Memories

1 0 0
                                    

WRITTEN BY: KATH_SHELIJAH

"Hey Thom, turuan mo naman akong magbisikleta oh."

Tinignan ko Angela na kanina pa nangungulit sakin magbisikleta. Gusto niya raw kasing makita yung sunset sa seaside sa beach. Eh hindi naman siya marunong.

"Bakit ba? Kita mong may ginagawa ako eh." Sagot ko. Bahala siya dyan tinatapos ko pa report namin bukas eh.

"Eh sige na Thom. Dali na." Pangungulit niya habang hinihila na yung kanang kamay ko. Hindi tuloy ako makapagsulat. Taena.

"ANO BA ANGELA KITA MONG MAY GINAGAWA AKO DIBA?!" pasigaw kong sagot sa kanya.

Siya nama'y napayuko at pinaglaruan ang kanyang mga daliri. Alam kong nagulat siya dahil pinagtaasan ko siya ng boses. Gayun din naman ako eh.

"Sorry Thom. Sige sa sususnod na lang kung may oras pa ako." Paalam niya at hinila na ang kanyang bisikleta pauwi.

Habang ako'y naiwan mag-isa, nakokonsensya at nagtataka. Anong pinagsasabi ng babaeng yun? May topak na naman ata.

Napailing ako bago bumalik sa pagtatapos ng aming report para bukas.

•••
"Tao po?"

Nandito ako sa tapat ng bahay nina Angela. Hindi na kasi siya nagparamdam sakin mula ng insedenteng yun, ten days ago.

Ngunit imbes na ang nanay ni Angela ang bumungad sa akin, isang katulong ang lumabas mula sa gate ng kanilang bahay. Si Nanay Imelda, ang masugid nilang katulong mula ng bata pa kami ni Angela siya na ang katulong nila rito sa bahay.

"Iho, hindi mo pa ba alam?" Tanong niya.

Tanong niya na nagpadagdag ng kuryusidad ko. Anong nangyari? Anong meron?

"Ang alin po nanay Imelda?" Hindi mapakali kong tanong.

Ewan ko ba pero parang may mali. Parang may hindi ako alam na alam nilang lahat.

"Isinugod sa hospital si Angela nang muling umatake ang kanyang sakit, 9 days ago. Umiiyak kasi siya noon buong maghapon kaya na-trigger daw yung sakit niya. Dead on arrival siya, Thom iho."

A Touch Of An InkWhere stories live. Discover now