Chapter IV

3 1 0
                                        

Chapter Four

Kagigising ko lamang nang 6 am nang umaga ng binulabog agad ako ni Kei na samahan ko daw sya mag shopping kaya wala akong Ibang nagawa kundi ang maligo na lamang at samahan sya pa punta sa mall kahit sobrang aga pa lamang.

"Kanina pa tayo dito pero puro lakad lang naman ang ginagawa natin." I boringly said at mas pinahigpit ang hawak nya sa braso ko. "Akala ko ba mag so-shopping ka?" Tanong ko sa kanya at tumingin sa paligid.

"Masyado kang reklamador, binabayaran ka ni dad para bantayan ako hindi para magreklamo." Inis na sabi nya sa akin kaya napapikit ako nang mariin. "Hindi ako nagrereklamo, ang sinasabi ko lang ay kanina pa tayo palakad lakad, hindi ka naman namimili." Kalamadong sabi ko sa kanya kaya bigla na lamang nya akong hinampas sa dibdib ko na ikinakunot nang noo ko. "Limot mo na ba? Paano ako makakabili? Bulag ako Bulag, okay?" Inis na sabi nya sa akin at hinampas pa ako sa dibdib ko na ikinangiwi ko.

"What was that for? Kanina mo pa ako hinahampas. Ano ba talaga ang gusto mong gawin dito sa mall?" I said in bored tone. "Nakakainis ka kasi eh! Wala naman talaga akong gagawin dito sa mall." Naka ngusong sabi nya kaya napatulala ako sa harapan nya. Does she have to do that? Inis kong tinuktukan ang sarili ko at hinarangan ang nguso nya.

"Don't do that again,will you?" Inis na sabi ko sa kanya at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. "Nagrereklamo ka na naman, ipapatanggal na talaga kita." May halong inis ang pagkakasabi nya kaya Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa mukha nya. Naluluha ang mata nya kaya nataranta ako. "Bakit ka iiyak? Don't cry, hindi naman ako nagrereklamo eh." I said at niyakap sya. Hindi talaga ako magaling mag-comfort, lalo na pag babae.

"Pero nagrereklamo ka kanina pa. Iniinis mo na ako." Sabi nya at tuluyan nang bumuhos ang luha sa mga mata nya kaya lalo akong nataranta. "N-no hindi naman ako nagrereklamo eh, wag kana umiyak, gusto mo bilhan nalang kita nang teddy bear?" Darn. Hindi ko na alam ang sinasabi ko. Napatigil ako sa pagpapatahan sa kanya nang tumigil na sya sa pag iyak kaya kumalma na ako. "Okay kana?" Tanong ko sa kanya at pinunasan ang luha nya. "Bibilhan mo talaga ako ng teddy bear?"Excited na Tanong nya sa akin kaya napatitig ako sa mukha nya, puno nang kagalakan at ang mga mata nya may kislap." Yes, kaya tumahimik kana"kiming sabi ko at inalalayan na sya para pumunta sa bilihan ng Teddy bear.

"Ano bang gusto mong kulay?" I asked her habang nakatingin sa malaking Teddy bear na kulay pink. "I want  a blue Teddy bear." She said kaya lumapit ako sa may sales lady na katabi nung teddy bear. "Miss, meron ba kayong kulay blue nito?" Tanong ko sa kanya at itinuro ang malaking Teddy bear pero nakatulala ang sale lady sa akin kaya naman tinanong ko sya ulit. "Miss?" "Miss?" Pa ulit ulit ko na ata yung tawag sa kanya pero no response pa rin kaya hinawakan ko sya sa kamay nya at saka lamang sya nabalik sa ulirat. "Ano po ulit yun Sir?" Tanong nya sa akin na may halong pabebe? What the fuck?

"I said do you have a blue color of that bear?" Tanong ko sa kanya at itinuro ang malaking bear sa gilid nya. "Ah yes sir meron po, Mag intay lang po kayo saglit." Nakangiting sabi nito at inipit ang ilang hibla nang buhok nya sa likod nang tainga nya kaya Napangiwi ako. The fuck with that girl? Saka ko lang naalala si Kei kaya tumingin ako kung nasan ko sya iniwan kanina. Pero pagtingin ko wala na sya doon kaya nataranta ako.

Lumapit ako kung saan sya nakatayo kanina. Damn! where is she? Luminga linga ako sa paligid pero kahit anong lingon ko hindi ko pa rin sya makita. Napabuntong hininga na lamang ako at lumabas na muna sa shop. Mamaya ko na lang yun babalikan.

Tumakbo ako sa dinaanan namin kanina, baka makita ko sya. Habang natakbo ay nalinga rin ako sa paligid. Damn! Where is that woman? Kahit kinakabahan at natulo na ring ang pawis sa nuo ko ay patuloy pa rin sa paghahanap. Damn.

Lumapit ako sa babaeng nakita ko sa may gilid ko, magtatanong nalang muna ako. Napakamot ako sa pisngi ko at saglit na pinunasan ang pawis sa nuo ko. "Miss, may napansin ka bang babaeng naka white dress? , Medyo pandak sya at maputi. " Nagbabakasakaling tanong ko sa kanya kaya naman parang napaisip ang babae.

"The blind girl?" Balik Tanong nya sa akin kaya tumango tango ako. "Yes, did you see her?"

"Yes, para syang pa punta sa labas eh, since doon ang direksyon na tinahak nya." Sabi nang babae at tinuro ang exit door kaya nag pasalamat ako sa kanya at lumabas na. Damn that woman she's cause of my headache.

Nang makarating na ako sa may labasan ay napalinga linga ako, nasan ba ang babaeng iyon? Kung saan saan nagsususuot.

Lilinga sana ako sa kabila nang may mahagip ang mga mata ko na pamilyar na likod nang isang babae, Si Kei. Tatawagin ko na sana sya kaso nanlaki ang mata ko nang makita ko ang dinadaanan nya. Tatawid sya mag isa,at mya motor na paparating.

Kahit natulo na ang pawis sa noo ko ay malalaki pa rin ang habang na ginawa ko at halos Tumakbo na ako para lang mapuntahan si Kei at nang saktong malapit malapit na ako ay sya namang papalapit nang papalapit ang motor kaya mabilis kong hinila pa punta sa akin si Kei para hindi sya mabunggo. Makalipas ang ilang minuto ay saka lamang nakapagsalita si Kei. "Krane?" Nangangatal na Tanong nito sa akin kaya napahilot ako sa sintido ko.

"DAMN! WHAT ARE YOU THINKING WOMAN? MUNTIK KA NANG MASAGASAAN FOR FUCK SAKE! " Inis na sigaw ko sa kanya kaya nakita ko kung paano na naman manubig ang mga mata nito.

"H-hindi k-ko naman alam eh, akala ko ikaw yung sinusundan ko kanina, iniwan mo kase ako eh." Naluluha nitong sabi kaya nanlambot ako. So it's my fault? Inis akong napasabunot sa sarili kong buhok at napapikit nang mariin. Fuck me!

------

-Levi

Sweetest Lie (COMPLETED ) Where stories live. Discover now