Prologue

34 4 1
                                    

"Agent Black, Reporting Sir!"Malakas kong sigaw at sumaludo sa kaharap kong lalaki. Master Linux. Our boss in Agent Association.

"Masyado ka namang pormal Krane."Natatawang sabi nya sa akin." By the way, Bakit ka nga pala nandito?"Tanong nya sa akin at umupo na sya sa kanyang swivel chair. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"Ikaw ang nagpatawag sa akin tapos hindi mo alam?" Sarcastic na tanong ko sa kanya at umupo na sa upuan na nasa harapan lamang nya.

"Oh! I forgot! Sorry 'bout that, Makakalimutin na talaga ako" He said at napatawa sa sarili nya. Hindi ko alam na makakalimutin na pala sya. I shrugged about that thought at binalingan na lamang sya ng tingin.

"Sabihin mo na lang kung bakit mo ako pinatawag." Walang emosyong sabi ko at tumingin sa paligid. Wala pa ring pinagbago ang office nya, Makalat pa rin.

"I have your new mission." Sabi nya na nakapag patigil sa akin sa pagtingin sa paligid.

"Nagbigay na agad ang higher council? May ginagawa pa akong misyon." I said at pumikit. They're cause of my headache. Goddammit!

"Don't lie to me Krane Slyvestre! I know you since you've enter to this Association, Alam kong hindi ikaw ang nagawa nang misyon na binigay sayo nang higher council nung isang linggo"Mariin nyang sabi pero nakangiti pa rin sya. Darn! He knows me well.

"Okay! Pero pag natapos na ako sa misyon na 'to, Sabihin mo sa mga gurang na higher council na yan, na bigyan nila ako nang leave kahit dalawang buwan" I said at humikab pa.

"Okay! Okay! Pero mahirap ang misyon na ito, Krane." Kalamado ang bosses nya na may halong pag wa-warning.

"Ano ba kasi yun?" Inip na Tanong ko sa kanya.

"You know, James in Flamborough Org?" Tanong nya sa akin kaya napabuntong hininga ako.

"Of course! Wait? Kasama ba sya sa misyon na  'to?"Balik Tanong ko sa kanya.

"Unfortunately, Yes! Actually sya mismo ang misyon mo."Sabi nya na nakapag patigil sa akin

"Wow! After how many years, Magkikita ulit kami?" Tumawa ako nang mahina at ngumiwi.

"May katransaksyon sya ngayon sa Bradford Bridge, And as usual ganun ulit" He said kaya napangisi ako.

"It's going to be fun! I'm so damn excited!"Ngumisi pa ako kaya big lang napaatras si Linux.

"Kinikilabutan ako sa ngisi mo" Kinikilabutang sabi nya at napayakap pa sa sarili nya.

"Bye for now, Master Linux!" I bid a goodbye Wave at him at handa na sanang lumabas nang pigilan nya ako.

"Kasama mo nga pala sina Sage at ang grupo nya, Backup lang" Sigaw nya pa kaya tumango na lamang ako at lumabas na. Maghahanda na ako.

---------------------------

"Okay na kayo?" Tanong ko kana sage kaya nag thumbs-up sila sa akin. Tumango na lamang ako at muling sumilip sa Binocular na hawak ko. Nandito kami ngayon sa mga puno at nag mamanman. Wala pa ang dalawang mag katransaksyon dahil hindi pa naman ang oras, pumunta lamang kami rito ng mas maaga para hindi kami mahuli.

"This is Agent Black! Sage ready your Sniper and the others be ready too" I said at inayos ang pagkakalagay ng earpiece sa may tainga ko.

"Copy, Sir"

Muli akong tumingin sa binocular para magmasid. I think malapit na sila, Dahil May naaaninag akong mga paparating na sasakyan.

Sinenyasan ko si Sage na nasa may kabilang puno lamang.

Ready your gun, they're here.

Nang maintindihan nya ang sinenyas ko ay tumango na sya at ipinarating sa mga kagrupo nya ang sinabi ko.

Tahimik ang paligid ng dumating na ang mga magagarang Sasakyan, At isa na doon ang sasakyan ni James. At sumunod naman ay may dumating na namang marami ng magagarang sasakyan na akala mo ay may dadaluhang kung anong kasiyahan.

They're here too huh? Ngumisi ako at hinigpitan ang hawak ko sa baril.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa isang sanga bago tumalon sa katabing puno nitong pinagkakatayuan ko. Pagkaapak ko pa lamang sa bagong puno na nilipatan ko ay sumilip muli ako sa mga dumating. Nag uusap na sila.

I smirk again, at humawak na ako sa earpiece na nasa tainga ko.

"Sage, if I said go, mag paputok kana agad sa direksyon nila. Got it?" Sabi ko sa kanya sa pamamagitan nang earpiece na nasa tainga ko. "Sabihan mo rin ang iba pa." Dugtong ko pa.

"Copy." He said kaya umayos na ako nang pwesto. Sumilip ulit ako sa ka nila at nakita kong nagkakamayan na sila kaya, Tumalon na ako pa punta sa kabilang puno at nagpaputok sa direksyon nila.

"GO!"Sigaw ko pagkalanding ko sa may kabilang puno at saktong pagkalanding ko rin ay ang pagrinig ko sa putukan nang baril. Darn.

Kumilos na ako at parang hanging na nagpalipat lipat nang puno, at sa bawat paglipat ko ay namamaril rin ako nang mga kasama ni James.

Nang magsawa na ako kalilipat ay bumaba na ako pa punta sa direksyon nang mga taga Flamborough at isa pang organisasyon. Nagbabarilan na rin sila.

"So, this is your dirty plan, Slyvestre?" Napatigil ako sa pagbaril nang may magsalita sa likod ko, at sigurado akong si James iyon.

Humarap ako sa nagsalita at itinutok ang baril na hawak ko.

"Long time no see, James Henderson" Bati ko sa kanya at nginisian sya.

"Same to you, Krane Slyvestre! Or should I say Agent Black?" Kalmado nyang sabi sa akin kaya inis kong itinutok sa bandang ulo niya ang dulo ng baril.

"Do you know, why I hate you Henderson?" Kalmado kong tanong sa kanya. Damn! My temper is so short when it comes to him.

"Oh?! Kailangan ko pa bang alamin?" Nakangising Tanong nya sa akin at kinuha nya rin sa bewang nya ang baril nya.

"Oo! Dahil isa ka sa mga hindi ka nais-nais na taong kilala ko." Madiin kong sabi sa kanya.

"Matutuwa na ba ako?" Sarcastic na Tanong nya sa akin, kaya dahil sa Inis ko sa kayabangan nya ay mabilis akong nagpaputok na naiwasan naman nya.

Kinasa ko ulit ang baril na hawak ko at tumakbo pa punta sa kanya. He damn provoke me for pete's sake. Nang makalapit na ako sa kanya ay mabigat ko syang sinuntok kaya natumba sya.

"I didn't know, na lumakas kana pala, Slyvestre." Mayabang ang pagkakasabi nya kaya sinuntok ko ulit sya na nakapagpahiga sa kanya. Darn. Hindi man lang nalaban.

"Matagal na akong malakas, Henderson, wag mo'kong maliitin." Gigil na sabi ko sa kanya at kwenilyuhan sya. Dang it. Ngayon lang ako nawalan nang kontrol sa sarili ko habang nasa misyon.

Sinuntok ko sya nang paulit ulit pero hindi Talaga sya nalaban, kaya dahil sa Inis ko kinuha ko na ang baril ko at itinutok sa may sintido nya.

"Nang-iinis ka ba ha?! T*ngina lang Talaga." Inis na sabi ko at mas idiniin ang dulo nang baril sa sintido nya.

"Your such an idiot Krane. " Nakangising sabi nya na nakapag patigil sa akin.

At sa isang kisap mata lamang ay nakarinig ako nang tunog ng baril at kasabay nun ang pagduwal ko ng dugo.

Humarap ako kay James at nakita ko syang nakangisi nang malaki.

"Katulad ka pa rin ng dati. Short tempered."Nakangisi nyang sabi sa akin at  umi-iling na tumayo. Iniwan akong nakaluhod at sumusuka nang dugo. I looked at my chest, puro dugo. Darn. Sa dibdib ako tinamaan.

Hindi ko akalain na isang tulad lamang nya ang makakapagpatumba sa akin,masyado akong nadala ng galit ko.

Ilang saglit lang ay napahiga ako dahil kinakapos na ako nang hininga. Mamatay na ata ako. At saktong pagpikit ko, ay sya ring patigil ng tibok ng puso ko.

--------------------------

-Levi

Sweetest Lie (COMPLETED ) Where stories live. Discover now