That Girl

0 0 0
                                    

WRITTEN BY: KATH_SHELIJAH

"Ayan na naman siya oh."
"Oo nga tumabi kayo. Tabi."
"Sinabi nang tumabi gusto mo ikaw naman yung sunod na mabugbog?"

Napatingin na lamang ako sa mga estudyanteng nagsi-tabihan sa isang gilid. Mga shunga.

Tiningnan ko rin yung babaeng kinatatakutan nilang lahat.

Levi Demo Lopez. Ang babaeng kinatatakutan dahil sa kanyang mga gawain idagdag mo pa yung mata niyang kulay asul na nakakatakot makatingin.

Walang ekspresyon niya kaming tiningnan isa-isa. Yung ibang estudyante nga nagsi-takbuhan na papasok sa room nila. Mga shunga-shunga talaga.

Umalis na ako dun at pumunta na lang sa garden. Vacant kami ngayon. Pagdating ko sa garden umakyat ako sa puno at umupo sa isang sanga nun. Iidlip muna ako.

Nang biglang may nakita akong bahay ng mga bubuyog. Dahil sa pagkataranta nadulas ako sa sanga kaya nahulog ako.

"Tsk. Stupid Jane. You're really stupid." Napamulat ang mata ko ng marinig ko ang malamig na boses ni Levi. Sinalo niya pala ako. Malakas nga talaga siya.

"Sorry naman. Gusto ko lang naman matulog ng tahimik."

"Tahimik ba dyan sa punong puno ng bahay ng bubuyog?!" Pabalang niyang sagot. Napatungo ako at nag-sorry ulit.

•••
"Levi, tulungan mo nga ako. Sunduin mo ako dito sa bar please? Hikhok." Sabi ko kay Levi. Kausap ko siya sa phone at nandito rin ako sa isang bar.

"Tsk ano ba kasing pumasok sa isip mo't nagwala ka pa sa isang bar?!" Sagot niya halatang kagigising lang.

"Hm walwal tawag dun, Levi. Hindi nagwawala. Haha sige na po sunduin mo na ako dito, please?"

"Sige papunta na ako dyan."

Binaba niya na ang tawag. Ako naman ay naupo sa isang waiting shed dito malapit sa bar. Kunti na lang magpa-past-out na talaga ako.

Bago ako makatulog sa sobrang kalasingan may nakita akong motor na dumating.

Levi.

•••
"Ayan na sila oh."
"Hala ba't sumasama si Jane dyan kay Levi?"
"Baka mapahamak lang siya."
"Hayaan niyo na yan."

Napailing na lang ako sa mga naririnig ko sa kanila. Kahit kailan talaga mga shung-shunga sila eh no?

Hindi nila alam na ang inaakusahan nilang tao na masama ay may magandang kalooban, si Levi. Nung mga panahong sumasama ako sa kanya dun ko nalaman at napatunayan na hindi masamang tao si Levi. Siya pa nga yung nan-ligtas sa mga taong nabubugbog o nasasaktan. Napagbibintangan lang siya kasi minsan bugbog-sarado yung katawan niya tsaka mukha. Siya yung taong madaling maawa at tumulong sa mga taong nangangailangan. Siya si Levi Demo Lopez, ang bestfriend ko.

"Hayaan mo lang sila, Levi. At least alam mo at alam kong hindi ka gano'ng tao." Sabi ko sa kanya sabay hila sa kanya paalis sa mga mapang-bintang na tao.

Paalis sa mapang-husgang mga tao. . .  patungong classroom dahil late na kami.

Charot.

A Touch Of An InkWhere stories live. Discover now