.
"Krame, sasama ako." Makulit na sabi nya sa akin kaya napabuntong hininga ako. "Wag na, Susunod ako sayo mamaya, okay?" Sabi ko sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kamay nya. Hinalikan ko rin sya sa nuo niya para naman mapanatag na sya.
"Sumunod ka sa akin." Matigas na sabi ni boss at tumalikod na. Nang mawala na sa paningin ko si Keizara ay sumunod na ako kay Boss para maka pag usap na kami. Tumigil sya sa paglalakad at humarap sa may kulay Gintong pinto. Pumasok sya room kaya sumunod na ako." Lock the door Krane." Sabi nya kaya nang makapasok na ako ay sinarado ko na ang pinto. At sa pagsarado ko nang pinto ay walang makakaalam kung anong ang pag uusapan namin ni Boss.
—— —— ——
YOU ARE READING
Sweetest Lie (COMPLETED )
ContoKrane Slyvestre is an average agent in Agents Association. Kaya nyang gawin ang lahat, at kaya nyang mapasunod ang mga naka bababa ayon sa kanyang kagustuhan Until one day isang napakalaking pagkakamali ang nagawa niya sa misyon nila na nagdulot sa...