Chapter Six
"Sa puntod ni mommy at cross." She said kaya Napatigil ako.
"Si Cross? Akala ko buhay pa sya?" Nagtatakang Tanong ko sa kanya kaya naman tumawa sya. "Yes, Buhay sya pero patay na sya." Sabi nya ulit kaya napakunot ang noo ko. Ano daw? Buhay pero patay? Is she fooling me?
"Naguguluhan ka ano? Wag mo na lang yun intindihin. Samahan mo nalang ako." Nakangiting Sabi nya kaya tumango na lamang ako at inalalayan syang tumayo. Iniwan ko na lang doon ang pinagkainan nya tutal may mga Maids naman na maglilinis doon.
-----------
"Nandito na tayo." Anunsyo ko nang maka rating na kami sa puntod nang mommy nya.
Pinaupo ko sya sa may damuhan sa harap nang puntod ng mommy nya. Umupo na rin ako ng matapos ko syang maalalayan.
"Nasaan ang puntod ni Cross?" Tanong ko sa kanya. "Sa tabi nang puntod ni Mommy." Sabi nya kaya tumingin ako sa gilid ko.
Cross Huizer
"Teka, kaano ano mo ba si Cross?" Tanong ko ulit sa kanya. "Kapatid ko." Sabi nya naikinakunot nang noo ko. "Kapatid mo? Bakit iba ang apelyido nya?" Nagtatakang Tanong ko sa kanya.
"Pinabago nya ang apelyido nya." Nakaismid na Sabi nya kaya lalo akong nagtaka. "Eh si Vaughn ka ano ano mo? Sleights din ang apelyido nya diba?" Tanong ko sa kanya kaya tumango sya. "Half Brother ko sya, Anak sya ni Dad." Sabi nya pero Nagtataka pa rin Talaga ako. "Bakit ba Huizer ang apelyido nila?" Takang tanong ko. Well, I'm just curious.
"It's none of your business, kaya manahimik kana lang." she said then look away. "I'm just curious." I said and let out a deep sigh. "Curiosity can kills you." Walang emosyon nyang Sabi kaya nanahimik na lang ako. Bipolar ata ang babaeng 'to. Kanina masaya tapos ngayon tatahimik na.
---------------
"Saan kayo galing?" Iyan agad ang bungad sa amin pag pasok pa lang namin sa palasyo. "Bumisita lang ako sa puntod ni Mom." Mapait na sabi ni Kei at nagpaalalay na sa akin para umakyat sa taas. Iaakyat ko na sana sya ng Biglang dumating si Lola Adele. "Ako na hijo." Sabi nito sa akin kaya tumango na lamang ako at binigay sa kanya si Kei.
"Saan ba Talaga kayo galing Krane?" Tanong sa akin ni boss kaya humarap ako sa kanya at ngumiti.
"Sa puntod po nang mommy nya, medyo ginabi po kami dahil traffic ngayon."Ani ko kaya tumango sya.
"Ganun ba, Umakyat kana lang muna sa kwarto mo, ipapatawag nalang kita kapag kakain na." Sabi ni boss sa akin kaya tumango ako at tumalikod na.
Umakyat na ako pataas at nagmamadaling pumasok sa kwarto na ibinigay sa akin.
Pasalampak akong humiga sa kama at humarap sa kisame. It's a tiring day. I sigh at bumangon ulit. I have to shower.
Kinuha ko ang tuwalya na nasa may rack sa gilid nang pinto at pumasok na sa banyo.
-----------
Ilang minuto rin akong naligo bago natapos. Lumabas ako na tuwalya lamang ang tapis sa ibabang katawan ko at pumasok sa walk in closet na nandito sa kwarto. Yes. They have a fucking walk in closet. Kumuha ako nang masusuot at nagbihis na. Saktong pagkabihis ko ay sya namang may kumatok sa pinto.
"Ano 'yon?" Tanong ko at lumabas na sa walk in closet at binuksan ang pinto.
"Kakain na daw po." Sabi nang isang maid na kumatok kaya tumango na lamang ako at sumunod na pababa.
Pagpasok ko pa lang sa kitchen ay bumungad sa akin si Boss na nakaupo sa binakadulong upuan habang si Vaughn the 'Epal' ay nasa dulo din kaya napabuntong hininga ako. Ang laki kase nang dining table nila.
"Oh! The trash is already here." Pagpaparinig ni Vaughn pero hindi na lang ako umimik at umupo na lamang sa upuan sa may bandang gitna.
"Vaughn." Madiing sabi ni boss na may halong pagbabanta pero si Vaughn ngumisi lamang sa akin at kumain na. Ngayon ko lang napansin, ang daming nakahain. Teka, nasaan kaya si Kei?
"Nasaan po si kei?" Tanong ko kay Boss at nagsimula na ring sumandok nang sariling pagkain.
"Nasa kwarto nya, pinapakain sya ni 'Nay adele." Sabi ni boss kaya tumango na lamang ako at tahimik na kumain.
"So, how' s the food? Nakakaenjoy ba kumain nang pangmayaman na pagkain?" Bigla na lamang nagsalita si Vaughn habang nakangisi sa akin habang ako ay kalmado lamang na tumingin sa kanya.
"Vaughn, shut your mouth." Inis na sabi ni boss kaya naman tumawa nang mahina si Vaughn. "Well, I'm just asking him, father." Natatawang sabi ni darwin at muling bumaling sa akin. "So how's the food? Did you enjoy eating it?" Nakangiting tanong nya sa akin kaya naman palihim kong itinirik ang aking mga mata. "Yes, I enjoy it. Pero nakakasawa rin, araw araw ko na kase itong pagkain sa bahay eh." Nakangising sabi ko kaya naman sumama ang tingin nya sa akin. Actually it's a joke. He's such a moron if he take it seriously. Tumawa na ako sa isip ko pero sa kalabas labasan ko ay tahimik at kalmado lamang ako.
-------------
Natapos ang dinner namin at sa pagdi-dinner namin ay hindi pumapalya si Vaughn na lait laitin ako bawat segundo. He's like a childish.
Tumungo na lamang ako sa aking kwarto at humiga agad. Buti wala si Serenity, kundi pagtutulungan nila akong dalawa ni Vaughn.
I heavenly roll my eyes nang may sumagi sa aking isip. Tulog na kaya si Kei?
I let out a deep sigh at tumitig na lamang sa kisame, at ilang saglit lamang ay unti unti nang pumikit ang talukap ng aking mga mata.
-------
-Levi
YOU ARE READING
Sweetest Lie (COMPLETED )
Short StoryKrane Slyvestre is an average agent in Agents Association. Kaya nyang gawin ang lahat, at kaya nyang mapasunod ang mga naka bababa ayon sa kanyang kagustuhan Until one day isang napakalaking pagkakamali ang nagawa niya sa misyon nila na nagdulot sa...