Chapter Five
Matapos kong malaman kung bakit Talaga sya nahiwalay sa akin ay Talagang ikinalambot nang tuhod ko. "Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya at sinuri ang kamay at katawan nya kung May galos ba.
"Okay lang naman ako, Thanks to you." Sabi nya sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. Good. "Gusto mo bang kumain muna bago umuwi sa palasyo?" Tanong ko sa kanya at inalalayan sya. "Wag na, Sa palasyo na lang ako kakain, tinatamad na din ako eh." She said at ngumuso na naman kaya I look away. Damn! This woman is giving me a hard Time.
"Sige,Tara na."
"Teka, Nasaan nga pala ang Teddy bear ko?" Tanong nito na ikinangiwi ko. I forgot.
"Nalimutan ko eh, hinanap kase kita kanina. Balikan na lang natin." I said at inalalayan sya at mas hinigpitan ang hawak sa kanya para hindi na naman sya mawala sa paningin ko.
---------
"12,500 pesos po, Sir." Nakangiting Sabi sa akin nang sales lady kaya ngumiwi ako at ibinigay sa kanya ang Credit card na hawak ko. Ang mahal Talaga nang malaking Teddy bear.
"Mamaya mo nalang hawakan Kei, paguwi natin sa palasyo." Paalala ko kay Kei at pinadala ko na lamang ang napakalaking Teddy bear sa kotse ko.
"Okay ka lang ba Talaga?" I asked her again kaya naman kumunot na ang noo nya. "Pa ulit ulit kana lang nag Tanong niyan Krane. " She said and again a memory flashed into my mind, kaya napahawak ako sa ulo ko at Napatigil kami sa paglalakad.
"Krane? Okay ka lang ba?" She asked kaya I let out a deep sigh. "Yeah. Tara na." I said at nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. What was that?
----------------
"Saan ko ba ilalagay 'tong Teddy bear?" Tanong ko kay Kei habang bitbit ang malaking bear na binii namin kanina. "Sa kwarto ko na lang." She said kaya tumango na lamang ako at aakyat na sana nang maalala ko na hindi ko nga pala kung saan ang kwarto nya.
"Saan bang banda ang kwarto mo?" I asked at lumapit sa kanya. Binaba ko muna ang hawak Kong teddy bear at inalalayan syang makaupo sa may sofa. "Sa pinakataas ang kwarto ko, yung kulay Gold na pinto." Sabi nya kaya tumango na ako at muling binitbit ang Teddy bear. Umakyat na ako at habang binabagtas ko ang patungo sa pinakataas ay napapabaling ako sa gilid ko. Puro Painting ang nakasabit. Medyo creepy. I shrugged at pinagpatuloy na lamang ang paglalakad. Ang layo nang kwarto nya.
Nang makarating na ako sa pinakataas ay nakita ko na ang kulay ginto na pinto kaya lumapit ako doon at binuksan iyon. Then my mouth formed 'O' when I saw her room. Ang lawak at ang ganda. May isang queen sized bed may study table sa gilid, may leather na sofa tapos may seventy-two inch flat screen TV sa may gilid, meron ding mini ref at CR, marami ring anime action figures na naka display at ang kama naman nya ay puno nang Teddy bear kaya napakunot ang noo ko. Saan naman kaya iyon natutulog? Nagkibit balikat na lang ako at inilagy sa sofa ang Teddy bear. Lumisan na ako doon at muling bumalik pababa. Pero may nakasalubong akong babae na hindi pamilyar sa akin ang mukha.
"Who are you?" Kunot nuong Tanong ko sa kanya, kaya tumalim ang tingin nya sa akin. "Ikaw? Sino ka ha?" Maangas na Tanong nito sa akin kaya I sigh. Ako unang nag Tanong pero hindi sinagot.
"I'm Krane Slyvestre, ako ang inatasan ni Sir Anthony para bantayan si Kei." I said and gave her a half smile.
"Ikaw? Babantayan mo si Kei? No way!" Di makapaniwalang sabi nito at nagmamadaling bumaba. Damn! This Palace is full of weird people.
Sumunod na lamang ako pababa at nang makababa na ako ay nakita ko ang babaeng nakasalubong ko kanina na kausap si Kei.
"Kumain kana ba? Gusto mo ipagluto kita? Anong gusto mong kainin?" Sunod Sunod ang Tanong nito habang si Kei ay tumatawa. "Mamaya na, Serenity." She said, kaya lumapit na ako sa kanila nang napansin ako nang babae ay tumingin sya sa akin nang matalim. "Pwede kana mag resign, ako nalang magbababntay sa kanya." Mataray nyang sabi sa akin.
"Seren, wag mo ngang awayin si, Krane." She said while smiling.
"Pero, ako naman dapat ang magbababntay sayo eh." Nakangusong sabi nang babaeng nakasalubong ko kanina na tinawag ni Kei na Seren.
"Pumunta kana lang muna sa kwarto mo, mamaya kana magreklamo kay Dad." Nakangiting sabi ni Kei at tinulak pa nang mahina ang tinatawag
nyang Seren. Tumayo ang babae at tinignan ako nang masama. "I'm watching you." Sabi nya sa akin at nilagpasan na ako. Weird Talaga."Who's that?" Tanong ko kaagad kay Kei nang makaalis na ang babae.
"Yun ba? Si Serenity Huizer yun, Pinsan ko." Sabi nya kaya tumango ako kahit hindi nya kita.
"Close kayo?" Tanong ko ulit.
"Yes, Very Close." Nakangiting nyang sabi kaya may naisip ako. "Gusto mo na bang kumain? Hindi kasi tayo nakakain sa mall kanina." I said.
"Ayaw ko kumain, tinatamad ako. Wala pa naman si Manang Adele."She said kaya napakunot ang nuo ko." Nandito naman ako, bakit aantayin mo pa si Lola Adele?"Kunong nuong Tanong ko sa kanya at umismid.
"Sya kase ang nagpapakain sa akin." Sabi nya kaya I sigh. "Ako na lang magsusubo sa'yo." Sabi ko at inalalayan syang makatayo at makapunta sa kusina. Nang maka rating kami ay inalalayan ko syang makaupo sa may upuan. "Dyan ka lang ipaghahanda lang kita nang pagkain." Ani ko at tumingin sa may lamesa. "Ano bang gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya at lumapit sa may ref, para tumingin kung ano ang pwedeng lutuin.
"I want ham and hotdog, nag ke-crave ako sa dalawa ng yun." She said kaya hinanap ko ang Ham at bacon. "Tanghali na pero Ham at hotdog ang gusto mo?" May halong sarkasmong Tanong ko sa kanya at sinarado na ang ref.
"Gusto ko lang, hinahanap kasi nang dila ko ang lasa ng dalawang yan." Nakangiting sabi nya kaya tumango na lamang ako at nagsimula nang magluto. Buti nalang at may kanin pa.
Nang natapos ako sa pagluluto ay inilagay ko na ang mga niluto ko sa may pinggan at inilagay sa may lamesa. Kumuha ako nang bagong plato at naglagay nang kanin don. Umupo ako sa tabi nya at humarap sa kanya. "May pupuntahan ka pa ba?" Tanong ko sa kanya at pinanganga sya para isubo sa kanya ang kanin at ham na nasa kutsara.
"Yes, samahan mo ako ah?" wika nya habang nanguya kaya napaismid ako. "Don't talk, may laman pa ang bibig mo." Ismid kong sabi sa kanya at tumingin sa gilid ko. "Eh, Tanong ka nang Tanong eh." Inis na sabi nya sa akin kaya napabuntong hininga ako at sinubuan ulit sya.
"San ka ba pupunta?" Tanong ko sa kanya nang maalala ko na may pupuntahan nga pala sya.
"Sa puntod ni mommy at Cross."
----------
-Levi.
YOU ARE READING
Sweetest Lie (COMPLETED )
Kısa HikayeKrane Slyvestre is an average agent in Agents Association. Kaya nyang gawin ang lahat, at kaya nyang mapasunod ang mga naka bababa ayon sa kanyang kagustuhan Until one day isang napakalaking pagkakamali ang nagawa niya sa misyon nila na nagdulot sa...