Chapter Nine
"Ano ba kasing pinag-usapan nyo ni dad?"Ulit na tanong ni Kei. Kanina nya pa ako tinatanong kung ano ba daw ang pinagusapan namin ni Tito. Yes, Tito na ang tawag ko sa kanya. Improving ayt?"Hindi mo na 'yon pwedeng malaman Keizara." I said at ngumiti sa kanya, pero sya ay biglang natulala kaya nagtaka ako. "Keizara?" Tawag ko sa kanya.
"Kei, Keizara." Niyugyug ko na sya this time dahil hindi talaga sya natitinag sa pagtawag ko. "Bakit ka ba natutulala?" Alalang tanong ko sa kanya. "Wala lang, ngayon ko lang kasi ulit narinig ang buo kong pangalan."Nakangiting sabi nya sa akin kaya napatawa ako." Seriously? Ngayon mo lang ulit narinig?"Natatawa kong tanong sa kanya kaya naman biglang tumalim ang tingin nya.
"At anong nakakatawa?" Inis na tanong nya sa akin. "Wala lang." Nakangiti kong sabi. Ilang saglit lamang ay tumahimik ang paligid. Walang ibang naririnig kundi ang hangin lamang, napapikit ako at napasandal sa balikat ni Keizara. Nandito nga pala kami sa may Sala, kahit gabi na hindi pa rin sya natutulog. Hindi pa daw sya inaantok.
"Malapit na pala akong umalis." Biglang sabi ni kei na ikinamulat nang mata ko. I sigh at tumingin sa mata nya. How i love to see her eyes everyday. "Sasamahan naman kita." Pagpapagaan loob ko sa kanya. Kahit hindi ako sure kung sasama ba talaga ako. "Talaga?" Galak na tanong nya kaya tumango ako kahit di nya ako nakikita.
"Sa isang linggo na. Gusto mo bang sulitin na natin ang isang linggo mo bago k- tayo umalis?"Nakangiting tanong ko sa kanya. May naisip kase akong plano. Para naman may alala syang masaya na magkasama kaming dalawa.
"What do you mean? "Nagtataka yung boses nya kaya natawa ako."Mamamasyal tayo kung saan mo gusto, ikaw ang bahala at gagawa tayo ng masayang memories together "Nakangiting sabi ko kaya naman bigla na lamang itong pumalakpak na ikinatawa ko." Really? Bukas ba tayo mamamasyal?"Excited na tanong nya sa akin."Yes, kahit buong isang linggo pa." Nakangiti kong sabi kaya niyakap nya ako na di ko inaasahan. "Thank you." Naiiyak nyang sabi kaya napatawa ako at niyakap rin sya pabalik. "Matulog kana, para madami tayong mapuntahan bukas."
"Okay." Nakangiting sabi nito kaya inalalayan ko na sya patungo sa kwarto nya. "Matulog kana agad ah?" Sabi ko at pinahiga sya sa kama nya at kinumutan sya dahil medyo malamig sa kwarto. Hinalikan ko muna sya sa nuo nya bago umalis sa kanyang kwarto.
Pumasok na ako sa aking sariling kwarto at humiga agd sa kama. Hanggang sa unti unti nang pumikit ang aking mga mata.
------------
"Excited na talaga ako!"Nakangiting sabi ni Val. Kanina nya pa yan sinasabi at paulit ulit kaya napapatawa ako.
"Kumapit ka nga sa akin nang mahigpit, baka mawala ka."Sabi ko at hinigpitan ang kapit sa kamay nya.
"Okay, Pero teka saan ba tayo pupunta?" Tanong nya kaya napangisi ako. "Nakapunta kana ba sa Enchanted Kingdom?" Tanong ko sa kanya. "Oo naman, dun nga kami lagi nag de date ni L eh." Sabi nya kaya parang lumaglag ang balikat ko. This woman!
"Wag na lang tayo dun pumunta" Ismid na sabi ko. "Sa peryahan na lang para naman hindi na si L ang isipin mo." Kunot nuong sabi ko kaya narinig ko na naman ang mahina nyang paghagikhik. "Bakit ka natawa?" Inis na tanong ko sa kanya kaya lalong lumakas ang tawa nya.
"Nagseselos ka ba? Haha! Pati naman si Landon pagseselosan mo." Natatawang sabi nya kaya lalo akong napasimangot. "Oo na nagseselos na ako, wag mo na kasing banggitin ang pangalan nya." Wika ko at dinala sya sa may peryahan.
"Okay po!Teka, Nasaan tayo? Parang ang gulo nang paligid." Sabi nito kaya tinawanan ko sya. "Nasa peryahan tayo, nakapunta kana ba dito?" Tanong ko sa kanya habang inaalalayan syang lumakad. "Hindi pa eh, Maganda ba ang lugar na 'to? Mukha namang magulo eh." Nakangusong sabi nya kaya natawa ako at mabilis syang ninakawan nang halik sa labi. "Trust me! Maganda at mas masaya pa dito kesa sa EK." Nakangiting sabi ko at pinagdaop ang mga kamay namin.
"Gusto mo bang sumakay sa ferries wheel?" Tanong ko sa kanya kaya excited syang tumango tango.
"Okay, okay, relax ka lang." Natatawa kong sabi dahil halos unahan nya pa ako sa paglalakad kahit ako ang umaalalay sa kanya.
Nang makapagbayad na kami ay inaya na agad nya akong sumakay kaya sumakay na kami.
"Sayang Hindi ko nakikita kung gaano kaganda ang paligid." Malungkot na sabi ni Kei kaya inakbayan ko sya. "That's okay! Pag naoperahan kana dadalhin ulit kita dito." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Talaga? Promise yan ah?" Nakangiting sabi nya sa akin kaya natatawa akong tumango. "Oo naman, Promise."
But promise meant to be broken.
Niyakap ko sya at tumingin sa labas nang bintana. Maggagabi na pala. Napangiti ako nang mapait at inaya ko na syang bumaba. Inalalayan ko sya sa pagbaba para hindi sya madulas.
"San naman tayo pupunta?" Tanong nya sa akin kaya inalalayan ko sya papunta sa nagbebwnta nang Cotton Candy. "Ano yung naririnig kong ingay?" Tanong nya ulit. "Wala yun." I said at bumili nang dalawang Cotton candy isang blue at pink. Nang makuha ko na ang cotton candy ay binyadan ko na si manong at hinila si Kei papunta sa isang bench.
"Ay, san ba talaga tayo pupunta?" Naguguluhan nyang tanong kaya napatawa ako at pinaupo sya sa bench. "D'yan ka lang ah? Bibili lang ako nang tubig." Sabi ko sa kanya at inilagay sa tabi nya yung cotton candy. "Wag kang aalis ah? Saglit lang ako." Paala ala ko sa kanya kaya tumango sya. Tumakbo na agad ako sa isang booth at bumili nang dalawang mineral water. Nang mabayaran ko na ang binili ko ay nagmamadali agad akong bumalik kay Kei.
"Pinag antay ba kita nang matagal?" Tanong ko sa kanya pagkaupo ko palang sa bench. "Hindi naman, ang bilis mo nga eh." Natatawa nyang sabi. I sigh at tinanggal ang plastik nang cotton candy. "Nakatikim kana ba nang Cotton Candy?" Tanong ko sa kanya at pinanganga sya para subuan sya nang cotton candy.
"Ano 'to? Cotton candy?" Tanong nya sa akin kaya nag Oo ako sa kanya. "Masarap ba?" Tanong ko sa kanya kaya naman tumango tango aya at nag thumbs-up pa. Napangiti ako at sinubuan ulit sya.
"Sana nag enjoy ka kahit sa ferries wheel lang tayo sumakay. Hindi kasi kita madala sa ibang game booth's eh.Tsaka dadalhin sana kita sa ibang lugar pero masyado nang gabi. " Sabi ko sa kanya at pinunasan ang gilid nang labi nya. "Nag enjoy naman talaga ako,kahit ano pang sakyan natin mag eenjoy ako. Kahit saan mo pa ako dalhin matutuwa at na appreciate ko lahat nang ginagawa mo, at isa pa okay lang naman ulit sa akin kahit dito lang tayo sa peryahan pumunta." Nakangiting sabi nya kaya ngumiti na rin ako. I am lucky to have this girl.
---------------
The end is near.-Levi
![](https://img.wattpad.com/cover/207286378-288-k705072.jpg)
YOU ARE READING
Sweetest Lie (COMPLETED )
Short StoryKrane Slyvestre is an average agent in Agents Association. Kaya nyang gawin ang lahat, at kaya nyang mapasunod ang mga naka bababa ayon sa kanyang kagustuhan Until one day isang napakalaking pagkakamali ang nagawa niya sa misyon nila na nagdulot sa...