Too Late

0 0 0
                                    

WRITTEN BY: KATH_SHELIJAH

Too Late
✒: Caylie Lumiere

"Bro, shot pa!" Aya sakin ng kaibigan kong si Calyx. Nandito kami ngayon sa bar para mag-celebrate. Tinago ko yung cellphone ko at ininom yung alak na ibinigay niya sa akin.

"Nandito tayo para mag-celebrate ng pag-success ng mission mo diba? Make Trisha fall for you. Bro, don't tell me in love ka na sa kanya?"

"Gago! Hindi, kanina pa kasi siya text ng text kasi may usapan kaming magkita doon sa park." Sagot ko sa kanya sabay lagok dun sa isa pang bote ng alak.

"Hayaan mo na yan! After all it was only just a dare, right?"

Natatawa na lang ako sa kanya. Kala niya siguro in love talaga ako kay Trisha. Pero ewan ko ba this past few days iba na ang pakiramdam ko sa kanya eh. Lalo na sa bawat pagngiti at tawa niya para akong matutunaw dahil alam kong ako ang dahilan niyon.

Trisha is just an ordinary girl. Isa siyang nerd na napag-tripan ng aming barkada. Well, sikat kasi yung grupo namin. Sikat bilang isang bully and Trisha is just a damsel in distress type of a girl. Alam niya naman sigurong playboy kaming lahat and we are known as a bully pero pinatulan niya pa din kami o ako.

Dito kasi nagsimula yun, we were on the cafeteria looking for a chair para umupo. Kami ni Calyx yung nag-order habang yung ibang barkada naman namin yung naghanap na nang mauupuan.

Nang makabili na kami, nakita na namin sila sa isang parte ng cafeteria kaya nagmadali na kami para makakain na. Nang biglang may mabangga kaming isang babae, si Angela.

"What the fvck!? Are you blind, bitch?!" Galit na sigaw ni Calyx, sa kanya kasi halos matapon ang lahat ng binili namin pati yung sphagetti para sana sa girlfriend niya.

"S-sorry po." Nanginginig na sagot ni Trisha. Gumos-gumos yung palda niya at parang paiyak na.

"You'll pay for this, bitch. And next time, watch where you're going, kung sinu-sino kasing binabangga. Tsk." Tsaka niya ako hinila para mag-order ulit.

And then the next day, inutusan niya akong ipafall sakin si Trisha bilang kabayaran daw kuno.

Beep~

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at nakitang may message na naman si Angela sa akin.

From: Angelngbuhayko<3

Loves, andito na ako. Saan ka na?

7:34 PM.

From: Angelngbuhayko<3

Loves, isa na naman ba to sa mga prank mo? Di na nakakatuwa ah.

7:50 PM.

From: Angelngbuhayko<3

Loves naman oh, asan ka na? Mag-reply ka naman oh. Please.

8:15 PM.

From: Angelngbuhayko<3

Siguro naman traffic ka lang no? O baka naman prank mo naman to Brix Dylan Garcia?!

8:30 PM.

From: Angelngbuhayko<3

Loves, uy asan ka na ba? Kanina pa ako nandito sa park oh.

8:50 PM.

From: Angelngbuhayko<3

Loves, natatakot na ako. Kanina pa ako nandito baka may multo dito. May sumisitsit sakin kanina pa eh.

9:15 PM.

From: Angelngbuhayko<3

Loves, seryoso na po to, may dumating na mga lasinggero dito tapos tumabi pa sakin. Loves. . .

9:25 PM.

From: Angelngbuhayko<3

Loves, hinahawakan na nila ako. Loves, asan ka na ba kasi?

9:35 PM.

From: Angelngbuhayko<3

Locws, pkeasw. . .

9:50 PM.

29 missed calls.

Nabitawan ko ang cellphone nang hilahin na ako ng antok. Hindi na rin pumasok sa utak ko yung mga messages niya sa akin.

•••
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko yung alarm ko. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto. Sa akin to siguro hinatid ako nina Calyx kagabi. Tsk pinainom pa kasi ako eh alam namang mahina ako sa alak.

Pabangon na sana ako ng biglang mag-ring yung phone ko. Pagtingin ko si Calyx pala. Ano kayang kailangan nito?

"Ano namang kailangan mo. Ang aga-aga mambubulabog ka na naman?!" Yamot kong sabi sa kanya pero siya nanatiling tahimik. Tiningnan ko phone ko, hindi pa naman niya binababa. "Bro ano okay ka lang?"

"Bro, buksan mo yung TV mo. . ." Halos pabulong niyang sagot.

Kaya agad akong kinabahan. May nangyari ba kagabi? Ganito yung mga nakikita ko sa mga movies eh. Binuksan ko yung TV at isang balita ang halos gumuho sa mundo ko.

"Isang dalagita natagpuang patay sa isang eskinita malapit sa isang park. Ayon sa imbestigasyon siya ay ginahasa bago pinatay. Nawawala din ang ilang parte ng kanyang mga daliri."
-   -   -

"S-sir asan ho ang katawan ng babae?" Nanginginig kong tanong sa isang pulis. Nandito ako ngayon sa eskinita kung saan natagpuang patay si Trisha.

"Ahh dinala na siya sa isang hospital muna at tatawagan pa ang kanyang mga magulang. Bakit Iho, ka-ano-ano mo siya?"

"Girlfriend ko po siya." Malungkot kong tugon. Kung kailan kasi natututunan ko nang mahalin siya dun din pala siya mawawala.

"Ah ikaw ba si Brix Dylan Garcia?"

"Opo ako nga po. Bakit ho?"

"May natagpuan kaming isang scrapbook ata yun sa tabi ng babae. Tapos nakasulat yung pangalan mo." Mahinahon niyang sabi sabay bigay sa akin ng scrapbook.

"Condolence, Iho." Saad niya habang tinatapik yung kaliwang balikat ko.

•••
Umupo ako sa isang sofa dito sa bahay. Titingnan ko lang yung giwpnawa ni Trisha. 6th monthsary kasi namin nun kahapon.

Tiningnan ko isa-isa yung picture. Halatang masayang-masaya pa kami dito. Kumikinang yung mga mata niya eh tapos ang tingkad ng ngiti niya. Habang tinitingnan ko ang bawat imahe na-realize kong successful nga yung dare sakin ni Calyx. Nakita ko kasi ang pagbabago ng emosyon sa mga mata ni Trisha. Kung sa unang page, halatang inis, sa kahuli-hulihan naging maamo yun at para bang lagi siayng masaya sa piling ko.

Hindi ko mapigilang maiyak habang tinitingnan at binabasa ang mga letters niya para sakin. Halos mabasa na nga yung scrapbook eh. Hanggang sa huling pahina mayroong isang letter. Kinuha ko iyon at binasa.

Dear Brix,

              Happy Monthsary, Loves. Sorry kung ito lang yung regalo ko sayo ngayon may pinang-iiponan pa kasi ako eh. Tsaka at least may effort ko diba? Hays mahal na mahal talaga kita, Brix kahit na sinasabi ng iba na pinag-ti-tripan mo lang daw ako, ayos lang. At least naging masaya ako sa piling mo. I will never regret loving you, Brix. Ikaw kasi ang kauna-unahang taong nagturo sakin kung pano magmahal ng tunay. Tsaka Brix sana magtagal pa tayo. Alam ko ang bata ko pa para dito pero sana tayo na talaga hanggang huli.

Your nerdy girlfriend,
Trisha Cortez

I'm sorry Trisha. I know it's too late pero sana malaman mong mahal na rin kita. Kung buhay ka lang sana, ipaglalaban kita, Angela.

"I love you Trisha." I gently whispered to the wind.

A Touch Of An InkWhere stories live. Discover now